Faustina's Pov
Kasalukuyan kaming nag aalmusal ni Austin nung magising ang iba naming kasama at nakisalo na din sa amin.
"Ang aga nyo naman magising dalawa" sabi ni Franco.
"Ito kasing si Faustina ginising ako para samahan syang maligo" nakangiting wika ni Austin. What the? Nag pasama ba ako eh sya nga tong nag insist na sumama.
"Anong sinasabi mo sa pag kaka alam ko ikaw nag pumilit na sumabay sa akin sa pagligo" inis na sabi ko sa kanya.
"So sabay kayong naligo?" Tanong ni Abi.
"Yes" sagot ko yung mata nilang tatlo ganto --> O.O at narealize ko kung ano yung dating sa kanila nung pinag uusapan namin.
"It's not what you think guys, sa may poso kami naligo" explain ko. Napangisi si Trina at Franco si Abi naman nakataas yung kilay sakin.
"Defensive much" sabi ni Abi.
"I'm not defensive Im stating the truth" pairap na sagot ko sa kanya.
"Kayong dalawa may relasyon ba kayo?" Seryosong tanong sa amin ni Trina.
"Wala" sagot ko.
"Really. I just notice may iba sa pag titinginan nyo. You know from the day that Austin introduce to us until now kapag nag tatagpo ang landas biglang parang may halong pag mamahal you know para kayong may relasyon" sabi ni Franco.
"True. Napansin ko din yun kaya umamin na kayo" nakangiting sabi ni Trina.
"Kung may relasyon man kayo ibig sabihin nito niloloko nyo si Nathalie dahil girlfriend mo sya diba Austin?" Nakangisi namang sabi ni Abi. Bigla akong nakaramdam ng sakit at hindi ko makuha ang tamang words na dapat sabihin.
"Stop this nonsense topic guys bakit hindi nalang natin pag usapan kung anong plano ngayon" seryosong sabi ni Austin.
"Bakit mo iniiwasan ang..."
"I said stop this nonsense topic!" Cold at pigil na sigaw ni Austin. Bigla akong nanigas sa kinauupuan ko at napansin ko din ang pagka gulat sa reaction nung tatlo.
"So the n-next plan is Feeding program " biglang sabi ni Abi na nauutal pa.
"Yeah. Ano sa tingin nyo iluluto natin para sa kanila?" Tanong ni Trina na pilit ikinukubli sa ngiti ang pag kagulat nya.
"Mag kano ba ang budget?" Tanong ni Franco na parang pinipilit baguhin ang tensyon na namamagitan sa lahat.
"20,000" maikling sagot ni Austin sya pala ang may hawak ng budget
"Wow ang laki naman" react ko kasi totoo naman eh ang yaman talaga ng St. John.
"Sayo oo pero kulang pa to para pakainin ang buong baryo" sabi ni Austin.
"K-kunsabagay so anong planong bilhin dyan?" Tanong ko para maiba yung topic.
"Porridge?" Patanong na sabi ni Abi.
"Common nang pagkain yan sa kanila" sagot ni Franco napa isip ako hmm ano kayang pwede na ngayon lang nila makakain.
"Guys I have a suggestion." Nakangiting sabi ko kaya lahat ng atensyon nila nasa akin.
"Siguraduhin mong maganda yan ha" sabi ni Abi.
"Abigail!" Saway ni Trina.
"So dahil nga common na ang lugaw sa kanila ang naisip ko is why don't we cook something new sa panlasa nila." Sabi ko.
BINABASA MO ANG
The Hottest Doctor [COMPLETED]
AcakThe Hottest Doctor was made for all those who still holding on of their past. Yung tipong iniwan kana pero umaasa ka parin na mag kakabalikan kayo. But what if may dumating na tao para matulungan kang maka move on? Would you keep holding on or let g...