Chapter 9.3 : De Luca's Secret

1.4K 42 27
                                    

Kinabukasan ay nagulat nalang si L nang mabasa niya ang isang message sa cellphone niya.

Unknown number:

You want to know the truth about his death?

Meet me today at 8am on this location.

Come alone and if I see one of your guards, I'm out.

May lugar na nakalagay sa baba. Isang public park. Isang oras nalang at 8 na. Nagdadalwang isip pa siya kung ipapaalam niya ba ito kina Klent.

Sino to?

Unknown: You know who I am.

Alam ni L pero gusto niyang makumpirma.

De Luca. Pano ko naman masisigurado na alam mo?

Hinintay muba ni L na mag-reply.

Unknown: We're the De Luca. We know everything there is to know about your Family.

This isn't about the Family. It's about HIM.

Unknown: And he died because of the Vermillion Secret he might find.

Wala akong oras sa mga laro mo De Luca.

Unknown: Ayaw mo bang malaman kung sinong pumatay sakanya? Sa kapatid mo? Sa totoong pagkatao mo?

Alam na ng lahat na wala na si Carrie, si Zaria.

Unknown: Come and I'll tell you the deal.

Alam ni L na trap to. Ano ba pang tawag dito? He's gonna tell L all their secrets pout of goodness? Kung mal isa mang natutuhan si L sa nangyari sa resto ay ang lahat ng sekreto ay may kapalit.

Anong kapalit?

Unknown: A favor. I'll only wait for 10 minutes.

***

Nasa labas na si L at papunta sa kotse niya nang may nagsalita.

"Mapapahamak ka lang sa ginagawa mo L." sabi ni Dylan na nakasandal sa gilid ng main door.

"Alam ko Dylan. Pero kailangan ko paring malaman."

"You know you can always count on me." Nakangiting sabi ni Dylan.

"Alam ko. I'm always grateful for that. Hindi lang sayo kundi pati narin kina Klent." Sabi ni L at parang lumiit ang ngiti ni Dylan o imahinasyon ko lang.

"Mag-ingat ka L."

"I know."

"And don't trust anyone so easily." dagdag ni Dylan. "Especially a De Luca."

Napakunotako ng noo at tatanungin sana siya pero umalis na siya papunta sa likod ng mansion. Malapit na rin ang oras kaya mamaya nalang.

***

Maraming tao sa park pagdating ko kaya mas kampante ako. Wala apng isang minutoa kong nandoon nang makatanggap ulit ako ng message.

Unknown: Wait on the bench in front of you.

Agad na akong naupo doon. Napalignon ako sa likod ko at mayh isa pang bench na bakante sa tapat ng inuupuan ko. Hindi nagtagal ay napansin kong may isang lalaking naka-hood ang naupo doon.

"Wag kang lumingon." Sabi niya.

"De Luca." Sabi ko nalang. Kahit hindi ko siya makita ay alam kong naka -mask siya. It's obvious by his muffled voice.

"First things first. Anong kapalit ng sasabihin mo saakin?" tanong ko. "What favor?"

"Hindi ko pwedeng sabihin hanggat hindi ka pa pumapayag." Sabi niya.

Alam niyang desperado na akong malaman kung anong sekretong gustong malaman ni Shin.

"That's not how you do business De Luca." Sabi ko at tumayo na.

Let's see who's more desperate. Naghintay ako ng ialgn segundo bago humakbang palayo.

"Teka." Sabi niya. "Sasabihin ko ang sekreto ni Carrie. Ang sekretong matagal nang tinatago sayo nina Domenic at Sedric."

Natigilan ako at parang napansin niya yung kasi napatawa siya ng konti.

"Hindi lang ang tungkol sa Vermillion o ang totoo mong pangalam ang tinago nila." patuloy niya. "Alam rin ito ni Carrie pero hindi niya kayang sabihin sayo. This secret will determine the fate of the whole Vermillion, L. Muntik na rin itong malaman ni Shin Thairen Zeigren. He died because someone didn't want anyone to find out that secret."

"You're lying. Nangako saakin si Carrie na wala nang sekreto." Sabi ko nalang at parang mas kinukumbinsi ko ang sarili ko keysa kay De Luca.

"You don't sound too sure of yourself."

Natahimik muna ako.

"Gusto mo bang malaman?" tanong niya pa.

Pano kung hindi ko kayang gawin ang pabor na hinihingi niya? Pero para naman ito sa Vermillion, para ma-secure ang pagbuo ulit nito. Pero pano kung yung sekretong sinasabi niya ay makakasira dito?

Sasagot na sana ako nang bigla nalang tumayo si De Luca.

"Anong-"

"Run. Now." Sabi lang niya at agad na tumakbo at nawala na sa rami ng tao.

Aga na akong tumakbo papunta sa kotse at napatingin muna sa paligid pero wala naman akong nakita kung anong ikinatakot niya.

Pagsakay ko sa kotse ay agad na tumunog yung cellphone ko at isang unknown number ang tumatawag.

Sinagot ko na yung tawag.

"Anong nangyari sayo De-"

"How's your little chat Miss Vermillion?"

Akala ko si De Lica. Iba pala.

"Sino to?"

"The one you were looking for in the U.S." sagot nito.

"Frey." Sabi ko nalang at napakumo.

"Ang dali ka lang sanang tapusin. You were the perfect target. You were very wide open. If only I could pull the trigger pero hindi pa pwede, hindi ka pa pwedeng mawala sa laro. My employer still wants you alive."

"Tumawag ka lang ba para magyabang?"

"No. Just wanted to tell you not to dig deeper or you and De Luca will be in so much trouble."

"Hindi ako natatakot sayo." Sagot ko lang.

"I'm not talking about killing you." Napatawang sagot niya. "Alam ng emplorey ko na kayo ang sumunod sa warehouse niya. So, listen carefully Miss Vermillion. This is what will happen if you don't step down."

Natamik si Frey at tanging background noise nalang ang naririnig ko. Tapos...

"Klent!" may lalaking sumisigaw. "What the hell are you doing? Get him inside!"

Natulala ako sa gulat.

"Have a good day Miss Vermillion." Sabi ni Frey saka pinutol na ang linya.

The Game Changer (Mafia Families #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon