Faustina's Pov
Nag lalakad ako ng walang patutunguhan. Sobrang kinabahan ako kanina akala ko hindi ko mababalik sa normal ang heartbeat nya.
Natagpuan ko ang sarili ko sa garden ng hospital. Napabuntong hininga ako. Natakot akong maka saksi na naman ng namatay sa harap ko. Natrauma na yata ako sa nangyari sa papa ko.
Umupo ako sa bench ng garden tumingala ako para pigilan ang luhang tutulo sa mata ko.
Pinikit ko ang mata ko at iminulat ulit. Nasilaw ako sa liwanag ng sikat ng araw. Kaya pumikit ulit ako ilang minuto akong nakapikit at pag dilat ko isang anghel na mula sa langit ang nag pakita sakin.
"Coffee?" Tanong ng anghel. Nakatitig lang ako sa gwapong mukha ng anghel. "Faustina!" Natauhan ako si Austin ang nasa harap ko.
"A-anong ginagawa mo dito?!" Gulat at nauutal na tanong ko.
"I just wanted to give you this" sabay abot ng cup. "Coffee pang pakalma." Nakangiting sabi nito. Tinaasan ko sya ng kilay.
"Kape? Pang pakalma? Niloloko mo ba ako?!" Tanong ko sa kanya.
"Kelan ba kita niloko?" Sagot nya ng pabalang. "Ohh kunin mo na pinatanggal ko kape nyan." Sabi nya at inabot sakin yung kape na walang kape?
"Ano ba talaga to? Ang inaalok mo sakin kape tapos pinatanggal mo yung kape? Kape ba tawag dun?" Matutuyuan na yata ako ng dugo dito. Bukod sa ang sakit nya ulo kausap kinakabahan ako kapag nasa malapit lang sya.
"Kung ayaw mo edi wag! Simpleng hindi o thank you lang naman sasabihin mo kung ano anu pa sinasabi mo" inis na sabi nya na halos mag sigawan na kami dito.
"Sino ba kasing nag sabi ng gusto ko ng kape?! Iwan mo na nga ako ang sakit mo sa ulo!" Sabi ko pero hindi sya umalis instead he smirk at me.
"Have you forgotten alredy that we, my family having a big shares here in this hospital kaya pupunta ako sa kung saan ko gusto" pa cool na sabi nya. Napa roll eye nalang ako at galit na tumayo.
"Edi ako nalang aalis lamunin mo yang garden nyo!" Bwesit ! Arghhhh! Tatalikod na sana ako kaso hinawakan nya ako sa braso at hinarap nya ako sa kanya.
"Are you avoiding me Faustina?" Seryosong tanong nya. Bigla akong napa iwas ng tingin. Gosh ! Im tense. Gusto ko mag sigawan nalang ulit kami.
"H-hindi b-bakit n-aman kita iiwasan?!" Nauutal na sabi ko sa kanya habang di makatingin ng deretso sa kanya.
"Tumingin ka sa mata ko" sabi nya. Tinignan ko sya pero hindi ko matagalan kasi pakiramdam ko matutunaw ako.
"Why you're acting like you don't know me? Why are you avoiding me? Do you still love me?" Sunod sunod na tanong nya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko pakiramdam ko aatakihin na ako sa puso.
Still love him?!
Tinabig ko ang kamay nya para mabitawan nya ang braso ko at tinignan ko sya sa mga mata nya.
Hindi ko alam kung anong iniisip nya. Kahit kelan mahirap basahin ang ekspresyon nya.
"Sorry kung umaasta akong hindi kita kilala, ayuko lang mapalapit pa sayo iniiwasan kita dahil mali pang muling mag kalapit tayo. 7 years had passed at alam kong naka moved on na tayo nakikipag date kana nga diba? At kung tatanungin moko kung mahal pa kita..." Bigla akong umiwas ng tingin "hindi na wala na akong nararamdaman sayo kaya kung pwede lang wag mo na akong kausapin" mahinang sabi ko at tinalikuran ko na sya.
Akala ko pag nasabi ko ang mga yun gagaan ang pakiramdam ko. Pero bakit? Namalayan kong tumutulo na ang luha ko na kahit anong pigil ko ay hindi ko mapigilan ang pag patak nila.
Pero bago pa man ako maka hakbang narinig ko syang nag salita.
"Its great that you don't love me anymore. Atleast hindi ka maapektuhan kung liligawan ko si Nathalie." Sabi nya na lalong ikinabigat ng dibdib ko.
I thought I am already moved on? Pero bakit nakakaramdam ako ng ganto? Bakit parang tinutusok ng madaming kutsilyo ang puso ko? Ibig sabihin ba may nararamdaman padin ako sa kanya? Argh! No. Alam ko wala na! Siguro epekto lang to ng nang yari kanina.
Naglakad ako patungong conference room. Napansin kong parang may sumusunod sakin kaya lumingon ako sa likod ko si Austin. Huminto sya nung huminto din ako.
"Sinusundan mo ba ako?" Inis na tanong ko. Kumunot ang noo nya.
"Hindi ko sinusundan ang mga taong mahilig mang iwan" Eh? Hugot ?
"Ehh bakit ka nandito?" tinaasan ko sya ng kilay at binigyan sya ng look na hindi-kana-makakalusot-look.
"As far as I remember Dr Keith says that we have a meeting in conference after the lunch break" sabi nya at naglakad na nilampasan pa ako.
Tanga! Bakit diko naisip yun?! Tanga ko talaga paminsan minsan.
Halos mag kasunod lang kaming pumasok ni Austin at lahat sila nakatingin sa amin.
"Hey there. Tara dito na kayo maupo" tawag ni Nathalie at tinuro ang vacant seat.
Lumapit kami kay Nathalie.
"Pwede bang dito kana lang sa gitna namin nyan ng soon to be boyfriend mo?" Bulong ko sa kanya. Napangiti naman sya at kinilig."Bakit?" Tanong nya
"Gusto kasi kitang katabi" sagot ko.
"Okay" sabi nya kaya si Austin nasa unahan sunod si Nathalie ako at si Keith.
Maya maya pa ay dumating na din si Dr. Park.
"GoodAfternoon doctors we are all here to discuss na changes about your work hour."
"So for the morning Shift Dr.Francisco,Dr. Reyes, Dr. De guzman and Dr. Mejia you guys work at 7 to 4 pm."
"For 4 to 12 will be Dr. Castro, Dr. Lee, Dr. Neville and Dr. Perez"
"For the night to morning shift will be the remaining four Doctors. Dr. Galvez,Dr. Arguilla,Dr. Alcantara and Dr. Sevres you guys will be working from 12 to 7 am" nanlaki ang mata ko. Shet makakasama ko si Austin?
Im starting to hate you destiny. Masyado mo akong pinag lalaruan.
"May problema ba Ms. Sevres?" Diko namalayang nakatingin na pala si Dr. Park sakin at nakalimutan kong nanlalaki yung mata ko sa sobrang diko inexpect na pag tritripan ako ng tadhana.
"Ahh wala naman po. Ang SA.YA.SA.YA nga po eh" diniinan ko yung saya at may halong pag kasarcastic.
"Good. So thats all for today you may go" sabi nya at nag sitayuan na kami.
"Ang saya mag kasama tayo" tuwang tuwang sabi ni Nathalie sakin ngumiti ako ng pilit.
"Oo nga eh ang saya saya" labas sa ilong na sabi ko. "By the way uwi na ako Nathalie ingat kana lang okay?" Sabi ko at bineso sya nakita ko kasing papalapit na naman si Austin eh.
"Wait kakain kasi kami ni Austin baka gusto mong sumama?" Yaya nya sakin. Seriously ?! Pinag loloko ba ako ng tadhana?
"Gustuhin ko man pero sobrang pagod na ako kaya uuwi na ako. Maybe some other day" sabi ko.
"Okay rest well" sabi ni Nathalie at umalis na ako.
Hays! Ano bang nangyari ngayong araw?! Sobrang nakaka stress at nakakapagod.
BINABASA MO ANG
The Hottest Doctor [COMPLETED]
De TodoThe Hottest Doctor was made for all those who still holding on of their past. Yung tipong iniwan kana pero umaasa ka parin na mag kakabalikan kayo. But what if may dumating na tao para matulungan kang maka move on? Would you keep holding on or let g...