Chapter 7

1.1K 10 0
                                    

Habang nasa daan papunta sa bahay nila Carlo, tumawag ang girlfriend ni Divine na si Mikkay ang austrilian at 8 months ng girlfriend nito. " Slate, can we fetch Mikkay tapos na ang practice nya.. daanan na muna natin since on the way naman tayo." ani Divine.

"Sure!" ang nakangiting si Slater at saka nag u-turn.

"Marunong ka palang ngumiti, pero sakin napaka rude mo!" ani Tin sa isip habang nagkukunyaring deadma sa paligid.

Nakarating na sila sa kinaroroonan na establishment ni Mikkay, lumabas na ng kotse si Divine para salubungin ang naturang kasintahan. "Tinney, do you mind if we exchange places.. dyan na lang kami ni Mikks sa likod and dito ka sa front seat?" pakiusap ni Divine na ikinakaba nya. "makakatabi ko pa tong unggoy na to!" pabulong nya.. "Oh sure no problem," saka sya tumayo at lumipat. Habang si Slater kunyari walang naririnig deretso lang ang tingin sa labas at tina-tap ng mga daliri ang manibela habang nakikinig ng sounds sa kanyang i-pod. 

"Fasten your seatbelt princess!..." saracastic na sabi ni Slater sa kanya. Hindi na lamang nya pinansin ito at kinabit na lang ang naturang bagay sa katawan nya.

"Okay let's go!" anang magkasintahan sa likod. Pinili na lamang nyang umidlip saglit upang di ma bored sa biyahe. 

After an hour nakarating na rin sila sa bahay nila Carlo. Nagising na lamang sya sa marahang tapik sa balikat. "Gising na sleeping beauty, nandito na tayo!" walang ka emo emosyon na sabi ni Slater. Saka lamang sya natinag ng makita ang magandang tanawing bumungad sa kanya. Lumingon sya sa paligid hinanap ng mga mata nya ang magkasintahang Divine at Mikkay na tumatakbo patungo sa malawak na garden nila Carlo. 

"Nasan tayo? malayo na ba to sa vicinity?" sunod sunod nyang tanong, ngunit tinalikuran na pala sya ng antipatikong lalaki. "Okay, nice talking Tinney!!" himutok na kausap nya sa sarili. Tinungo na lamang nya ang kinaroroonan nila Divine at Mikkay. Sinalubong silang apat ng mga maids ng naturang villa, at kinuha ang mga dala nilang gamit. 

" Manang where's Carlo? masuyong tanong ni Slater sa kasambahay. Halatang madalas na dito si Slater dahil sa giliw na pinapakita nya sa mga kasambahay na nasa harap nila.

" Ala eh si senorito Cocoy po ba?, nasa likod po.. nag aayos kasama ang kanyang kasintahan po ata na si Ma'am Wendy!" mahabang paliwanag at sabay turo sa likod bahay kung saan ang kinaroroonan ng malaking pool nila Carlo. Iginiya na silang lahat ng katulong sa likod. "Dito po sir Janjan!" dinig nyang banggit ng katulog.. nagpalinga linga sya kung may iba pa silang kasamang lalaki. Nahalata ata ni Divine ang kanyang pagtataka. 

"Janjan is Slater.. that's his pet name, yan ang tawag sa kanya ng mga parents ni Carlo w/c is Cocoy, magkababata sila since mag move in na ang parents ni Slater dito sa Manila. Slater's father ang Carlo's dad we're business partners." kwento ni Divine sa kanya, siguro nahalata na rin nito na di pa nya gaanung kilala ang dalawang lalaki. 

" Ah i see!" tatango tango na lang na sabi nya.. " but how about you and Slater? How long have you known each other?" habol na tanong nya kay Divine.. ngunit di na ito nasagot dahil nakita na sila ni Carlo.

"Carlooww, pare!" masayang bati ni Slater sa papalapit na si Carlo.

" Slate, Divine, Mikkay! I'm glad you came guys... and ohhh!! Tiiiinn... thank you, you came!! huling bati ni Carlo sa kanya. Sabay akap sa kanya ng birthday boy. 

"Eheemmm... turan naman ng nasa likod na babae ni Carlo, napaka skinny ng babae, morena at maganda. " Hi I'm Wendy, Carlo's girlfriend!' maarteng sabi nito sa kanya. Na ikinagulat nya dahil sa tila nagseselos na tono nito.

" oh, by the way Tin this is Wendy, the one i'm talking with.. my girlfriend .. and Wendy babe what was that...? paglalambing ni Carlo sa kasintahan. Na ikinapangiti nya. "Babe si Tin "Christine Ramirez" the Captain's daughter... you don't have to be jealous babe, am not her type." sabay tawa ng malakas ni Carlo. Na ikinatawa na rin ni Wendy pati narin ni Divine at Mikkay. Habang si Slater nagmamasid at nangingiti lang sa tabi sa ka kengkoyan ng kaibigan.

YOU GOT METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon