Chapter 3

1K 11 2
                                    

Maagang nagising si Tin kinabukasan as usual, ganun uli ang routine nya sa buong mag hapon. Lalo na ngayon at busy pa sya sa mga paper works nya sa school at wala pa syang panahon para mag training sa nalalapit nyang competisyon. Bago tuluyang gumayak nag Thread Mill muna sya for thirty minutes saka naligo at nagbihis na..  pagbaba nya naabutan nya ang kanyang mommy na naghahanda ng almusal.

 "Good morning, mom!" masayang bati nya sa ina. "Good morning, iha! oh mukhang ang ganda ng gising ng baby ko ah?" nakangiting sabi ng mommy nya.

 "Yes, Mom." nakangiting sabi nya sa ina at hinandugan nya ng halik sa pisngi ito. "Ah Mom, i won't be eating breakfast na.. inumin ko nalang itong kape ko. I need to get to school early may mga hinahabol pa kung paper works."

 "Kumain ka kahit kunti anak... anu ba ang pinagkaka-abalahan mo sa school? And by the way tumwag na ang trainor mo at kelangan ka ng mag training next week for your up coming competition." 

 "Uhm, Mom marami akong absent sa school diba? kaya may mga subject akong kelangan habulin this week. Ahmm.. Mom what if di nalang ako tumuloy sa competition na yun? I mean.. 4th year na ko next year. Maybe i could set my studies first as my priority." 

 "hmm.. iha may point ka din naman hayaan mo at sasabihin ko sa Daddy mo ang napag usapan nating ito.. but iha sayang naman if hindi mo na itutuloy tong game mo.. finals na yun.. why don't you give this a last shot and then saka ka na mag lay low." pahayag ng mommy nya.

 "Mom, naiisip ko naman po yun. We'll just see mom.. I really have to go!" Bye Mom, sabay kintal ng halik sa noo ng ina. 

 "Hindi ka na ba kakain talaga ng agahan anak?"... pahabol na tanong ng ina.

 "Nope Mom, i'm just fine sa school nalang ako mag snack mamaya.. i love you Mom" habang papunta sa garahe. 

Nakagawian na ni Slater na mag agahan bago gumayak sa mga lakad nya mapa skuwela man o maski saan. Nakaugalian na nilang mag ama ang magkasabay sa agahan, sya ang panganay sa kanila at sya rin ang inaasahan ng ama na magtataguyod ng kompanya nila balang araw. Hindi sa pag mamayabang ngunit maasahan naman talaga sya pag dating sa pamamalakad ng kanilang kompanya, dahil maski sa kasalukuyan inaaral na rin naman nya ang pasikot sikot ng kanilang kompanya. Pero binibigyan din naman sya ng kanyang ama ng panahon para sa iba nyang hilig. His very lucky to have a cool Dad at di sya binibigyan ng malaking responsibilidad, pero sya talaga ay isang mabuting anak kaya kung hilingin man nitong sya ang mag take over sa kompanya balang araw ay gagawin nya.

 "Got to go, Dad." paalam nya sa dad nya matapos kainin ang huling pirasong hotdog sa plato nya.

 "okay son, mukhang nagmamadali ka naman ata? tanong sa kanya ng dad nya.

 "Hmm yap dad, may usapan kami ni Divine pag uusapan nanamin yung negosyo na gusto naming itayo. Ngayon lang kasi sya may free time she'll be busy on the following days malapit na kasi ang exhibit nila ng grupo nya." Si Divine na bestfriend nya simula't sapol, ay isang 3rd yr fine arts student sa school din na pinapasukan nya. Kilala na rin ito ng daddy nya dahil magkaibigan ang pamilya nila. Kung hindi nga lang naging tibo ang kaibigan nyang yun malamang pinag kasundo na silang dalawa, ngunit sa kasamaang palad ay iba ang gusto ni Divine.. natatawang pagbabalik tanaw nya. At tuluyan ng sumakay sa kotse at pinaharurot ang sasakyan.

YOU GOT METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon