ChapterThirtyTwo: Their Fiance

8.2K 161 1
                                    

Faustina's Pov

"Austin gusto ko ng pinya yung walang mata" sabi ko kay Austin.

Nandito kami sa harap ng bahay nila Sheng.

Kinukulit ko syang ibili nya ako prutas kaya lang ayaw nya (-.-) nakakaiyak.

Nag kaka mali kayo kung iniisip nyong nag lilihi ako.

Malabong mabuo ang sperm cell sa loob ng isang linggo.

"May pinya bang walang mata?" Tanong ni Austin.

"Meron kung ilalagay mo sa nga mata mo" pilosopong sabi ko.

"Ang init ng ulo ko mahal kong babae. May problema ba?" Malambing na tanong nya.

Niyakap nya ako at ipanatong nya ang baba nya sa balikat ko.

"Ano ba ang init!" Sabi ko at tinanggal ang kamay nya.

"Bakit ba ganyan ka?" Kunot noong tanong ni Austin.

"Nakaka inis ka kasi kung ayaw mong bumili edi ako nalang!" Bulyaw ko sa kanya at tumayo.

Padabog kong binuksan ang gate.

Nagulat ako nung pag bukas ko ng gate nandun si tito Aldrin papa ni Austin.

May mga kasama itong mga body guard.

"Dad!?" Gulat na sambit ni Austin na hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala.

"Tito" sabi ko at nag mano ako.

"Kamusta ka hija?" Nakangiting tanong nya.

Yung ngiti nya nakakatakot.

"O-okay lang naman po" nauutal na sagot ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Austin.

"Namimiss na kasi kita anak kaya sinusundo na kita" nakangising sabi nito.

"Hindi ako sasama sayo" iritang sabi nya at hinila ako.

Pero bigla syang hinawakan nung mga bodyguard na kasama ni tito Aldrin

"Fck. Bitawan nyo nga ako" palag ni Austin.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Lalapit na sana ako kay Austin pero hinarangan ako ni tito Aldrin.

"Don't go near him" seryosong sabi nya.

"Hey you old man wag mo syang pakikialamanan!" Sigaw ni Austin na hanggang ngayon hawak parin nila.

"Sumama ka ng matiwasay hindi ko sya pakikialamanan" cool na sabi ng dad ni Austin.

"Faustina!" Napalingon ako sa sumigaw.

"Lolo?! Anong ginagawa mo dito?!" Gulat na gulat na sabi ko.

Ano to? Get together ng family namin? Pamamanhikan? Sana nga.

"Ikaw ang dapat tanungin ko nyan Faustina. Anong ginagawa mo dito?" Galit na tanong ni lolo.

"Masaya na kami ni Austin dito Lo pabayaan nyo na kami" maramdamin na sabi ko.

Lumingon ako kay Austin iritang irita sya dahil hindi sya makawala.

"No Faustina isasama na kita uuwi na tayo!" Sigaw ng lolo ko at may humawak din saking body guard.

Saan naman galing tong mga to.

"Ano ba bitawan nyo nga ako! Hindi to drama ano bang gusto nyong mangyari!" Inis na inis na sabi ko.

The Hottest Doctor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon