ChapterTwentyThree: Forever

9.5K 187 1
                                    

Faustina's Pov

Masaya ako dahil pang umaga ang shift ko ngayon at kasama ko parin yung tatlo.

Naka upo ako ngayon sa may bench sa garden habang nag papahinga kakatapus ko lang mag check up.

Inaantay ko din si Austin pupuntahan nya daw ako dito eh.

Kasalukuyan akong nag babasa ng libro nung may nag salita.

"Hello miss beautiful" sabi nya sabay abot ng tulips.

Napangiti naman kaagad ako at kinuha ang bulaklak. Umupo sya sa tabi ko at inakbayan ako kaya heto kilig much na naman ako ^0^

"Ano ka ba Austin baka isipin nila hindi naman tayo pero kung maka akbay ka dyan" reklamo ko -.- syempre nag papahiwatig na din ako sa kanya.

Ewan ko ba dito kung gusto paba nya akong balikan eh hindi naman gumagawa ng effort.

"Ohh. Sorry sige alis na ako" sabi nya at tumayo sya kaya hinawakan ko ang kamay nya dahilan para lumingon sya.

"Aalis kana kaagad?" Malungkot na tanong ko sa kanya.

"Yah. Sayo nadin mismo galing na baka anong isipin ng ibang tao sa atin" seyosong sabi nya at umalis na.

Waahhh!! Nakaka inis bakit ganun sya?! Pinag antay nya ako tapus iiwan din kaagad.

Nakakaiyak talaga tong moment na to. Ang bad talaga ng author pinapahirapan ako ~.~

Nag antay lang pala ako para iwan lang din hangshaket-.-

Kung tayo ay matanda na
Sana'y di tayo mag bago
Kailanman, nasaan ma'y
Ito ang pangarap ko.

Napalingon ako sa kumakanta. Yung boses nyang napaka swabe narinig ko na naman.

Nakatitig sya sa akin habang nag i strum ng gitara at kumakanta. *0* gwapo!

Makuha mo pa kaya
Ako'y hagkan at yakapin
Hanggang sa pag tanda natin

Lumapit sya sa akin at ngayon nasa harap ko na sya. Gosh! Para akong sasabog sa kilig.

Ano ba kasing ginagawa nya? Hinaharana ba nya ako? Ehh ano ba kenekeleg ako ^0^

Nakalimutan ko ng naiinis ako sa kanya dahil iniwan nya ako.

Nakuha na nya ang atensyon ng mga tao dito sa garden.

Nag tatanong lang sayo
Ako pa kaya'y ibigin
Kahit maputi na ang buhok ko.

Tumigil sya sa pag strum.

"Faustina gusto ko sanang opisyal na manligaw sayo ulit" sabi nya at hinawakan pa ang kamay ko.

Tumingin ako sa mga tao sa paligid. Para silang nanunuod ng live na shooting ^^

"Pahintulutan mo sana akong ligawan ka at mahalin ka uli" sabi nya habang naka ngiti.

"Muling ibalik ang tamis ng pag ibig!" Narinig kong kanta ni Suishi na kasama sila Keith at Nathalie.

Bakit nandito sila? Nakakahiya andami pang tao na nakatitig. More on nurse at pasyente ang nandito.

"Wag ka ng mag paligaw sagutin mo kaagad" Natatawang sigaw ni Nathalie.

Napa irap nalang ako sa kanya.

The Hottest Doctor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon