Chapter Ten: TrueColor

9.8K 232 4
                                    

Nathalie's Pov

"Suishi alam mo na ba yung balita?" Tanong nung nurse kay Suishi.

Nasa may nurse station ako ngayon dahil nag papahinga ako kakatapus ko lang mag round sa mga pasyente ko.

"Hindi pa Jana ano ba yun?" Tanong ni Suishi kay Jana na halatang interesadong interesado.

"Hindi ba taon taong may pinapadalang pinaka magagaling na doktor ang St. John sa mga liblib na lugar?" Sabi ni Jana kay Suishi na attentive na nakikinig.

Oo nga pala malapit na pala ang pag papa dala ng hospital sa mga liblib na lugar ng pilipinas para tulungan sila sa medical na pangangailangan.

Hindi pa ako napipili sa ganyan kaya ang goal ko ay makasali sa listahang iyon dahil ito ang patunay na isa kang magaling na doktor.

Kapag napili ako mai pag mamalaki ko sa lahat na isa akong magaling na doktor.

Kay ganda namang isipin na titingalain ako ng lahat. *smirk*

"Ohh anong balita dun?" Tanong ni Suishi hindi ko ipinahalatang nakikinig ako.

"Yung kaibigan mong doktor si Ms. Faustina kasama sya sa listahan" masayang balita ni Jana kay Suishi.

"Talaga?! Magandang balita yan naku hahanapin ko si Faustina para ibalita ito" tuwang tuwang sabi ni Suishi.

What the? Si Faustina kasama? How come eh isang taon palang sya dito.

"Jana totoo ba yang sinasabi mo?" Biglang singit ko sa kanila.

Napalingon sila sa akin.

"Doc Nathalie andyan ka pala" sabi ni Jana

"Totoo ba yang sinasabi mo?" Tanong ko ulit paninigurado ba.

"Ahh yes doc narinig ko kanina si Doc Abigail at Doc Trina na pinag uusapan ang tungkol dito at nabanggit nilang siguradong kasama si Doc Faustina" pag kwe kwento ni Jana.

"Ang saya diba Nathalie?! Yaay kasama si Faustina ibig sabihin nun isa sya sa pinaka magaling na doktor dito grabe hinahanggan ko talaga sya" sabi ni Suishi sa akin at parang nag i spark pa ang mata nya.

"O-oo naman ang saya saya!" Sabi ko at nag mamadaling umalis. Kailangan kong kausapin si Dr. Park tungkol dito.

Hindi pwedeng madaigan ako ni Faustina mas matagal na akong nag tratrabaho dito kesa sa kanya kaya dapat ako ang makasama at hindi sya.

Nag tataka ba kayo kung bakit hindi ako masaya na kasama ang kaibigan ko sa mga magagaling na doktor?!

Masakit sa ego ko na sya nalang lagi ang magaling. Sabihin nyo ng masama akong kaibigan pero simula nung dumating sya dito sya nalang palagi ang paborito at ang pinaka mahusay na doktor.

"Alam mo ba dok yung bagong doktor si Ms Sevres napaka galing pala nun. Tignan mo pinag ka tiwalaan sya kaagad ni Doctor Park na humawak ng pasyente sa operating room" rinig kong kwento ni Trina kay Sena na isa ding doctor.

Nakakainis kasi bago ako maka pag opera ay dalawang taon pa akong puro check up at round sa mga pasyente ang ginagawa ko. Pero sya ilang buwan palang sya nun nakapag opera na kaagad sya.

"Dr Keith maganda daw yung bagong doktor ha" sabi ni nurse Sean kay Keith

"Talaga anong pangalan?" Interesadong tanong ni Keith

"Faustina Sevres Dok." Sagot ni Sean

"Nice name. Tara hanapin natin sya ng makita ko na ang kagandahan nya" excited na sabi ni Keith

Ugh!! Pag naalala ko talaga yun naiinis ako ng bongga kay Faustina. Imagine si Keith ang pinaka gwapo na doktor na nakita ko nag ka interesado sa kanya.

Hindi ngumingiti si Keith kahit kanino pero nakilala nya lang si Faustina naka ngiti na sya.

