Austin's Pov
Napasuntok ako sa pader. Nakakainis yung Keith na yun inaagaw nya sa akin si Faustina.
Bakit sayo ba sya?
Tanong ng subconcious ko? Yung totoo pati utak ko pakialamero nadin.
Pero tama hindi naman na kami ni Faustina pero nakakainis padin talaga!
Kailangan kong gumawa ng way para may karapatan na akong mag selos. Gusto ko syang bawiin muli.
Hindi ko alam pero sa tingin ko sya parin ang sinisigaw ng puso ko at hindi pa talaga ako nakaka move on.
"Babe!" Napalingon ako kay Nathalie at patakbo syang yumakap sa akin.
"Namiss kita babe!" Sabi nya na parang naiiyak iyak pa. Hindi ko alam kung yayakapin ko din sya pero naisip ko ang mukha ni Faustina kaya napag desisyunan kong wag gantihan ang yakap nya.
"Kamusta ang experience mo sa Mindoro?" Nakangiting tanong nya.
"Okay lang" matipid na sagot ko napansin kong kumunot ang noo nya.
"Are you okay? May problema kaba?" May pag aalala sa boses nya.
Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam kung ito ba ang tamang oras pero ayaw ko ng patagalin pa to.
"Nathalie can we talk?" Tanong ko sa kanya.
"We are already talking" pilosopong sagot nya.
"I mean hindi dito sa gitna ng corridor I want to talk to you privately" seryosong sabi ko sa kanya.
"It seems like it's very important sige na nga" nakangiting payag nya at nag lakad kami papuntang garden.
Umupo kami sa bench na nasa garden.
"So anong gusto mong pag usapan?" Tanong nya habang prenteng naka upo at yung dalawang kamay nya nasa bulsa ng doctors gown.
"I'm breaking up with you Nathalie" deretsong sabi ko sa kanya.
Napansin ko ang pag seryoso ng mukha nya kung kanina parang ang cool nya ngayon parang pinipigilan nya ang sarili nyang sumabog sa galit.
"Ang ganda naman ng pasalubong mo sa akin." Sarcastic na sabi nya. Tumayo ako at humarap sa kanya.
"Sorry Nathalie I just realize na hindi pala kita mahal" sabi ko napangiti sya ng mapakla.
"Bakit? What made you realize it?" Tanong nya habang seryosong nakatingin sa akin.
"My Ex girlfriend" sagot ko.
"Can you tell me how it was happen para naman maintindihan ko kung bakit kailangan mong makipag break sa akin?" Tanong nya.
"Nung makita ko ulit sya akala ko wala na akong nararamdaman. Akala ko na move on na ako at kaya ko nang mabuhay na wala sya..."
Interesadong syang nakikinig sa akin naka cross arm sya at seryoso ang mukha nya.
"Nung nag de date tayo akala ko sapat na yung panahon para matutunan kong mahalin kita pero mali ako masyadong lang pala ako nabulag sa paniniwalang naka move on na ako...."
Nakatingin lang sya sa akin at marahil inaantay ang susunod ko pang ikwekwento.
"Pumunta ako sa bahay nila 3 days ago at muntikan nang may mangyari sa amin..." Napatayo sya sa kina uupuan nya at pina ningkitan nya ako ng mata.
BINABASA MO ANG
The Hottest Doctor [COMPLETED]
AcakThe Hottest Doctor was made for all those who still holding on of their past. Yung tipong iniwan kana pero umaasa ka parin na mag kakabalikan kayo. But what if may dumating na tao para matulungan kang maka move on? Would you keep holding on or let g...