Lumipas ang mga araw isang linggo na lang bago ang nasabing competition. Malaki na ang ipinag bago ng pakikitungo nila sa isa't isa ni Slater. Isa na lang ang problema nilang dalawa kung pano sayawin ang sayaw nilang SAMBA, dahanggang ngayon ay di pa talaga nila makuha ang tamang sayaw niyon. Pinasuot sa kanila ang pansamantalang costume nila habang nag pra-practice pati na rin ang mga kasuotan sa paa, para mahasa sila na sumasayaw ng naka heels.
" Wow, ang ganda naman ng partner ko." pambobola ni Slater.
" Ayan nasanay ka ng bola bolahin ako ngayon ha." sita nya rito. Nakakapag biruan na sila ng ganun ngayon. Napagpasyahan kasi nilang to set aside there differences muna at mag loosen up kahit papanu sa isa't isa.
" Ito naman, hindi naman bola yun." bawi pa nito.
" Asus, ang sama sama mo talaga sakin Slater!" pag sita nya pa rito.
" Hindi ah, takot na nga ako sayo eh." sabi pa nito.
" Oist.. kayong dalawa eh kung nag pra-practice kaya kayo!" pag sita naman sa kanila ni Wendy. Habang natatawa sa kanilang dalawa.
" Eh kasi, si Slater nang aasar nanaman." pag susumbong nya kay Wendy.
" Ito talagang si Slater wala ng ginawa kundi awayin si Tin." ika pa ni Wendy.
" Hindi naman.. di ba partners.. ang bait bait ko na nga eh!" bawi naman ni Slater na parang nilalambing sya.
" Ewan ko sayo..hmmp!" salungat nya dito. " Practice na nga lang tayo!" aya nya rito.
Sinimulan na uli nila ang routine ng kanilang sayaw.. Habang nag sasayaw di nya mapigilang matawa dito ang cute cute nito habang ginagawa ang steps nila. Kaya di nya mapigilan ang matawa. Kaya tuloy nasita na sila ng instructor nila, dahil parang di nila sine-seryoso ang kanilang sayaw.
" Kayong dalawa maiwan kayo dito, sa cha-cha dancers and tango dancer.. you may go now!" pang di-dismiss ng instructor nilang si Lyn sa anim nilang kasama.
" Kasi, ikaw eh tawa ka ng tawa." sita sa kanya ni Slater.
" Eh kasi naman nakakatawa ka naman talaga." pang aasar nya pa dito.
" Ang yabang nito, akala mo kung sinong magaling." ganting asar nito sa kanya. Tas tawanan uli sila. Narinig naman ng instructor yun.
" Ayan dyan kayo magaling na dalawa, tawa lang kayo ng tawa hindi nyo seniseryoso ang sayaw nyo pano kayo mananalo nyan?" pasitang sabi ng instructor nilang si Serge. " Okay Slater, Tin from the top." muwestra ng DI. Tumalima na sila bago pa sila mapagalitan uli. Seniryoso na nila ang pag pra-practice. At nakatulong naman dahil kahit papano nag i-improve na sila.
" A quick, a quick, a quick and slow..." habang nakatingin sa isa't isang bilang nila. Pinipigilan nilang matawa sa mga sarili nila. Pero makikita sa mga mata nila na, na e-enjoy nila kahit masyado silang pressured sa sayaw na yun.
" Okay, sabi ng instructor. Kung ganyan ba naman kayo lagi eh.. masyado kayong bagay para di magkaron ng connection." wika pa ng instructor nila. " Kunting practice na lang sa inyo, mejo gumaganda na ang galaw nyo.. kelangan lang ng timing yun ang practicin nyo. Cge na pwede na kayong umuwi." dismiss sa kanila ng dalawang instructor. Nakahinga sila ng maluwag.
" Wow, ang galing mo na." hirit ni Slater.
" Hmmp.. ewan ko sayo ayan ka nanaman." sabi nalang nya rito. Naiwan silang dalawa at saglit nagpahinga. Gabi ng lumabas sila sa school area. Inaya sya nito na kumain na hindi naman nya tinanggihan dahil gutom na sya.
" Oh convoy na lang tayo.." saad nito, dahil pareho silang may dalang kotse ng araw na iyon.
" O segi saan ba tayo kakain?" tanong nya rito.
" Doon basta sundan mo na lang ako, may alam akong restaurant na magugustuhan mo." masayang sabi nito.
" Talaga? segi tara na gutom na ko. Maaga pa naman". Ngunit bago pa man sya makasakay ng tuluyan sa kotse nya eh, tumunog ang cellphone ni Slater at nagpasintabi itong sasagutin muna. Nag antay na lamang sya.
" Ahmm.. Tin i'm sorry there's an emergency, it was my Dad and may kelangan kami pag usapan." paliwanag at hinging paumanhin nito.
" Hmm.. no problem just go. It's okay next time na lang siguro." naiintidihang sabi nya rito at nginitian ito.
" Are you sure? sorry talaga." nag aalalang tanong pa nito.
" Oh yeah, of course.. thank you! cge na mauna ka na. Go, ingat ha." sagot nya rito. " Okay, got to go.Bye!" hinalikan sya nito sa pisngi na ikinagulat nya pero di na lamang nya binigyang pansin. At tuluyan na itong sumakay sa kotse at pinaharurot iyon.
Dumaan muna sya sa isang bake shop at bumili ng cup cakes at umuwi na rin sa bahay nila. Kinagabihan iniisip pa rin nya si Slater. Ikinagagalak ng puso nya ang pagbabago ng pakikitungo nila sa isa't isa. Pero may ikinapapangamba sya. Nahuhulog na loob nya masyado dito. Lately kasi super sweet nito sa kanya. Kung saan saan sya inaaya pagkatapos ng practice minsan madalas sila sa ice cream parlor na malapit sa campus. Madami na rin silang napag uusapan, at nakakagulat dahil pareho sila ng mga gustong gawin o movies na panoorin. " Kumusta na kaya yun? ano kaya yung emergency bigla?" pag mumuni muni nya hanggang sa makatulugan na lang ang mga bumabagabag sa kanya.
Habang si Slater ay di rin makatulog ng mga oras na yun, matapos nyang magpaalam sa dalaga na mauuna na syang umuwi dahil sa tawag ng kanyang ama. Ang dami daming bumabagabag sa kanya ng mga oras na yun. Una ang pinipigilang nararamdaman para sa dalaga na sa tingin nya ay lumalalim sa bawat pag daan ng mga araw na nakikilala nya ito. At ang pangalawa ang proposal project ng Daddy nya sa kanya na involve ang napakalaking halaga. Malaking challenge yun para sa kanya bilang anak ng isang business magnate at may ari ng napakalaking companya sa bansa. Graduating na sya next year at gusto ng kanyang ama subukin ang kanyang galing bilang susunod sa mga yapak nito, and he can never say no to this big project. Malaki ang expectation ng kanyang ama sa kanya. Madami na rin itong naibigay sa kanya, and this is the only way for him to return all the favor for his father. Naka tulog sya ng may mga agam agam sa dibdib.