Nakuha mo na ang address kay Vance?" tanong ko kay Florence nang sinagot na nito ang tawag ko.
"Hinahanda ko na ang mga impormasyong kailangan natin." Sagot niya.
"I expect that by six. Kailangan na natin gawin to ngayon." Sabi ko saka binaba na.
"May bisita L." sabi ni Klent nang pumasok siya sa opisina ko.
May ideya na ako kung sino kaya pinapasok ko na.
Binuksan ni Klent yung pinto at pumasok yung isang middle aged na lalaki at ngumiti siya saakin.
"Sono venuto per pagare il mio rispetto." He bowed his head a little before looking up at me.
Sa nagdaang mga buwan ay tinuturuan na ako ni Klent ng Sicilian.
"Grazie per essere venuto." Sagot ko naman sakanya.
"My name is Antonio. We have been hiding and waiting for you to call us."
"I'm glad you are still loyal to our family after all these years." Sabi ko and he smiled at me.
"We respected your parents, especially your father too much for that Mia Principessa."
"Lu rispettu è misuratu, cu lu porta l'avi purtato." Sagot ko sakanya in Sicilian.
Whoever shows respect will be respected.
Pinag-usapan namin ang sitwasyon nila at ng iba pang mga kasama niyang miyembro ng Vermillion at matapos ang ilang pang minuto ay nagpaalam na rin siya.
Siya na ang ikasampong taong bumisita saakin matapos nilang matanggap ang utos kong lumabas na. Some were glad and some were scared, they had been hiding all these years fearing that someone might hunt them down. That the massacre didn't end with our family but with the whole Vermillion Famiglia. Hanggang ngayon ay hindi parin namin malaman kung sino talagang nag-utos ng assassination.
Our investigations always had a dead end. Walang ibang impormasyon na lumalabas lalo na't wala na si Sedric, Domenic at yung iba namang mga lumang miyembro ay hindi namin mahanap.
***
"Here is all I can find about the Don's associate." Sabi ni Florence at nilapag ang isang folder sa mesa ko. "Nandyan na rin yung address at pwede na nating puntahan kung handa ka na."
Tumayo na ako. "Wala nang oras para patagalin pa natin ito."
Pinatawag ko na sina Dylan at Grey nang pumasok si Klent.
"Nandito si Liam." sabi niya.
"Great timing." Sabi ko nalang at sumunod na sakanya pababa.
Nandoon nga si Liam at kausap si Gino.
"You're doing a raid tonight?" tanong niya saakin.
"Sa bahay ng isang Drough Diller."
"Ah... yung inatasan ng Don sa drug business niya dito."
"At alam mo, bakit?"
"Just a guess." Sagot lang ni Liam at napatingin kina Florence na naghahanda na. "I guess I will be joining you tonight."
Liam says it like we are going to dinner or something not a raid where we'll probably be killing more than one person.
Matapos maghanda ay pinuntahan na namina ng isang address na malayo sa syudad. Malayo ito sa mga mabahay na lugar at tanging mga warehouse lang ang mga nasa paligid nito.
BINABASA MO ANG
The Game Changer (Mafia Families #2)
AçãoThe hero of this story is dead. He risked his life to save mine. And I lost everything. There is nothing left for me but a path of revenge. And there is nothing I would not do because I have nothing to lose. You think you know me, you think you know...