L's Pov
"Handa na ba lahat?" tanong ko kay Florence nang palabas na kami ng mansion at papunta doon sa warehouse kung san mangyayari lahat.
I'm just hoping na nabasa niya yung message ko.
"Ready as can be Boss." Sagot ni Florence.
"Na send mo na ba yung recording sa Saverin at Zeigren?" tanong ko. The recording will at least lessen the tensyon between the two.
Tumango si Florence.
Maaring hindi namin nakuha lahat ng kailangan namin dun sa tauhan ni Don Cartino but he gave us a very important information.
Brianna De Lucca.
Maitatanong ko na rin kung ano ang sekreto ni Carrie. Kung anong ibig sabihin niya dun sa message niya.
"Good. Then let's go. No need to keep our guest waiting." Sabi ko at sabay na kami ni Florence at Dylan papunta sa warehouse habang si Klent ay nauna na.
If this plan doesn't work then I don't know what will.
"Sana nga lang makarating ang guest of honor." Sabi ni Dylan sa tabi ko habang naglalakad na kami papunta sa kotse.
Isang oras ang drive papunta sa abandonadong warehouse ng mga Vermillion. More like a safehouse/ shady business house than a warehouse.
"Mga ilang minuto bago dumating sina Klent kasama yung prisoner." Sabi ko, so we have at least 20 minutes to prepare.
"I just hope no one's getting shot tonight." Sabi ko nalang kay Dylan.
"Then let's hope everything goes according to plan." Sagot niya na nakasunod na saakin.
Isang minuto ang lumipas ay nakita ko na ang headlights ng isang sasakyan na papasok na sa fence ng warehouse. Sinalubong ko sina Klent.
"Everything is ready L." sabi ni Grey mula sa earpiece. Nagtatago lang siya dito sa paligid, naghihintay sa aming bisita,
Hinila na ni Klent ang isang babae pababa ng kotse, nakatakip ng sakong tela ang mukha niya.
Any second now...
Any minute...
Kinaladkad na yung babae papasok ng warehouse at paupo sa isang silya sa harap naming lahat.
"So this is what will happen Brianna." Sabi ko at kinuha na ang baril sa jacket ko. I gave my full attention sa babaeng may takip parin sa mukha. "Saan nagtatago si Vance?"
Hindi sumagot yung babae kaya tinutok ko na ang baril sa ulo niya. I pressed the barrel on her forehead.
A second passed...
Walang nangyari.
I placed my finger on the trigger.
Dammit. Nasan na ba siya?
"I'm giving you five seconds De Luca. Talk or I'll pull this trigger." Malamig na sabi ko.
"Teka lang L-" pigil ni Florence pero tinignan ko siya ng masama kaya napaatras siya.
"1..."
"2..."
Wala paring nangyari.
"3... Last two De Luca. Believe me I'll really pull this trigger." Malakas na sabi ko.
"We got him L." sabi ni Grey mula sa earpiece sabay ng isang pagsigaw.
BINABASA MO ANG
The Game Changer (Mafia Families #2)
AçãoThe hero of this story is dead. He risked his life to save mine. And I lost everything. There is nothing left for me but a path of revenge. And there is nothing I would not do because I have nothing to lose. You think you know me, you think you know...