Kapansin pansin ang pananamlay ni Slater ng mga nagdaang araw, napansin iyon ng dalaga. Nagbago ng kunti ang pakikitungo nito sa kanya. Mukhang madaming bumabagabag dito kaya minabuti nyang dumistansya na lang at hayaan muna ito. Nalulungkot sya dahil nag uumpisa pa lamang ang namumuong pagkakaibigan nila. Ngunit hindi nya alam kung ano ang nangyari at bigla na lamang naging cold ito sa kanya. Nang araw ding iyon nakaupo lang nanaman ito sa sulok at parang may malalim na iniisip. Nilapitan nya ito at tumabi sa tabi nito.
" Okay ka lang ba Slater?" nag aalangang tanong nya rito.
" Oo, okay lang ako." bahagya lamang itong tumingin sa kanya at tumango.
" May dinramdam ka ba?" nag aalalang tanong nya pa rito.
" Huh? ahh wala. Okay lang ako." sabi lang nito. Nagkibit na lamang sya ng balikat at hinayaan na lamang ito.
" Practice na tayo." aya nito sa kanya. At nag practice na lang sila. Unti unti naman bumabalik ang sigla nito. Nagugulat na lang sya sa extra sweetness na pinapakita nito sa kanya. Napapansin na rin sila ng mga kasama, at tintukso sila ng mga ito.
" Uuyy, ang sweet sweet naman nila." panunukso ni Jericho sa kanila.
" Tumigil ka nga Echo, ano ba!" nahihiyang saway nya kay Echo.
" Aiiee... gustong gusto naman oh, nag blu-blush ka pang nga oh!" si Echo pa din ayaw syang tantanan. At pati yung iba nang gagaya na rin sa pang aasar sa kanya.
" Ano ba, Echo nakakahiya ka na, tigilan mo nga yan.. mag walk out ako segi kayo." pananakot nya sa mga ito.
" Uy kinikilig naman." pandadag-dag ni Slater. Na ikinagulat nya.
" Isa ka pa! Kapal mo huh! pinagtutulungan nyo na lang ako lagi." maktol nyang sabi na parang bata. Ngunit totoo naman na kinikilig siya sa thought na tinutukso sya dito. Gusto na nyang batukan ang sarili nya dahil hindi nya mapigilang di kiligin. Nagkunwari na lamang syang galit-galitan sa mga ito. At nanahimik na lang.
Di sya kumikibo ng ilang minuto at nakaupo lang sya sa isang tabi habang namamahinga muna sa sunod sunod na practice sa araw na iyon.. buong araw sila nag ensayo at di na muna pumasok sa ilang subjects nila. Namalayan na lamang nyang umupo sa tabi nya si Slater. Humarap ito sa kanya at tiningnan sya ng mataman. Ngunit di nya pa rin tio pinapansin. Masuyong hinawakan nito ang noo nya at inipit ang mga buhok na nagbagsakan sa harap ng mukha nya papunta sa tenga nya. It was a simple gesture yet sweet, saka lamang sya tumingin dito.
" Anong gingawa mo?" nagtataka at naiilang na tanong nya rito.
" Hmm.. wala just freezing you out, kanina ka pa kasi tahimik." sabi nito at umalis na sa harap nya at umupo sa tabi nya. " Ano ba kasi ang iniisip mo? lately parang ang dami dami mong iniisip." pag uusisa pa nito.
" Ako madaming iniisip? baka ikaw. Lately tahimik ka din.. di ba nga tinanong pa kita nung isang araw?" balik tanong nya rito.
" Wala yun, wala naman ako iniisip na iba maliban sayo." simpleng sabi nito habang ang mata ay nakatingin sa mga kasama at napapangiti sa mga binitawang salita. Di nya maipagkakaila ang nararamdamang kilig sa simpleng hirit nitong iyon. Pero tinataboy nya rin ang thought na posibleng totoo nga yun.
" Sus, maiwan na nga kita jan. Mag practice na lang muna ako mag isa." nasabi na lang nya rito at tumayo na. Nag practice syang mag isa sa step nya na kelangan ikembot ang bewang, dahil di naman sya dancer talagang nahihirapan syang gawin yun.
" Kembot pa Tin."sigaw ng instructor nila. Bahagya syang na co-conscious kasi nasa tabi si Slater at nakatingin sa kanya na parang na a-amuse sa ginagawa nya. Ngali ngali nyang batuhin ang lalaki, ayaw pa naman nya yung tintitigan sya. " Shocks, kung hindi lamang ito competition, hindi nya gagawin to." kausap nya sa sarili habang sinusunod ang utos ng instructor nyang babae. Ng matapos tinawag na silang dalawa ni Slater.
