Faustina's Pov
"Ready kana?" Tanong ni Austin pag ka baba ko ng hagdan.
Nakaabang sya at inilahad nya ang kamay nya sa akin.
Nag yaya kasi syang mag simba para daw ipakilala ako kay Lord (^/\^)
"Oo naman" sabi ko at tinaggap ang kamay nya kaya ngayon mag ka holding hands na kami.
"Mama alis na kami" paalam ko kay mama at bumeso.
"Okay umingats kayo! Pagpalain nawa kayo" sabi ni mama at bumaling kay Austin.
"Ohh Austin ha pag ito umuwi ng umiiyak sasapakin na kita" banta ni mama.
Nag salute si Austin kay mama. Napatawa nalang ako habang pinapanood sya.
"Yes ma este tita" sabi nya. Pft.
"Ohh sya mag silayas na kayo!" Sabi nya at pinag tulakan kami.
Kita nyo na pinag tatabuyan lang ako ng mama ko.
Naglalakad kami ni Austin palabas ng subdivision. Napag isipan kasi naming mag commute actually ako lang naka isip dahil gusto ko ng bagong experience.
Never pa akong nakakasakay sa public transpo except sa taxi pero itong si Austin never pa kahit anong transpo kaya para maka experience naman sya heto pinilit ko syang mag commute.
"Sure ka ba na mag je-jeep tayo?" Tanong nya na parang nag aalangan sa gagawin namin.
"Oo naman bakit ba?" Tanong ko sa kanya.
"Our outfit is not fit for the public transportation" sabi nya kaya napa tingin naman ako sa suot namin.
Nakablack dress ako na off shoulder at flatshoes na black.
Sya naman naka black long sleeve at maong pants.
(AN: couples at the media <3)
Oo nga no masyado yatang sosyal tong suot namin? ^.^
"Okay lang yan kunwari social climber tayo" sabi ko at hinila sya para makarating kami kaagad sa sakayan.
Sumakay kaming tricycle papuntang sakayan ng jeep at makalipas ang ilang minuto ay nakarating na din kami sa highway.
Nag abang kami ng jeep papuntang simbahan.
"Hindi ko talaga alam kung anong trip mo Faustina ang init" reklamo ni Austin napatawa nalang ako.
"Daig mo pa babae ang arte mo" sabi ko at inabot sa kanya ang dala kong pamaypay.
Maya maya may dumating na jeep papuntang simbahan kaya pumara kami.
Pagkasakay namin ay nakatingin samin yung mga babae na parang kinikilig. Or sa kanya lang pala nakatingin.
Psh. Wala eh gwapo kasi ang boyfriend ko. ^.^
Nakapwesto kami sa bandang dulo sya nasa pangalawang dulo ako naman sa pinaka dulo.
"Ma bayad po" narinig kong may nag aabot ng bayad.
"Kuya makikisuyo naman po" sabi nung babae kaya lumingon ako si Austin hindi man lang pinapansin.
"Austin kunin mo yung bayad" utos ko sa kanya. Napakunot naman sya ng noo.
"Bakit ko kukunin muka ba akong taga abot ng bayad?" Iritang sabi nya.
"Wag kayong pumwesto dyan sa dulo kung di kayo marunong mag abot ng bayad!" Sigaw nung isang ale.
BINABASA MO ANG
The Hottest Doctor [COMPLETED]
AcakThe Hottest Doctor was made for all those who still holding on of their past. Yung tipong iniwan kana pero umaasa ka parin na mag kakabalikan kayo. But what if may dumating na tao para matulungan kang maka move on? Would you keep holding on or let g...