Faustina's Pov
"Faustina Sevres!!!" Nabitawan ko ang gamot na hawak ko sa sobrang gulat ko. Nasa medicine room ako para kumuha ng gamot para sa pasyente ko.
"Ano kaba naman Nathalie nakakagulat ka naman!" Sabi ko habang nakahawak sa dibdib ko.
"Sorry naman" sabi nya at nag peace sign. Tinulungan nya akong pulutin ang mga gamot na nahulog.
"Bakit ka ba sumisigaw? May problema ba?" Tanong ko sa kanya habang palabas kami ng medicine room.
"Bakit ba hindi kana bumalik kahapon sabi mo mag c-cr kalang hindi ka naman na bumalik" sabi nya bigla akong napahinto.
"Ano kasi m-may ano biglaang lakad ako" palusot ko pero tiningnan nya ako ng hindi-ako naniniwala-look.
"Yung totoo?" Tanong nya
Huminga ako ng malalim para hindi ako matense.
"Ano ang totoo kasi nyan binigyan ko lang kayo ng time ni Austin para makapag solo kayo. You know first day nyong mag jowa kaya ayun para makapag usap pa kayo at makilala ng mabuti ang isa't isa." Sabi ko please sana naman maniwala na sya sa palusot ko this time.
Niyakap ako ni Nathalie at humiwalay din kaagad.
"You're really sweet Faustina thank you for being a good friend to me" sincere na sabi nya bigla naman akong nakonsensya. Kung alam nya lang na may tinatago akong secrete sa kanya baka hindi na good ang tingin nya sa akin.
"Ang drama mo naman girl. Ganyan ba epekto nang may boyfriend?" Biro ko sa kanya. Tumawa lang sya.
"Don't worry magiging masaya din ang lovelife mo sa taong mahal mo sa tamang panahon" sabi nya.
"Sana nga" mahinang sabi ko.
"Hi babe" biglang may yumakap kay Nathalie mula sa likod nya napatingin ako kay Austin nakatitig sya sa akin.
"Ano ba babe wag ka nga ganyan nakakahiya kay Faustina oh" pabebeng sabi ni Nathalie.
"Sorry babe namiss kasi kita eh" sweet na sabi nya.
Babe?! Psh ang corny naman ng tawagan nila at seryoso yun ang tawag ni Austin nananadya ba sya?!
"Now that you're officially mine can we have some call sign at naisip ko babe para sweet okay ba?" Tanong nya sa akin bigla akong natawa at hinampas sya sa balikat nya.
"Ang corny mo naman po pala Mr. Austin Galves" sabi ko sa kanya habang tumatawa. Nag lalakad kami ngayon papunta sa bahay ihahatid nya daw ako eh.
"Ehh anong gusto mong itawag ko sayo." Nakasimangot na tanong nya. Huminto ako sa pag lalakad at humarap sa kanya.
"Call me Faustina gumaganda kasi lalo ang pangalan ko sa tuwing binabanggit mo ito okay lang ba?" Nakangiting tanong ko sa kanya.
"Kung yan ang gusto mo mahal kong Faustina. Sa tuwing babanggitin ko ang pangalan mo pinapaalala nito kung gano ako ka swerte na meron akong ikaw na wala sila. Maswerte gaya ng kahulugan ng pangalan mo lucky" sabi nya niyakap ko sya. Sa sobrang saya ng nararamdaman ko.
"Maswerte din akong meron akong wala sila" sabi ko.
Hindi ko alam na napangiti ako nang maalala ko ang masayang ala ala namin ni Austin.
"Hoy Faustina nololoka kana ba bakit ka nakangiti dyan?" Natauhan ako bigla nakalimutan kong nasa harap ko pa pala sila.
"Huh? M-masaya lang akong makita kayong masaya ni Austin" palusot ko. Ohh makapangyarihang lupa akoy iyong lamunin na.
Naramdaman kong may umakbay sa akin. Nakita ko ang bahagyang pag ka gulat sa mata ni Nathalie.
"Yow guys kamusta kayo?" Nakangiting bati sa amin ni Keith.
"K-keith" Nauutal na bati ni Nathalie. Ngumiti sa kanya si Keith si Austin poker face lang.
Bumaling ng tingin sa akin si Nathalie at ngumiti ng kakaiba.
"Mukhang may hindi ka nakwekwento sakin babae ha kayo ba?" Deretsong tanong nya.
"Ha anong...."
"Faustina is my girlfriend" sabi ni Keith.
O.O ---> reaction namin ni Nathalie si Austin naman naka kunot ang noo.
"Girlfriend?" Tanong ni Austin na tila naninigurado sa kung ano ang narinig nya.
"Yes. You heard it right dude" cool na sabi nya kay Austin.
"K-kelan pa?!" Gulat na gulat na tanong ni Nathalie.
"Kahapon lang" nakangiting sagot ni Keith. Ano bang sinasabi nitong si Keith nasisiraan na ba sya ng utak?
"Ano bang sinasabi mo Keith?" Takang tanong ko sa kanya.
Bigla syang tumawa.
"Grabe naman kayo mag react para naman hindi pwedeng maging kami ni Faustina." Natatawang sabi nya napa irap si Nathalie.
"But seriously guys Faustina is my girlfriend as in babaeng kaibigan" sabi nya at tumingin sya sa akin. *poink* binatukan ko na naman sya.
"Aray nakaka dalawang batok kana sakin kahapon pa ha" sabi ni Keith at hinihimas ang batok nya.
"Mag kasama kayo kahapon ni Keith?" Tanong ni Nathalie.
"Ha oo" sagot ko.
" akala ko may biglaang lakad ka kahapon?" Tanong nya. Ayy shet oo nga pala. Anong sasabihin ko?
Tumingin ako sa reko ko.
"Naku pasensya na kailangan ko ng umalis kailangan ko ng painumin ng gamot yung pasyente ko excuse lang guys" sabi ko at nag mamadaling umalis.
Nakahinga ako ng maluwag nung nasa malayo na ako.
"Paki bigay nga ito sa pasyente ko sa room 10 paki assist na din kailangan na nyang inumin to" sabi ko dun sa nurse na naka duty.
"Sige po doc ako bahala." Sabi nung nurse at umalis na.
"Yung tinutukoy mo ba kahapon na ex boyfriend mo ay si Austin at ang babaeng nililigawan nya na sinagot na sya ay ang kaibigan mong si Nathalie?" Nagulat ako nung may nag salita sa likod ko at alam kong si Keith yun.
Na estatwa ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
"Okay lang naman na malaman ko hindi ako tsismoso" sabi nya at pumunta sya sa harap ko.
"Your secret is safe" sabi nya at naka ngiti.
"Panu mo naman nalaman yan?" Tanong ko sa kanya.
"Nakita ko sa mga mata mo at sa ikinikilos mo." Sabi nya. Ang bilis talaga basahin kung ano ang kinikilos ko.
"Keith please promise me don't tell anybody about this" sabi ko sa kanya.
Ngumiti sya sa akin at pinisil ang pisngi ko.
"You can trust me cause I am you best friend" sabi nya"Thank you" sabi ko at niyakap ko sya. Napaka komportable ko na talaga sa kanya pag yakap ko sya nawawala lahat ng sakit na nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
The Hottest Doctor [COMPLETED]
De TodoThe Hottest Doctor was made for all those who still holding on of their past. Yung tipong iniwan kana pero umaasa ka parin na mag kakabalikan kayo. But what if may dumating na tao para matulungan kang maka move on? Would you keep holding on or let g...