Austin's Pov
Pasipol sipol akong bumababa ng hagdan ng bahay. Ready na akong pumasok sa trabaho pero mag aalmusal muna ako.
Papunta na sana ako ng kusina ng mapansin ko ang lalaking nag kakape habang nag babasa ng dyaryo.
Bigla akong nakaramdam ng kaba nung marecognize ko kung sino sya.
"Dad?!" Gulat na sambit ko. Napatigil naman sya sa pag babasa at nakangiting tumingin sa akin.
"Hi son Good morning" bati nya.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko well its been a year since nung last na umuwi sya dito sa bahay.
Close kami dati nung buhay pa si mama pero nung namatay na si mama naging workaholic sya.
Hindi ko alam kung saang bansa o sang lugar sya pumupunta pero siguro madalas nauwi sya sa bahay namin sa Tagaytay.
Favorite place nila yun ni mama kaya sure akong madalas syang andun.
"I miss you too son!" Nakangiti paring wika nya.
Napakunot ako ng noo at napa iling. Ano bang naisip nito at umuwi sya dito. I hope walang bad news ~.~
"Kailan ka pa dumating? Hindi mo man lang ako tinext" sabi ko sa kanya.
"I just wanted to surprise you son. Surprise" may pagka sarcastic na tono dun sa word na surprise.
"Look dad sorry I can't entertain you today." Seryosong sabi ko.
Tumayo sya at nilapitan ako.
"Would you mind if you join me in eating breakfast?" Sabi nya at inaya ako sa dining table.
Wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanya.
May 2 hours pa naman ako bago pumasok ng trabaho. Tsk. Di yata ako makakatambay kila Faustina ngayon ah -.-
Umupo kami sa table na puno ng breakfast foods. May kasambahay kami dito dalawa. Swerte nila walang tao gaano dito sa bahay kaya wala silang ginagawa gaano.
"So How's your work?" Tanong nya habang kumakain kami. Napalingon ako sa papa ko.
Is he really my dad usually hindi kami nag uusap ng ganto yung kamustahan ba.
Hindi ko namalayan na napakunot ako ng noo.
"Im still your dad Austin. Wala ba akong karapatang kamustahin ka?" Nakangising tanong nya.
"Ahh Doing great how about you d-dad?" Naiilang na sabi ko sa kanya well di kasi kami talaga close eh.
"Im doing good as well. Madaming investor na nag iinvest sa company natin" nakangiting kwento nya.
Yes may company kami pagawaan ng mga bags and shoes. So far maganda naman ang kita maayos namang napapatakbo ng papa ko ang negosyo namin.
"Sounds great" sagot ko at tumahimik na naman.
Tanging mga kutsara at tindor lang ang tunog na maririnig mo.
Narinig ko syang tumikhim.
"Do you have a girlfriend already?" Out of nowhere na tanong nya. Muntikan na akong masamid.
Parang may nararamdaman akong mali sa pag uusapan namin. Sana mali ang pakiramdam ko.
"Y-yes" nauutal na sagot ko.
Kung kanina naka ngiti sya ngayon hindi na. Naging seryoso ito at umayos ng upo.
"I want you to break up with her" deretso at maotoridd na sabi nya.
Napanganga ako sa sinabi nya.
"I want you to break up with her"
Parang nag eecho sa isip ko yung sinabi nya.
"Why?!" Seryosong tanong ko.
"No more question I want you to break up with her thats an order" seryosong sabi nya. Napa iling ako.
Ano ako sira para iwan ang pinaka mamahal kong babae?
"No!" Matigas na sabi ko. Tumingin sya sa akin at tinitigan ko sya.
"Alam mong ayaw kong hindi ko gustong narereject so no matter what happen you will breake up with your girlfriend" matigas din sabi nya.
"Give me a valid reason to convince me to break up with her" sabi ko well lahat ng sasabihin nya hindi valid.
"One of our company investors wants you to marry her daughter. Kung hindi ka pumayag babawiin nya ang mga shares nya at malulugi ako dahil siya ang may pinaka mataas na shares..." Napataas ako ng kilay habang seryosong nakatingin sa kanya.
"Malulugi ang company kapag binawi nya ang shares nya." Sabi nya.
"Tss. No hindi ako mag papakasal sa taong ni hindi ko kilala. Kung gusto mo ikaw nalang mag pakasal!" Inis na sabi ko at tumayo.
"Hindi mo matatakasan to dahil nag karoon na kami ng deal. Wag mo akong subukan Austin." Mahinahon pero mababakas mo ang pagkaseryoso sa sinabi nya.
Alam kong galit na sya sa ganyang lagay pinipigilan nya lang. Napailing nalang ako at iniwan sya.
*ring.ring.ring*
Tumunog ang cellphone ko. Si Faustina tumatawag."Hello miss beautiful" bati ko.
"Hello you there mr. Handsome" narinig kong sabi nya. Napangiti nalang ako. Lahat ng badvibes na nangyari sa akin ngayong umaga nawala dahil sa kanya.
"Why did you call me?" Tanong ko sa kanya.
"Ahh sasabihin ko lang sana na wag mo na akong sunduin may bisita kasi" sabi nya.
"Sige kita nalang tayo sa hospital" sabi ko sa kanya.
"Okay ingat ha mahal na mahal kita" rinig kong sabi nya sa kabilang linya.
"Ikaw din mas mahal na mahal kita" sabi ko.
"Oh sige na kinikilig na ako masyado. Ibaba ko na tong phone ah" paalam nya.
"Okay" sagot ko at binaba na nga nya ang phone.
Okay lang din na wag ko muna syang sunduin. Ayaw kong ikwento sa kanya kung anong pinag usapan namin ni papa.
Kilala ko sya, bilang isang negosyante ayaw nyang umatras sa kung ano na ang ipinag kasundo nya.
Maybe masurprise nalang ako na araw na pala ng kasal ko bukas. (-.-)
Alam kong kahit anong mang yari pipilitin nya akong makasal sa diko kilalang babae.
Kailangan kong gumawa ng paraan.
FAUSTINA'S POV
Ugh! Nakakainis kagabi pa masakit ang ulo ko kakaisip sa sinabi ng lolo ko.
Sinabi nyang babalik na kami sa America at dadating sya dito bukas para sunduin kami >.<
Hindi na ako pwedeng umalis lalo na ngayong nagka balikan na kami ni Austin.
Hindi muna ako nag pasundo sa kanya ngayon pinag iisipan ko kung anong gagawin ko para hindi ako dalhin ni lolo sa America.
Ayaw kong magka hiwalay muli kami ni Austin at lahat gagawin ko para manatili ako sa piling ng taong pinaka mamahal ko.
Mag tiwala ka lang sakin Austin hindi tayo mag kakahiwalay ^.^ Fighting!
BINABASA MO ANG
The Hottest Doctor [COMPLETED]
De TodoThe Hottest Doctor was made for all those who still holding on of their past. Yung tipong iniwan kana pero umaasa ka parin na mag kakabalikan kayo. But what if may dumating na tao para matulungan kang maka move on? Would you keep holding on or let g...