* Ang inspirasyon para sa storyang ito ay isang facebook post na nakapukaw ng imahinasyon ko at ipinagpilitang ipagawa sakin ng isa sa mga kabarkada ko. Sa huli ng storyang ito ay ilalagay ko yon sa media para makita nyo. Ginawan ko lamang ng storya ang ideya na yon. Kaya credits sa kung sino mang nag mamayari noon. Oh eto na brad. Langya ka. Hahahah*
Para sayo to."Ahhhh!!!!! mamamatay na tayo best!!! Pakisagutan nalang nung course requirement ko sa bussiness math pag namatay ako!!!!
"Tangina ka! Ayoko pa mamatay! Apakan mo yung break!!!"
-kaagad akong napasipa sa baba ng kotse ko pero lintek gas pala yung naapakan ko kaya naman mas bumilis pa ang pag bulusok ng kotse ko pahulog sa bangin.
"Ahhh!!! Hayop ka best!! "
"Talon!! "
-patalon na kami para di kami masama sa kotse sa bangin pero natigilan ako sa mala kidlat na humarang sa harap kotse. Isang nilalang na hindi ko maipaliwanag kung tao ba o ano. Pinigilan nya ang kotse gamit ang dalawang kamay. Sigurado akong ginawa nya yun kahit na hindi ko nakita ng dahil sa bilis ng pangyayari. Tangna! Tao ba yun o si kamatayan?! Imposible yun!! Malakas ang impact ng pagkakapigil nya kaya naman humampas ako sa manibel at ang bestfriend ko sa windshield.
-naalimpungatan ako sa isang puting puting kapaligiran ng masakit ang ulo at tila pagod na pagod.
"Heaven? Patay nako?"
-natauhan naman ako nung may yumugyog sa balikat ko.
"Ate!!! Naaalala moko?! "
-kapatid ko palang bunso. Nakasampa sya sa hospital bed at mulagang mulaga sakin.
"Umalis ka nga dyan. Naaalibadbaran ako sa muka mo"
"Tsk! Sayang! Akala kopa naman malilimutan mo na yung Cellphone mong binasag ko"
-gusto ko sana syang ibalibag dahil ang mahal mahal ng bili ko dun pero wala pa ko sa wisyo. Humanda kang bata ka.
"Aray tsk"
-napahawak ako sa ulo ko na may benda palibot.
"Teka si Best kamusta? "
"Hindi parin nagigising si Jewel, sa windshield sya humampas. Pasalamat ka may airbag sa drivers seat kaya naman medyo mahina ang impact ng pagkakahampas mo sa manibela."
-napatulo kaagad ang luha ko nung narinig ko yon. Ang bigat sa pakiramdam na ako okey na samantalang ang bestfriend ko hindi pa where in fact na ako ang may kasalanan para sa aksidenteng yon.
"Nasaan sya? "
"I.C.U she's in coma. 2 weeks na"
"2 weeks?! Gano ba ko katagal natutulog?"
"2 weeks"
-ang buong akala ko kanina lang nangyari ang lahat. Pagkatapos ng doctor na i check up ako kaagad nakong nagpunta sa I.C.U para makita si jewel. Ayaw pa nga nila ako payagan kasi mahina pa daw ang katawan ko pero nararamdaman ko naman na malakas nako. Mga nakamulaga pa sila sakin na parang hindi sila makapaniwalang ang lakas lakas ko compare sa isang pasyenteng kagagaling lang sa mahabang pagtulog.
"Best. Gising kana, sabay pa tayong ga graduate diba? Gising kana oh... Mag gagawa pa tayo ng course requirement sa business math"
-hirap na hirap na kong magsalita ng dahil sa mga hikbing kumakawala sa lalamunan ko. Hindi nako makahinga sa pagiyak.
"Best Best! Hoy jewel!!!! "
-madaling araw pala ako nagising kaya pinatulog muna ako ng mga doctor. Gutom na gutom nako pero ayaw nila kong pakainin dahil under observation pa daw ako. Ayaw talaga nilang maniwala na okey nako dahil ayon sa kanila hindi daw dapat ganon ang stamina ko kasi ka gagaling ko lang sa 2 weeks sleep. Tanong sila ng tanong kung may guardian angel ba daw ako dahil ayon sa kanila isa daw tong himala.
"Bakit ba ganon sila? "
"Hindi ka daw kasi mukang naaksidente at natulog ng dalawang linggo. Akala ata nila may super powers ka kaya ang active active mo na agad. Pero nakakapagtaka naman talaga eh"
"Oy dean. Sinabi mo ba to kina mama at papa?! "
"Nakikita mo ba sila rito? Hindi ko na sinabi dahil alam kong pababalikin nila tayo ng bahay eh masaya nako sa apartment natin. Ayoko nang umalis dun. Pero kung hindi kapa nagising siguradong sasabihin kona. Baka mamatay ka eh. Takot na takot na kaya ako"
"Tss.. Papano yan? Yung bills sa ospital? Siguradong masisilip nila sa account natin na sobrang laki ng nagastos natin nitong dalawang linggo. Pano pag nagtanong sila kung san natin ginamit? "
"Ako nang bahala ate. Matulog kana lang. Bukas kana lang ma mroblema."
-kahit na walangya tong kapatid ko at ni hindi man lang ako iginagalang kahit naman papaano may puso pa sya at nagaalala para sakin. Sana talaga magising na si jewel dahil hindi ako matatahimik.
'Sandali! S-sino ka? Pwede ko bang malaman ang pangalan mo'
-lumingon sakin ang isang nilalang na hinahabol ko. Madilim ang buong paligid ngunit sya ang nagsisilbing liwanag nito. Hindi ko maaninag ang muka nya ng dahil sa nagliliwanag ang buong katawan nito. Nasisilaw ako. Lalapitan ko sana sya kaso bigla akong napaatras ng dahil sa isang malakas na pagaspas na nangyari. Humangin ang buong paligid at muntikan nakong mutumba ng dahil sa lakas nito. Nagmula yun sa likuran nya, isang itim na itim na pakpak ang lumitaw mula sa likuran nya. Parang ang lambot lambot ng mga balahibo nito at nakakahalina. Kung anong ikinaliwanag nya, sya namang ikinaitim ng pak pak nito. Nakaramdam ako ng matinding takot na hindi ko maipaliwanag. Gusto kong tumakbo. Gusto kong kumawala mula sa paningin nya.
'Nakatakda ang pagkikita natin Andrea. Nakasulat yun sa kasaysayan. Hindi mo ko matatakasan'
-umalingawngaw ang boses nya sa paligid. Tumalikod ako at nagsimulang tumakbo. Ang bagal ng mga pangyayari. Hindi ko alam kung bakit natatakot ako sa taong hinabol ko lang kanina. Gusto ko nang makalayo pero parang hindi naman ako umaalis sa pwesto ko kahit na tumatakbo ako hanggang sa magkadapa dapa nako at mapaiyak sa sobrang takot. Ayoko na.
"Ahhhhh!!!!!!! "
"Ate gising!! Ate! Andrea! Hoy ate!!! "
-napasinghab ako at kaagad na napabangon para maghabol ng hininga. Pagod na pagod ako at parang nawala ang lahat ng lakas sa katawan.
"Oy. Ayos kalang ba? Binabangungot ka"
-Napatingin ako sa muka ng kapatid ko. Bangungot lang pala. Medyo nakahinga nako nung mapagtanto kong panaginip lang ang lahat.
"Ano bang napanaginipan mo? "
-Umiling iling ako.
"Wag mo nang alamin. Okey lang ako. Ikuha mo nalang ako ng tubig sa baba"
-Kaagad naman syang umalis ng kwarto ko at nagtungo sa kusina. It's been a week since that tragedy happen at ngayon na ang simula ng Ojt ko na requirement para maka graduate. Our university gaved me considerations and pinagpahinga nila ko ng one week bago pumasok sa OJt.
"Ang ganda ng umaga ko grabe"
-umalis ako sa kama at nagpahangin sa veranda.
"Sino kaya ang lalaking yon? Bakit ako natatakot sa kanya? At anong sinasabi nyang nakatakdang magkita kami? "
"Ate tubig oh! "
-inabutan ako ni dean ng tubig.
"Salamat"
"First day of OJT mopa naman binangungot ka. Magpatingin ka kaya sa psychiatrist. Baka na shock ka pa sa aksidente"
"Ayos lang ako ano kaba. Pero muka lang talagang totoong totoo yung kanina. Nakakatakot. Parang totoong nangyari at pagod na pagod ako. Baha nga ang pawis ko sa kama eh"
"Mag pa tingin kana nga sa psychiatrist"
"Hindi ako baliw dean. Im fine"
BINABASA MO ANG
Forever Yours
FantasyThis story is inspired by a facebook post that my friend saw. He send it to me to work on a plot and published a story regarding this genre. My gosh, I wasn't even planning to write any story that have this genre but I did it as a favor. So here it...