Faustina's Pov
Yay excited na akong mag bakasyon kasama si Austin ^.^
Char. Para kaming nag tanan na pera lang ang dala ni wala kaming bitbit na damit eh.
Nasa terminal kami ng bus papuntang ahm Pangasinan yata?
"Austin sino bang kilala mo dun na pupuntahan natin?" Tanong ko habang nasa biyahe kami.
"Sheng. Sorry Faustina wala na kasi akong alam na puntahan eh" apologetic na sabi nya kaya naman nginitian ko sya kahit deep inside gusto ko syang batukan.
"It's okay basta kasama kita okay na okay sakin" sabi ko well totoo yan.
Wag lang subukan ng Sheng shang fu na yun na agawin na naman atensyon ng BOYFRIEND KO naku! Ililibing ko yun ng buhay.
"Thank you for understanding my decision" sabi ni Austin at inakbayan ako.
Sumandig ako sa dibdib nya at natulog ako.
Mga 7hours kaming nasa biyahe ng sa wakas ay nakarating na din kami.
Sumakay pa kami ng tricycle papunta sa bahay nila Sheng. Ugh! Grabe naman sakit na ng pwet ko.
Ilang minuto bago kami nakarating sa hindi naman gaanong liblib na lugar.
Pumasok kami sa isang gate ng kawayan at dun ko nakita ang kabahayan na gawa sa barong barong at yung iba naman at sementado.
Biglang may lumabas na pamilyar na babae sa bahay na nasa bungad.
Nakangiti itong sumalubong sa amin at patakbong lumapit sa amin or should I say kay Austin.
Bigla nya itong niyakap. Argh! Heto na naman tong lintang Sheng shang fu na to!
Pigilan nyo ako! Mapapaslang ko na talaga tong pashneyang to!-.-
SHENG'S POV
Naka upo ako sa rocking chair namin nang may marinig akong tunog ng tricycle sa tapat ng bahay.
Tumayo ako para silipin kung sino ang dumating.
Biglang tumalon sa saya ang puso ko nung makita ko ang napaka gwapong mukha nya.
Hindi parin sya nag babago matcho at gwapo parin *0*
Agad akong lumabas at patakbong lumapit sa kanya. Agad ko syang niyakap ng mahigpit. Yaaay! Kinikilig ako ^.^
"Austin! Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko pagka hiwalay ko sa yakap nya.
Narealize kaya nyang may gusto sya sa akin kaya sya andito?! OHMY di ako ready ~.~
"Sheng andito ako para humingi ng pabor" seryosong sabi nya.
Pabor?! Parang nakaka excite to ha
"Anong pabor?" Tanong ko at diko maiwasang mapangiti habang nakatingin sa maamo at gwapo nyang mukha
"Makikituloy sana kami ni Faustina sa inyo kung okay lang" biglang napalis ang ngiti ko nung napansin ko ang isang babaeng nakatayo sa tabi nya.
Yung itsura nya kung ikukumpara sa akin maganda ako pero mas maganda sya :D
Naka jeans at t shirt lang sya at nakalugay ang curly hair nya. Maamo naman ang mukha nya pero ang sophisticated.
Bigla akong natulala. Ano daw makikituloy silang dalawa sa bahay?
Ang sakit naman nun mga bes -.- yung taong mahal nyo may mahal ng iba haha drama!
BINABASA MO ANG
The Hottest Doctor [COMPLETED]
De TodoThe Hottest Doctor was made for all those who still holding on of their past. Yung tipong iniwan kana pero umaasa ka parin na mag kakabalikan kayo. But what if may dumating na tao para matulungan kang maka move on? Would you keep holding on or let g...