ChapterTwentySix: Tame

7.6K 170 0
                                    

Austin's Pov

Andito ako ngayon sa harap ng bahay nila Faustina susunduin ko sya.

"Ohh Austin andyan ka pala" sabi ni Tita France pag labas nya ng gate nila may dalang garbage bag.

"Ahh opo susunduin ko po sana si Faustina" sabi ko bigla syang bumuntong hininga.

"Hayy naku kanina pa sya umalis ng bahay" sabi nya napa simangot naman ako.

"Wag mo na kasi syang isasama pag alam mong may kasama kang iba alam mo naman yang si Faustina ayaw ng nagmumukang tanga" sabi ni Tita Farnce.

Napayuko naman ako at humawak sa batok ko

"Sorry po tita hinayaan kong sumama ang loob nya" hinging paumanhin ko kay tita.

Lumapit sya sa akin at hinawakan ako sa balikat.

"Bakit sa akin ka nag sosorry? Kay Faustina ka mag sorry sya yung nasaktan mo" sabi nya.

"Suyuin mo lang sya bibigay din yun di ka nya matitiis kasi mahal ka nun" sabi ni tita napangiti naman ako.

"Salamat po tita sige na po alis na po ako at uumpisahan ko na syang suyuin." Paalam ko.

"Okay Good luck! Aja fighting!" \(^0^)/ masayang sabi ni tita at umalis na nga ako at dumaan sa flower shop para bumili ng paborito nyang tulips.

Bumili din ako ng paborito nyang kisses chocolate at pumunta ng hospital.

Agad akong pumunta sa doctors office pero hindi ko sya nakita dun.

Nag raround siguro sa mga pasyente nya.

Pumunta akong nurse station baka sakaling makita ko sya dun.

"Hi dok good morning" bati ng isang nurse tumango lang ako.

"Dok para sa akin ba yan nakakahiya naman" pag bibiro ni Suishi.

"Para kay Faustina" sabi ko napangiti naman sya.

"Ahh ang sweet naman" sabi nya.

"Nakita mo ba sya?" Tanong ko kay Suishi.

"Galing sya kanina dito nakasimangot at binabara lahat ng mga tanong na sa tingin nya walang kwenta" kwento ni Suishi.

"Ewan ko ba dun may monthly period yata sya ngayon." Dagdag pa ni Suishi.

Napabuntong hininga ako. Alam ko kung bakit mainit ang ulo nya.

"Sige salamat hahanapin ko lang sya ha" paalam ko at umalis na.

Asan na kaya yung babaeng yun? -.-

Nagpa tuloy ako sa pag lalakad at nakita ko sya sa public room sa hospital.

Seryoso syang nakikipag usap sa mga pasyente dun. Napa buntong hininga ulit ako. Mostly kapag nakikipag usap sya sa mga pasyente nakangiti sya palagi.

Nakita ko syang lumabas ng public room kaya agad akong lumapit sa kanya.

"Good morning doc" bati ko sa kanya at iniabot ang bulaklak at chocolates.

Tinitigan nya ang ako at bumaling ang tingin sa dala ko.

Akala ko aabutin nya pero nilagpasan ako.

"Faustina mag usap tayo" sabi ko sa kanya at hinarangan ang daan nya.

"Busy ako" cold na sabi nya at nilag pasan ako pero humarang ako sa daan nya.

The Hottest Doctor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon