(Andrea)
-hindi nako makapagisip ng ayos, natatakot ako. Natatakot akong mahalungkat ang mga natatagong ala ala. Itinapat nya ang two fingers nya sa noo ko at may faint blue light na lumabas dun. Naramdaman kong bigla nalang akong natumba pero sinalo nya ko. Nalulunod ako ako. Parang walang laman ang utak ko, walang problema, walang iniisip. It feels like Im already dead. Then suddenly, parang may video na biglang nag play sa utak ko.
'Umiiyak ang isang magasawa sa harap ng isang batang babaeng duguang nakahandusay sa kalsada. Iyak sila ng iyak habang kinakandong nila ang walang buhay na bata. Kasalanan ko to... Kasalanan ko ang lahat. Kung bakit namatay yung bata. Wala akong maaninag na mga muka. Malabo ang buong pangyayari at marahil ay ayaw talaga sakin ipakita kung sino ang mga taong yon. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Parang hinahati sa dalawa ng puso ko dahil ako ang may kasalanan ng lahat. Mistulang hindi lamang mga pangyayari ang bumabalik sa ala ala ko kundi mismong pakiramdam ko nung araw na yon.'
-The scene shifted at sa isang bahay na naganap ang mga sumunod na pangyayari.
'Katatapos lang ng libing nung bata at nag aaway silang mag asawa, nag sisigawan, nagmumurahan hanggang sa nagsakitan na at isa batang lalaki ang pumigil sa pag aaway nila. Umiiyak yung bata, sobrang lungkot ng hitsura nya. Ramdam na ramdam ko ang bawat paghihirap na pinagdadaanan nya'
-The scene shifted again
'Itinapon nung babae ang mga damit ng asawa nya at umiiyak yung batang lalaki na humabol sa tatay nya. The man left them dahil sa sobrang pag aaway. The next scene became worst. Nag iinom nalang yung babae at hindi na iniintindi ang anak nya. Walang magawa yung batang lalaki kundi ang umiyak at magmakaawa sa mama nya na ayusin na ang buhay nila hanggang sa... The little boy left the house. Nanirahan sya sa lansangan, kumain ng basura, lumaking magnanakaw, manginginom at masamang tao. Lumaki syang may poot na dala dala sa puso at walang habas kung pumaslang ng mga inosenteng tao. Droga ang maging kasangga nya sa buhay. Pabalik balik nalang sya ng kulungan kayat nasentensyahan sya ng bitay.
-Parang may kung anong nag spark sa utak ko at in an instant naging malinaw ang lahat. Naging malinaw ang mga tauhan sa utak ko.
'D-Dean?'
'Nagpunta si dean sa isang kwarto na may nakahandang lason para inumin nya. K-kung ganon... Si dean ay... Naramdaman kong tumulo rin ang mga luha ko kasabay ng pagpatak ng mga luha ni dean at pag ala ala sa muka ng mga magulang nya. Mama? Papa? Kamukang kamuka nina mama at papa yung dalawang taong ina alala nyang nag aaway nung araw ng paglilibing sa kapatid nyang babae. He's crying but smiling at the same time. I can see the pain, the anger and the torned part of his heart. Ramdam kong gustong gusto nyang sisihin ang lahat. Gusto nyang kumawala at sumigaw sa buhay nyang puno ng pagdudusa ngunit ano nga namang magagawa ng isang taong tulad nyang mistulang hayop na tinatanggap nalang ang lahat. Wala magawa, walang makapitan, walang tutulong at walang handang umintindi. Kinuha nya yung lason at kasabay ng pag inom nya ang pag alala nya naman sa muka ng kapatid nya....
Si jewel...
Si jewel ang batang pinatay ko...
(Cass)
-I cherished Andrea's face while she's having her visions. Ramdam na ramdam ko sa kanya ngayon kung papano sya nasasaktan. Tears were streaming down her face at alam kong durog na durog na ngayon ang puso nya. Hindi ko alam kung papano nya tatanggapin ang lahat. Kung papano nya matatanggap na si dean ay dating kapatid ni jewel, na ang mga magulang nya ay ang mismong magulang ni jewel. Si jewel na bestfriend nya at ang batang namatay ng dahil sa kanya.
"Jewel!!!"
-kasabay ng pagbangon nya ang pagsigaw ng pangalan ni jewel. Pawis na pawis sya at basang basa na ang muka ng luha.
BINABASA MO ANG
Forever Yours
FantasyThis story is inspired by a facebook post that my friend saw. He send it to me to work on a plot and published a story regarding this genre. My gosh, I wasn't even planning to write any story that have this genre but I did it as a favor. So here it...