-stare, swallow, droll.. Paulit ulit lang ako sa pagtitig sa kanya, paglunok ng hangin at nalulunod nako sa muka nya! Andito ako ngayon sa office nya at magkaharap kami sa couch. May kape sa gitna ng table at nakatungo sya sa newspaper habang naka cross legs. Ang gwapo nya lalo pag seryoso. Awkward naman wala man lang kaingay ingay dito. Para kong multo lang.
"Magkape ka dyan kung gusto mo. May binabasa lang ako"
"Ah.. O-opo"
-kaagad kong nadampot yung tasa ng kape at ininom lahat ng laman nun sa sobrang tense na tense nako. Isang inuman walang hinga hinga.
"Hindi ka naman uhaw? "
-sinabi nya yun habang nakatungo parin sa dyaryo. Hindi nya ba talaga ko titingnan sa tuwing magkausap kami sa office nya? Hinagip nya ang necktie nya at mas niluwagan pa ito. Takte! Ang gwapo talaga. Ayoko na! Pipikit nako! Ayoko na syang tingnan.
"Am I distracting you that much? "
-ibinaba nya na ang newspaper at tiningnan nako sa wakas.
"P-po? "
"Hindi ka mapakali dyan. May problema ba?"
-Umiling iling ako..
"Wag nyo po akong intindihin"
-bigla syang tumayo at inilahad sakin ang kamay nya.
"I want to formally introduce my self. I am Mr. Castiel Park the Manager of Lee sale's company and the right hand of the CEO"
-napatayo din ako at nakipag shake hands sa kanya. Umupo na ulit kami. Right hand ng CEO? Edi sana sya narin ang naging president or Vice president.
"Masyado kong bata para maging President or vice president kaya naman sa pagiging head manager nya ko inilagay"
"Mind reader po ba kayo?"
-bigla ko nalang naibulalas yon ng walang preno kaya naman napatakip ako ng bibig. Hala! Ayoko na talaga! Ang weird ng mga nangyayari sakin sa loob ng company na to!
He chuckled. Wait! Did he just smiled?! Ang gwapo lalo shete! I involuntarily smiled. Hala. Napangiti ako kasi ngumiti din sya. Mas gwapo pala sya pag nakangiti."Ang cute mo pala"
-ano raw? Ang cute ko? Na appreciate nya yung ganda ko. Wow... Well, ako lang naman ang campus queen sa university namin at ipinagmamalaki kong hindi lang ako maganda, Matalino pa. I rank top 3 sa buong university sa general marketing examinations. Tumayo sya.
"Pero syempre joke lang yun"
-umalis na sya ng office nya at iniwan akong tulala. Lintek! Kapal ng muka! Napa face palm nalang ako at nag Intrapersonal Communication (kinakausap ang sarili) sa loob ng office nya.
"Ako? Hindi cute? Wow ha. Ganda kong to! Ang dami kayang nagkakandarapa saking manligaw no! Gosh kapal nya. Grr!! "
-sisipain ko sana yung table nya kaso syempre hindi ko itinuloy.
"Kaasar! If I know nagagandahan talaga sya sakin!"
-I rolled my eyes. Haist! Nakaka stress ang araw nato!
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.-umalis nadin ako sa office nya bago pa sya makabalik. Papasok na sana ko sa quarters ko ng may humablot sa braso ko. Napalingon ako sa kanya at tinititigan nya kong maigi. Isang lalaking may salamin na naka white V neck shirt at fitted pants. May subo subo syang lollipop.
"May kailangan kaba sakin?"
"Ikaw si andrea? "
"Oo. Bakit? "
BINABASA MO ANG
Forever Yours
FantasyThis story is inspired by a facebook post that my friend saw. He send it to me to work on a plot and published a story regarding this genre. My gosh, I wasn't even planning to write any story that have this genre but I did it as a favor. So here it...