Dun nabuo ang plano kong kaibiganin sya para makahanap ako ng ikalasira nya kaso nakaka inis puro love life nalang nya ang pinag uusapan namin.

Nakarating na ako sa office ni Dr. Park 5 am na kaya alam kong nandito na sya.

*tok.tok.tok* katok ko.

"Come in" rinig kong sabi nya kaya naman pumasok ako. Bahagya syang nagulat sa presensya ko.

"Ms. Nathalie hindi ko inaasahan ang pag punta mo dito" naka ngiting sabi nya "may mai-pag lilingkod ba ako sayo?" Malambing na sabi nya.

"Yes Dr. Park malaki ang kailangan ko sa inyo" deretsahang sabi ko.

Kalmado lang ang mukha nya.
"Ano iyon? Mukang mabigat iyan hija" mahinahong sabi nya.

"Gusto kong malaman kung sino sino ang ipapa dala nyo sa liblib na lugar ngayong taon" sabi ko napataas sya ng kilay pero ngumiti din kaagad.

"Sasabihin ko pa sana ito mamaya sa meeting pero nandito kana man din at mukang hindi mo ako titigilan hanggat hindi ko sinasabi sayo kaya sige ang kasama ngayong taon ay si Dr. Galves, Dr. Maranio, Dr. Sevres at si Dr. Chen" banggit nya.

What the? Bakit hindi kasama ang pangalan ko?!

"Pero bakit sila?!" Inis na tanong ko.

"Si Mr. Chen alam kong matibay ang katawan nya at malakas ang loob handa syang gumamot kahit na alam nyang hindi sya naka duty." Sabi nya nakikinig lang ako sa kanya.

"Si Dr. Trina Maranio matagal na syang naninilbihan dito sa hospital na to at hindi mai tatagging magaling syang doctor kaya ipapadala ko sya" pag papatuloy nya sa kwento nya.

"Si Mr. Austin Galves bago lang sya dito pero ni request ng papa nya na ipadala ko sya. Pero bago ako pumayag sinigurado kong qualified sya para ipadala at pinakita nya sakin ang mga katunayan na isa syang mahusay na doktor" sabi nya.

"Si Faustina ang pinaka bagong babaeng doktor sa inyo sa maikling panahon ng pag tratrabaho nya dito nakitaan ko sya ng pag pupursige at ang kagustuhan nyang mapagaling ang kanyang pasyente."

"Pag pupursige? Mas higit na magaling ako sa kanya at mas pursigido ako mas matagal na akong nag tratrabaho dito pero ni minsan hindi mo pa ako napipiling maipadala dun. Yung totoo ni minsan ba nakita mo ba lahat ng ginagawa ko?" Puno ng hinanakit na sabi ko sa kanya.

"Look Nathalie magaling kang doktor alam ko yun. Pero may mga pag kakataon talagang nahihigitan ka ng iba. Bakit hindi mo gawing inspirasyon ito para sa susunod mapasama kana sa kanila" mahinahong payo nya sa akin.

"Dr. Park please ako na ang isama mo kapalit ni Faustina at papatunayan kong mas magaling ako sa kanya" sabi ko nginitian ako ni Dr. Park

"Im sorry but my decision is final. Just serve it for next year" sabi nya.

"I am dissapointed with your choices maam." Inis na sabi ko at tumalikod na ako pero bago ako humakbang ay nag salita sya.

"Alam mo ba kung bakit hindi kita mapili yun ay dahil ginagawa mo lang ang trabaho mo para mag malaki hindi bukal sa puso. Take this words as a lesson for you. Hindi lang tungkol to sa husay na pinapakita mo kundi maging sa pag sasapuso ng napili mong propesyon" sabi nya sa akin at tuluyan na akong umalis.

Napa pikit ako ng mariin dahil sa pinag halo halong emosyon na nararamdaman ko. Pero isa lang ang nangingibabaw ang inggit. Inggit kay Faustina.

Maybe mas mataas ka sakin ngayon pero pinapangako kong hihilahin kita pababa.

The Hottest Doctor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon