(Hydz)
Flashback...
-nasa taas kami noon ng isang bundok ni cass. Dahil parehas kaming pagod at gusto munang kumawala sa mundo. Mapayapa kaming nag kwe kwentuhan sa palibot ng isang bonfire na ginawa nya. Nung mga panahong yon hindi nya pa natatagpuan si andrea kaya nacucurious ako sa kung ano ba talagang misyon nya sa babaeng yon.
"Cass... Nacurious lang ako. Pano pag hindi mo natagpuan si andrea. Anong mangyayari?"
"Hindi mangyayaring hindi ko sya matatagpuan"
"Pero pano nga pag hindi? O kaya nagpakasal na pala sya sa iba bago mo pa sya matagpuan. Papano yun? Ang sabi mo last na to. Last mission na at maibabalik mo na sya sa langit diba? O pano kung di sya sumama sayo? What if you fail?"
"Then it is considered mission failed"
"Mission failed? So babalik kana lang mag isa sa langit?"
"Nope. There's a consequence. Hindi nako makakabalik sa langit dahil kapalit ng isang mission ay ang buhay ng mismong anghel"
"Mamamatay ka?"
-he nods.
"Maglalaho ako na parang isang bula. Yun ang kapalit ng lahat"
"Do you really love her? Kasi hindi ka man lang natakot na sumugal para sa kanya"
"Mahal ko sya. Higit pa sa buhay ko"
*endofflashback*
-Tumulo na ang mga luha ni andrea habang tulala lang.
"Ngayon na iintindihan mo ba ang lahat ha andrea? Naging walang kwenta ang lahat ng pagsasakripisyo ni cass. Ilang henerasyong andrea ang pinaibig nya, minahal at inalagaan. Ilang dekada ang nilaan nya sa paghahanap sayo. Sa pag suyo at pag gawa ng paraan hindi ka lang maligaw ng landas. Ilang daang taon syang nag tiis. Na magtago sa mapanghusgang mata ng mga tao. Nahihirapan syang magtago sa lahat dahil kakaiba sya. Pero tiniis nya ang lahat para lang hindi ka biguin. Na maibalik ka sa totoong tahanan mo. Pero ikaw mismo ang bumigo sa kanya. Ikaw mismo ang pumatay sa kanya. Ibinasura mo ang lahat ng paghihirap nya. Bumaba lang sya sa mundo para mamatay para sayo. Para sa kaligahayan mo"
-naiyak na din ako dahil hindi ko talaga matanggap na wala na si Cass. Sya ang naging kasandal ko sa lahat ng problema. He never fails to make me laugh. Napakabait nya, napaka swerte ng mga taong naging kaibigan nya. Handa syang tumulong sa lahat. Ang saya nyang kasama.
"I'm sorry..."
-naaawa ako kay andrea. I don't want to be harsh around her pero hindi ko mapigilan.
"Ang swerte mo dahil kilalang kilala mo sya. Mas matagal ang mga panahong pinagsamahan nyo. Nagpapasalamat ako dahil inalagaan mo sya at prino tektahan"
"Ikaw ang maswerte andrea. Dahil ikaw ang kabukod tanging taong minahal nya at Handa syang magsakripisyo para sayo. Inialay nya ang buong buhay at puso nya para sayo. Ginawa ko lang ang tungkulin ko bilang isang kaibigan"
"Kasalanan ko ang lahat"
-tumayo ako at pinahid ang mga luha ko.
"Umayos ka at magpakatatag para kay Cass. Hindi sya natutuwang nagkaka ganyan ka. Ipagpatuloy mo ang buhay at para sa kanya... Sayo ko naman ibibigay ang serbisyo ko. Aalagaan kita para kay Cass dahil alam kong yun ang gusto nyang gawin ko"
"Hindi mo na kailangan pang gawin yon. Kaya ko ang sarili ko"
-sa tingin ko dapat makinig muna ako sa kanya. I want to hear her explanations kung bakit hindi sya sumama kay Cass. Gusto ko syang intindihin dahil alam kong kung ano mang naging dahilan nya... Hindi yon masama at ikinatuwa pa ni Cass. Andrea's a responsible woman after all.
(Andrea)
"Dito kana magpalipas ng gabi andrea. Mas maganda yun para makapagusap pa kayo ni Brad ng mas maayos"
-inabutan ako ni officer ryu ng tea.
"Nangako ako kay Jewel na saglit lang ako rito"
"Oo nga. Wag kang magalala dahil ako pa mismo ang maghahatid sayo bukas ng umaga sa airport. Teka si jewel nga pala ayos naba sya?"
"Gising na sya. Cass saved her"
-nagtanggal sya ng salamin dahil nag mo moist yun dahil sa init ng tea.
"Saved her?"
"Nagkwento sakin si jewel. Ang sabi nya may nakita syang lalaki nung mga panahong alam nyang huling hininga na nya. The way she described him all points to cass. He said na hindi nya hahayaang mamatay si jewel dahil sakin. Dahil alam nyang malulungkot ako kapag nawala si jewel. Witness si jewel sa lahat ng nangyaring paglalaho ni cass. Kitang kita nyang unti unting nauupos si Cass, naglalaho at nagiging gabok nalang sa hangin. That's the time she waked up. Kasabay ng paggising nya ay ang pagkawala ni Cass"
"Hanggang sa huling sandali pala ikaw parin ang iniisip ni Cass"
-I nod to him and smiled.
"Handa akong pagsisihan ang lahat ng ginawa ko sa pamilya si jewel. Kung ang kapalit ng pananatili ko sa tabi nya ay ang pagkawala sakin ng buhay ko bilang isang anghel kahit na inihain na saakin ni cass ang lahat ng pagkakataong bumalik. Nakahanda ako. Nakakalungkot lang dahil sana hindi nalang nadamay pa si Cass sa lahat"
"No andrea. Lagi mong isipin na may dahilan ang lahat. Bumaba sya dahil mahal ka nya. Tinanggihan mo sya dahil may paninindigan ka. Napakabuti ng puso mo para ipagpalit sa responsibility mo ang buhay sana na nagaabang sayo sa langit. Just look at the scenario... All things happen for a purpose"
"Pero sa akin nagsimula ang lahat. Kasalanan ko to simulat sapul"
"Wag mo nang sisihin pa ang sarili mo"- doctor hydee
-napatingala kaming dalawa ni officer ryu dahil nakikinig pala sa hagdan mula sa second floor si doctor hydee.
Medyo nagitla ko nung nagsalita sya."Langya ka brad. Ginulat mo kami ah"
"Kayo lang ba ang mag cha chaa dyan? Ipagtimpla mo din ako brad"
-bumaba din sya at naupo sa tabi ko. Medyo nahihiya pako sa kanya. Umalis muna si officer ryu para magtimpla ng chaa.
"Sorry for acting so immature and un professional andrea"
"Okey lang yun. Naiintindihan ko naman"
"Ako din. Naiintindihan na kita"
-may ibinigay sya saking papeles.
"Ano to?"
"Cass last will and testament"
-binuksan ko yon at binasa.
"Gusto ni Cass na tumira kayong dalawa ni jewel sa condo unit nya kaya naman ibinigay nya sayo ang pagmamayari non. Naasikaso ko na ang transfer papers at nasa pangalan mo na ang condo unit. Yung bank accounts naman ni Cass nakapangalan na din sayo. Sinigurado nya ang lahat bago sya umalis andrea"
-hindi ako makaimik. Hindi ko alam ang sasabihin ko.
"Yung shares nya naman sa company ibinigay nya sakin. Major stock holder nako ngayon ng Lee company. Balang araw alam kong magagamit ko yon. Hindi ko sya bibiguin. Lalago ang lahat ng pinaghirapan nya"
-biglang lumitaw si officer ryu.
"Oh eto na ang cha a. Haist... Ang lamig sa labas. Na ngangatal nako"
BINABASA MO ANG
Forever Yours
FantasyThis story is inspired by a facebook post that my friend saw. He send it to me to work on a plot and published a story regarding this genre. My gosh, I wasn't even planning to write any story that have this genre but I did it as a favor. So here it...