Chapter 19

1.6K 23 13
                                    

ANG PAGBABALIK....

We are now preparing to land.... 

Ladies & Gentlemen, now We're approaching Manila where the local time is 03:00.

Papalapag na ang eroplanong kinalululanan ni Tin ngayong hapon ding iyon sa Manila International Airport na mas kilala sa tawag na NAIA. Pinagmasdan nya ang natutulog na si Chelsea, inayos nya ang seat belt nito ayon na rin sa instruction ng flight attendant na naroon. " Welcome home Tin." bulong nya sa sarili. Ang totoo ay na e-excite sya kung ano ang mga pagbabago sa lugar, at lalong lalo na ang pagkamiss nya na rin sa kanyang magulang. Alam na ng mga ito ang pag adopt nya dalawang taon na ang nakakaraan kay Chelsea hindi naman sya sinalungat ng mga ito, bagkus ay excited din ang mga ito na makita ang napaka gandang bata na mahimbing na natutulog sa tabi nya. Mag tatatlong gulang na ang bata sa taong iyon at tamang tama naman na sa Pilipinas nito i ce-celebrate ang kaarawan nito. Hindi pa ito gaanong matatas magsalita, doon man ito ipinanganak sa Spain at half Spanish man ito ay mas sinanay nilang magkaibigan na kausapin ito magmula ng toddler pa ito sa wikang Tagalog at English. Since hindi rin naman sila parehong magkaibigan bihasa sa Spanish language kahit na nanirahan sila ng mahigit dalawang taon sa Spain. Nakilala nya si Fritzie sa isang tournament ng nag uumpisa pa lang sya gumawa ng pangalan sa tennis, kasama nito ang boyfriend noon na syang ama ni Chelsea na isang tennis player din, at dahil sabik sa kakilalang Pinoy dahil mangilan-ngilan lamang ang Filipino naninirahan sa Spain ay naging matalik na silang magkaibigan nito at doon nag umpisa ang kwento nila hanggang magkaroon na ito ng Chelsea at iwan ito ng Spanish tennis player na boyfriend nito. Masakit man dito na mawalay ang anak pansamantala ngunit wala naman ito magagawa kundi pumayag na lang, hindi rin naman nya pwedeng iwan ang bata since na sa kanya ang legal rights of custody niyon. At may trabaho ito at madalas ay kung saan saang lugar ito napupunta ng dahil sa pagmo-modelo nito. Maya maya lamang ay naramdaman na nya ang paglapat ng gulong ng eroplano sa lupa. Dahan dahan nyang ginising ang natutulog na si Chelsea.

" Chelsea Baby, wake up. We're in Manila now, you'll gonna meet Grandpa and Grandma soon." masuyong bulong nya sa anak. Umingit naman ito na tila napagod sa biyahe kaya hindi maiwasang sumimangot habang ginigising nya ito, tinawag sya nito sa paraang pagtawag nito sa kanya habang humihikbi. " Hush Baby, Mommy is here.." aniya at inalis na ang pagkaka kabit ng seatbelt at kinarga ito, pina-upo nya ito sa kanyang kadungan at niyakap ito. Inalo nya ito hanggang sa ito'y tumahan. Maya maya lamang ay tahimik na itong nagmamasid sa kung ano ang nangyayari sa paligid. Isa isang nagsibabaan na ang pasahero ng plane na kinalululanan nilang mag ina. Malamang nasa waiting area na ang mga susundo sa kanila. Tinawagan nya ang kanyang Ina ng nakaraang araw at ipinaalam rito na ngayong araw ang dating niya kasama si Chelsea. Tumayo na sya habang karga ang anak, kinuha nya rin ang kanyang handbag upang makalabas na papuntang waiting area. Nang makarating sa waiting area ay hinanap agad ng kanyang mga mata ang susundo sa kanila. Kinuha nya ang kanyang telepono sa bag at tinawagan ang Ina. Nag ring ang numero na kanyang tinatawagan at maya maya lamang ay sumagot na ang nasa kabilang linya.

" Hello, Ma we're here!!.." aniyang bungad dito habang palinga linga kung asan ang mga ito. Medyo nahihirapan na rin at napaka bigat ni Chelsea.

" Oh Iha andito na rin kami, saan ka ba banda?.."  sagot nito sa kabilang linya. " Oh there you are, wait Iha papalapit na kami dyan tawagan ko lang si Mang Eting para dalhin ang kotse rito." anito at ilang saglit pa ay nawala na ito sa kabilang linya. Natanaw nya ang kanyang Ina na papalapit sa kinaroroonan nila. Sinalubong nya ito.

" Mommy!!" salubong nya rito.

" Tin, my baby!!.." yakap naman nito sa kanya. " Baby I missed you... ang ganda ganda mo anak. Oh, here is my grand daughter." anito at kinuha sa kanya si Chelsea.

YOU GOT METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon