ChapterThirteen: Room

10.5K 234 1
                                    

Austin's Pov

12:30 am in the morning 3:30 ang alis namin papuntang Mindoro dun kami mag me medical mission.

*ring.ring.ring* napa tingin ako sa cellphone ko napa buntong hininga ako nung nakita ko ang caller si Nathalie.  Simula nung naging kami she always calling me from time to time yung tipong parang mawawala ako and I hate that kind of attitude.

"Hello?" Sagot ko

"Hi babe buti gising ka pa gusto ko sanang i check if okay ka" malambing nyang tanong.

"Yah I'm okay by the way I need to hang up I'm busy packing my things." Bored na sabi ko.

"Ahh sure mamimiss kita i love you" sabi nya sa kabilang linya. Napa buntong hininga ako hindi ko naman sya mahal kaya ayuko mag i love you too

"I will miss you too" sagot ko nalang at ibinaba ang tawag.

Bakit ko nga ba naisipang ligawan yun? Ahh dahil kay Faustina tinitignan ko kung anong reaction nya at dun ko napa tunayang may nararamdaman pa talaga ako sa kanya.

Ginawa ko na ang dapat gawin. At dinouble check ang mga gamit ko at nung nasigurado kong okay na ay umalis na ako.

Susunduin ko si Faustina para sabay nalang kami papuntang hospital andun kasi yung sasakyan namin papuntang Mindoro.

10 minutes away lang ang layo ng bahay nila sa amin kaya saglit lang ay nakarating na ako.

*ding dong.* yeah sound yan ng doorbell.

Narinig ko ang pag bukas ng gate nila at bumungad sa akin si Tita France na parang bagong gising lang pero nung narealize nyang ako ang kaharap nya nan laki ang mata nya na tila'y gulat na gulat.

"A-austin? Ikaw ba yan kamusta ka na?" Tanong nya at niyakap ako. Namiss ko tuloy kakulitan nitong mama ni Faustina.

"Okay lang ako tita gwapo parin. Kayo parang di po nag bago ang mukha nyo batang bata parin" sabi ko maganda naman talaga sya old version ni Faustina.

"Asus di ka parin nag babago bolero ka padin." Sabi nya at kinurot ako sa pisngi.

"Ano palang ginagawa mo dito?" Tanong nya napa kamot ako sa batok ko.

"Susunduin ko po sana si Faustina tita" sagot ko biglang nanlaki na naman ang mata nya.

"Kayo na ba ulit ng anak ko ha?" Parang excited na excited na tanong nya.

"Ha hindi po. Friends po kami" sagot ko na kahit hindi naman na talaga kami close.

"Ganun ba? Hindi na din masama" naka ngiting sabi nito napakunot ako ng noo.

"Po?" Tanong ko kung ano tinutukoy nya.

"Wala yun tara pasok ka at ikaw na gumising sa kanya ipag luluto ko lang kayo ng almusal" sabi nito at kinaladkad ako sa loob.

"Alam mo naman na kwarto nya diba?" Tanong nito tumango ako, madalas ako dito dati nung kami pa kaya kabisado ko na to.

Umakyat na ako papunta sa kwarto nya at nakita ko syang himbing na natutulog. Nakita ko na naman ang mala anghel nyang mukha.

Binuksan ko ang ilaw ng kwarto pero hindi parin sya nagising.

"Tss. Tulog mantika padin" bulong ko sa sarili ko. Paupo na sana ako sa kama nya ng mapansin ko ang picture sa side table nya.

Yung picture namin sa wedding booth. Napangiti nalang ako ng maalala ko ang pangyayaring iyon.

Itinatago nya pa pala to. Umupo ako sa kama nya at pinag masdan sya.

The Hottest Doctor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon