Forever Yours

3 2 0
                                    

(Andrea)

-hindi ko maintindihan kung bakit ganon. Nagmistulan nang operating room yung kwarto ni cass. Sa kasalukuyan tinatanggal ni doctor hydee yung bala na bumaon kay cass ni hindi nya man lang dinala sa ospital at andito lang ako ngayon sa labas ng kwarto nya nag aabang. Lumabas na si doctor hydee at sinalubong ko sya. Puro dugo ang lab gown nya.

"Kamusta sya? "

"Maraming dugong nawala sa kanya pero wala tayong magagawa"

"Anong wala? Salinan nyo sya ng dugo. Bakit ba hindi sya nagpapadala sa ospital? Bakit nag opera ka sa labas ng operating room?"

"Hindi mo maiintindihan Andrea"

"Maiintindihan ko. Dahil alam kona ang lahat. Alam kong immortal si Cass. Alam kong angel sya at alam kong mission nya ko"

-natahimik sya.

"Papano mo nalaman?"

"Hindi na yon mahalaga. Ang mahalaga sa ngayon gawin mo ang lahat para gumaling sya"

"He's different andrea. In a minute and he's body will provide his own blood. Hindi sya pwedeng uminom ng gamot ng tao dahil iba ang reaction ng katawan nya. Hindi sya pwedeng kabitan ng dextrose. Hindi pwedeng lagyan ng kahit ano ang katawan nya naiintindihan moba yun? Kahit anong klaseng injection bawal. Iba ang system ng katawan nya."

-napaupo nalang ako sa hagdan dahil sa panghihina ko.

"You should rest andrea"

-bumaba sya ng hagdan at nagtanggal ng lab gown, face mask, at gloves.

"Si ryuzaki. Sya ang bumaril kay Cass"

-natigilan sya at humarap sakin.

"Alam ko"

"Kaibigan mo ang taong yon diba? Anong gagawin mo ngayon? You should choose between them, hindi pwedeng parehas mo silang kakampihan. At kung ako sayo susuntukin ko yang si ryuzaki"

"Hindi mo alam ang sinasabi mo Andrea"

-bigla kong naalala si jewel. Kung ang pagkakaibigan ni Ryuzaki at Dr. Hydee ay parang pagkakaibigan namin ni Jewel nakaka guilty nga namang sabihin ko yon dahil sobrang mahal na mahal ko si jewel at siguradong ganon din ang tingin nya kay Ryuzaki.

"Im sorry"

-naiyak nalang ako at nagulat nung may tumulo ring luha sa mata nya. Nagulat talaga ko na umiyak rin sya.

"My friendship with Ryu will definitely lead to a catastrophic scenario with Cass. Nahihirapan ako andrea. Psychiatrist ako pero parang hindi ko kayang makipag deal sa sarili ko"

"Kung kailangan mo ng kausap handa akong makinig. Alam kong makakatulong ako kahit sa maliit lang na bagay na yon"

(Hydz)

-natutulog parin si Cass at namumutla parin ang muka nya. Kulang parin sya sa dugo. It's already 11 in the evening. Nakatulog na si andrea sa sofa at binabantayan ko si cass. Patuloy kolang na minomonitor ang blood pressure nya. Nakakamangha ang system ng katawan nya pero para sa isang doctor syempre natatakot din ako. Tumunog ang phone ko.

"Susko, sana naman hindi tungkol sa ospital"

-sinagot ko yung tawag without looking at the screen. Sana hindi hospital related.

"Brad"

-kinilabutan kaagad ako nung narinig ko ang boses nya.

"Brad? Oh.. B-bakit ka napatawag?"

Forever YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon