His Pov
It's been two weeks already nang magising ako mula sa pagka-coma.
"Zel. May problema ba?" halata ang pag-aalala ni Ress saakin.
Zel. Yan ang tanging naisip kong pangalan nung tanungin nila ako, para kasing pamilyar saakin kaya yun na rin yung tawag nila Ress saakin.
"Wala naman." Sagot ko at nakatingin lang sa kalangitan. Nasa rose garden kami ngayon at as usual ay nasa gazebo si Ress habang ako naman ay nakahiga sa damuhan. Hanggang ngayon ay hindi ko parin alam ang full name niya at ayaw niya ring magkwento tungkol sa sarili niya.
Nung first week ay iniiwasan pa ako ni Ress hanggang sa unti-unti nang gumaan ang loob niya saakin. I feel at ease when she is around. Hindi ko alam kung bakit.
"Hindi na ba sumasakit ang ulo mo?" sabi niya at naupo sa tabi ko.
"Ress. I'm not going back into coma anytime soon." Nakangiting sabi ko.
"But-"
"Iiwan ba naman kita? Pano ka nalang? Si manang nalang kausap mo dito?" I rolled to my side and faced her then sat up.
Ang gaan ng loob ko kay Ress. It was like she was already part of my life.
"Tungkol ba yan sa panaginip mo?"
Sinasbai ko lahat kay Ress yung mga napapginipan ko bago ko isinusulat yun sa notebook na utos ng doctor para raw ma-organize ko yung mga naalala ko.
Iba-iba pero may isa talagang boses ang tumatawag saakin. Boses ng isang babae. Parang tinatawag niya ako pero hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.
Para akong nalulungkot sa tuwing gigising ako mula sa panaginip na iyon. Minsan ang boses nung babae ay yung umiiyak.
I feel like I should know her but I can't remember.
I feel like she is someone important to me.
At para nalang didilim lahat at pagtingin ko sa kamay ko ay puno ng dugo. Then I would wake up, sweating, sometimes I feel like I would cry. Para akong nawalan ng isang taong napakaimportante saakin pero hindi ko na maalala.
Hindi ko pa sinasabi kay Ress yung huling panaginip ko yung may dugo yung kamay ko. Hindi ko kayang sabihin. Pano kung nakapatay pala ako ng tao?
I can't even trust myself anymore.
"I'm fine Ress." Sabi ko lang ulit.
I don't want her to worry.
"You say that pero hindi ko parin maiwasang mag-alala."
"You have a big heart Ress." Sabi ko and stared at her masked face. Sa tagal ko dito ay hindi ko na tinanong si Ress tungkol sa sinabi ni manang na nasunog ang kalahati ng mukha ni Ress sa isang aksidente. Alam ko naman na ayaw na niya iyong maalala. "Tinulungan mo ako kahit hindi mo ako kilala."
"I'm glad I did." Nahihiyang sagot niya.
Napatawa ako ng konti.
"Somehow I feel like I don't deserve this." Sabi ko at bigla nalang nawala ang pandinig ko and pain shot through my head.
'I don't deserve you.'
May isang malaking bahay... mansion.
'I don't deserve you.'
"Zel!" sigaw ni Ress pero parang ang layo ng boses niya.
May babaeng nakatayo sa harap ko pero malabo siya at hindi ko makita ang mukha sa liwanag. She was looking down at me and calling me pero hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.
BINABASA MO ANG
The Game Changer (Mafia Families #2)
ActionThe hero of this story is dead. He risked his life to save mine. And I lost everything. There is nothing left for me but a path of revenge. And there is nothing I would not do because I have nothing to lose. You think you know me, you think you know...