Faustina's Pov
Maaga akong gumising dahil ngayon darating ang bagong doctor sa hospital na sinasabi ni Suishi.
Hays gaano ba ka importante yan at kailangan lahat kaming doctor sa hospital ay ma meet sya.
"Ma alis na ako" paalam ko sa mama ko
"Sige nak ingat!" Sabi nya at kiniss ako sa cheek.
~ St. John Hospital ~
Matapos ang isang oras na biyahe ay nakarating nadin ako sa St. John Hospital.
Dumiretso akong Conference Room at nadatnan kong halos lahat ng doctor ay andito na. Hindi pa naman ako late excited lang siguro silang pumunta dito.
Hinanap ng mata ko si Nathalie ang kaso wala pa sya. Humanap nalang ako ng mapwepwestuhan.
Umupo ako sa bandang harap at binati ang ibang doctors.
Maya maya pa ay dumating na si Dr. Park ang may ari ng hospital.
"GoodMorning Doctors. Thank you for all your cooperation and coming here in this early hour, but once you meet our new doctor I know ma gogood vibes kayo." Sabi ni Dr. Park na nakangiti. Not to mention Dr. Park is a girl.
"Clown ba sya doc?" Tanong ko nakaka goodvibes daw eh.
Napatawa naman ang ibang mga doctors."Of course not he's a doctor. Kaw talaga Ms. Sevres palabiro" sabi ni Dr. Park.
"By the way medyo na traffic yata ang --"
" Im sorry Im late" biglang may pumasok sa conference room isang napaka gwapong nilalang.
Tinignan nya kami lahat at nung nagtama ang mga mata namin biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
"Austin" bulong ko iniwas nya ang tingin nya sakin yung tipong hindi ba kilala yung parang ngayon lang nya ako nakita kasi wala man lang syang reaction.
Napasinghap ang mga dalaga at nag fefeeling na dalaga na mga doctor. Yung mga ngiti kilig na kilig.
"It's okay Mr. Galvez you're just in time" masayang sabi ni maam.
Lah naloka na yata mga babae dito yung nga ngiti nila pare parehas.
"Ehh? On time ? Almost 30 minutes na nga syang late eh" bulong ko.
"Are you saying something Dr. Sevres?" Bigla akong napatingin kay Dr. Park.
"Nothing Doctor Park" nakangiting sagot ko at yumuko nalang ako. Ayaw ko kasing tignan ang lalaking nasa harapan eh.
"Okay so Doctors! This is Dr. Austin Galves ang new doctor natin dito sa St. John I hope pakitunguhan nyo sya ng maayos dahil ang pamilya nila ang may pinaka malaking shares dito" pakilala niya kay Austin.
"So Dr Galves would you mind if ipapakilala kita sa mga Doctors dito" tanong nya kay Austin.
"My pleasure" nakangiting sabi nya tinignan ko ang reaction ng mga kababaihan kulang nalang tumambling sila sa harap nya sa sobrang kilig nila.
Wala parin syang pinag bago habulin parin sya ng mga babae.
Nag umpisa ng ipakilala ni Dr. Park ang mga doctors na nag umpisa sa right side ng table at dahil nasa left side ako ibig sabihin ako ang pinaka huling ipapakilala dahil nasa dulo ako.
"So this is Dr. Keith Alcantara the best surgeon in town" pakilala niya kay Keith ang mahusay at gwapo ding Doctor na kakilala ko medyo suplado pero makakausap mo naman.
BINABASA MO ANG
The Hottest Doctor [COMPLETED]
AléatoireThe Hottest Doctor was made for all those who still holding on of their past. Yung tipong iniwan kana pero umaasa ka parin na mag kakabalikan kayo. But what if may dumating na tao para matulungan kang maka move on? Would you keep holding on or let g...