Chapter Eight:BestFriend

10.3K 238 1
                                    

Faustina's Pov

Hindi ko namalayan ang pag baba ni Keith sa kotse nya. Nagulat nalang ako pag mulat ko ng mata ko nakita ko syang pinag buksan ako ng pintuan.

Ang aliwalas ng mukha nya nakangiti sya sa akin. Bumababa ako ng kotse nagulat ako ng hawakan nya ang kamay ko. Parang nakaramdam ako ng pag daloy ng kuryente sa pag hawak nyang yun.

"Tara gawin nating masaya ang araw mo" sabi nya hindi na nya hinintay ang sasabihin ko kasi hinila na nya ako kaagad park.

Ang ganda ng park madaming mga bata ang nag lalaro. May mga bwesit na mag jowang nag dedate urg! Ang bitter ko sh*t.
Malawak at maganda sa mata ang kabuuan ng park puro bermuda grass ang makikita mo at madaming bulaklak ang nakatanim.

Hinila nya ako sa nag titinda ng sorbetes. Wow *0*.

"Would you mind if I treat you some uhm dirty ice cream?" Parang nag aalangang sabi nya.

"Pfft. I really love eating sorbetes so okay na okay sa akin" naka tawang sabi ko.

Sinong mag aakalang ang mayaman at gwapong doctor na kasama ko ay kumakain ng dirty ice cream at pumupunta din sa pam publikong lugar tulad ng park na ito.

"Ilan gusto mo?" Tanong nya.

"Pag ba sinabi kong sampu bibilhin mo?" Biro kong tanong sa kanya.

"Kung kaya mong ubusin bakit hindi?" Seryosong sagot nya naman.

"Biro lang doc. 2 ice cream is enough" sabi ko.

" apat nga po manong na sorbetes" sabi nya inabutan nya ng isang daan ang mamang sorbetero.

"Naku sir wala po akong panukli." Sabi nito habang kumakamot sa ulo.

"Okay lang po manong keep the change" sabi nito at pinat nya ba ang balikat ni manong.

"Naku sir hindi ko po matatanggap nakaka hiya naman po!" Sabi ng mamang sorbetero at pilit ibinabalik at 100 pesos na binayad ni Doc.

Humanga ako kay Doc Keith pero mas humahanga ako kay manong sorbetero. Sana lahat ng tao gaya nya hindi gahaman sa pera.

"Okay lang po manong wag kayong mahiya hindi nyo naman po ninakaw eh" sabi ni doc.

"Kung ganun ho eh salamat sir" sabi ni mamang sorbetero.

"Walang anuman po" sabi ni Doc Keith.

"Doc thank you sa sorbetes ha" sabi ko habang kinakain ang sorbetes. Pinapa nood ko syang kumain at grabe lang ang sexy nya kumain ng ice cream.

"Your welcome. Akala ko hindi ka kumakain nito eh" sabi nya.

"Seryoso ka doc? Ikaw nga tong hindi mapag kakamalang kumakain nitong sorbetes eh" sabi ko sa kanya napa tawa naman sya. Gosh parang ang sarap sa tenga at ang sarap nya titigan.

" well pag may time ako pumupunta ako dito para tumambay at bumili ng sorbetes" sabi nya.

Naubos ko na ang dalawang sorbetes na binila nya para sa akin kaya nag hanap pa ako ng ibang makakain. Broken heardted ako kaya kailangan ko ng madaming pag kain.

Napabaling ang tingin ko sa mga ihaw ihaw.

"Waahhh Doc dun tayo libre moko nun" excited na sabi ko habang tinuturo ang ihaw ihaw.

Pero nakatayo lang sya at seryoso ang mukha nya.

"Are you serious with that Faustina?" Seryosong tanong nya. Tumango tango ako.

The Hottest Doctor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon