Isang linggo na ang nakalipas ng huli silang magkita at magkausap ni Slater. Hindi nya ito napagkikita sa loob ng campus lately, nag wo-worry na rin sya. Ayaw naman nya itong tawagan dahil ayaw nya namang umastang girlfriend nito, dahil wala naman talaga silang relasyon. O baka nga siguro wala lang yun dito. Pagkatapos nilang mag malling ng isang linggo wala na syang narinig mula rito, ni tawag o text man lang. Hindi rin natuloy ang kanilang outing nung nakaraang linggo dahil may pinuntahan sina Carlo at Wendy. Naging busy na rin naman sya sa school at malapit na rin ang kanilang finals.
Napaka boring para kay Tin ng araw na iyon wala sila masyadong ginawa sa school puro review lamang ang ginawa ngunit tila naman walang pumapasok sa kanyang kukuti dahil sa kakaisip sa isang tao. Ano na kayang nangyari dito? Or should she say what happened between them? Gusto nya itong kausapin kung ano nangyari pero tila namang wala syang karapatan mag tanong, after all wala naman itong ipinangakong kahit ano sa kanya. " I care for you, or i'm thankful that i have you is far from i love you"... so what would she expect?... nagtungo na lamang sya sa canteen at ibubuhos na lamang nya sa pagkain ang pagkabagot nya. Sakto namang nakita nya si Wendy at Deniesse.
" Tin dito!!" kumakaway na tawag sa kanya ng mga ito. Nilapitan nya ito.
" Hi, kumusta kayo?.." bati nya sa mga ito.
" Ikaw ang kumusta bat di ka namin ma contact? kanina ka pa namin tinatawagan nakapatay ang cellphone mo." mahabang turan ni Wendy.
" Ah, di ko alam.. " tiningnan nya ang kanyang cellphone at pinakita sa mga ito, " am sorry lowbat pala ako." paliwanag nya sa mga ito.
" Oh sya kain muna tayo, ay teka tuloy na tayo this coming friday night sa Tagaytay ha." wika uli ni Wendy.
" Parang ayaw ko sumama..." turan nya rito.
" Bakit naman? dahil kay Slater ba?.." pag uusisa nito. Minsan na nya na ikwento na lately ay wala silang masyadong pag-uusap ni Slater. Tumango na lamang sya.
" Ano ka ba, hayaan mo na lamang yung tao.. baka may pinag dadaanan lamang yun ngayon. Maigi na magkita kayo dun at ng maitanong mo din sa kanya kung ano na nangyayari sa inyo." anito.
" Hays.. segi na nga!".. pag payag na lamang nya.
" Tsaka di ka pwedeng mawala sa mahalagang okasyon na yun o isa man sa inyo nuh, may surprise kami sa inyo ni Carlo." makahulugang sabi nito. Ngumiti na lamang sya at sumang- ayon.
" Cge pupunta na ko." aniya.
" Dadaanan ka na lamang namin sa friday ipagpapaalam ka namin sa Mommy at Daddy mo." pahayag nito.
" Kayo ang bahala!".. ana lang niya. Naghiwa-hiwalay na sila matapos nilang mag snack sa canteen. Hindi nya alam kung bakit sya nagkakaganito, wala naman syang karapatang masaktan pero bat sya nasasaktan. Ano ba yun ipinaramdam nito sa kanyan na mahalaga sya para dito, ano yung mga sweet gestures nito na ipinakita sa kanya, wala lang ba yun?" himutok nya pa rin. Nang dahil sa weariness na nararamdaman nya umuwi sya ng maaga sa kanila, alas tres palang ng hapon at tila hindi naman sya makakatulog kaya nag laro na lamang sya ng tennis sa court na sadyang ipinagawa ng kanyang Daddy sa likod ng bahay nila para sa kanya. Ibinuhos nya ang lahat ng nararamdaman sa bawat pag hagis at pag tira nya ng bola. Madilim na ng saka lamang sya tumigil sa pag lalaro. Umakyat na sya sa kanyang kwarto at nagpahinga, pero di sya dalawin ng antok kaya minabuti na lamang nyang magpatugtog.. hanggang sa makatulugan nya na lang.
Sumunod ang mga araw walang ipinagbago sa routine ni Tin school at bahay lang, ngayon lamang sya lalabas kasama ng mga kaibigan. Friday iyon matapos ang klase ay naghanda na sya ng mga dadalhin nya sa naturang outing nila ng kaibigan, hindi sya tinantanan ng mga ito hanggat di sya napapayag na sumama. Narinig na nya ang busina ng sasakyan sa labas.
