Chapter 7.2 : The Visit

1.6K 50 6
                                    

Klent's Pov

It's been three days since umuwi ako dito. Nandoon pa sa US si L at ngayon raw ang dating.

Pagpasok ko ng La Famiglia ay dumiretso na ako sa R Building. Alam ko na kong anong mangyayari saakin. still, kailangan kong harapin to.

Despite everything naging magkaibigan parin kami ni Zane.

But shit. He really holds grudges.

"Honey, I'm home!" pabiro kong sigaw at binuksan ang pinto ng office ni Zane.

"Dammit!" sabi ko nang mailagan ko ang balang tumama sa dingding nang nakita niya ako.

Ang office ng Bratva Boss.

Did I just say boss? Yeah, certainly did, binigay na sakanya ni Samuil yung posisyon.

"Babe, wag ka namang ganyan! Nakalimutan mo na ba ang masaya nating pinagsamahan?" pabiro ko paring sigaw.

May bala nanamang tumama sa diding.

"Shut your crap Morelo!" galit na sigaw niya. "Kung ayaw mong lumapit ako diyan at tapusin ang walang kwentang mong buhay."

Shit. I'm really asking for it.

"Missed me that much?"

"I told you if you f***ing show your face again, I'll blow your head off." Sagot lang sakin ni Zane.

"Awwee... ang sweet mo naman Zane." Sagot ko lang.

Nakita kong palapit si Dwight na huminto sa nakabukas na pinto.

"Konting tulong naman Dwight." Sabi ko.

He ignored me.

"Mali ang asinta mo, nasa gilid siya, right side." Sabi lang ni Dwight kay Zane.

Napasilip ako at bigla namang may tumamang baril sa gilid ng pinto.

Shit ang lapit nun!

"The hell?! Hoi Dwight!" tawag ko pero patuloy lang siyang pumasok at naupo pa sa may gilid na sofa. "Importante ang sasabihin ko."

"Ano?"

"Tungkol sa Sicilians."

"Keep talking..." rinig kong sabi ni Zane.

"I can't freaking say it out loud Zane. Maraming makakarining."

"Fine. Pwede ka nang pumasok."

"Okay. Papasok ako pero wag mo akong patayin."

"You have my word." Sagot niya.

Napabuntong ako at tumayo na sa harap ng pinto. Ngumisi lang si Zane saakin.

"Terrance Morelo..."

"Uh... What's up with the-" bago pa man ako makailag ay bigla na akong binaril ni Zane. "-Shit!"

Buti nga lang sa braso lang at flesh wound lang.

"Shit Zane! Sabi mo-"

"I gave you my word, hindi kita pinatay, magpasalamat ka." Malamig na sagot niya. "O Dwight, bigyan mo yan ng pantakip sa sugat niya baka mamaya niyang magmantsa pa ang dugo ng sinungaling sa sahig."

Dwight tossed me a black cloth.

"Bitter much?" inis kong sabi kaya tinignan niya ako ng masama.

The Game Changer (Mafia Families #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon