Pagkatapos ng kanilang friendly dinner date ay inihatid na nya si Tin sa bahay ng mga Ramirez. Sinamahan nya ito papasok sa loob sa imbitasyon na rin ng Daddy nito. Pero nagpaalam na rin sya agad dahil maaga pa ang practice nila bukas, dalawang araw na lang Big Ballroom Competition na.
Habang nagpapaantok si Slater iniisip nya ang mga napag usapan nila kanina habang nasa restaurant sila ng dalaga. It was a date indeed pero minabuti nyang lagyan ng "friendly" sa una para di mag isip ang dalaga ng kung ano. Sa ngayon kasi wala pa syang pormal na maipapangako dito, kahit gustong gusto na nya ipahayag na mahal nya ito.
'Oo, mahal na nga nya ito." pag kumpirma sa sarili. Nararamdaman din naman nya na pareho sila ng nararamdaman ng dalaga. Pero kelangan nya pa ring rendahan ang sarili nya.
Dalawang araw ang nakalipas, Sportsfest na.. ito na ang pinakakahihintay nilang event na pinag handaan nila ang Big Ballroom Competition. Sa loob ng dalawang araw na nakalipas hindi nagbago ang pakikitungo ni Slater sa kanya, lumalabas sila na silang dalawa lang. Sa loob ng dalawang araw na yun mas naging kapansin pansin ang pagiging sweet nila sa isa't isa ng mga kaibigan, ngunit pinili ng mga ito na di sila pang himasukan. Kung sa kanila lang din naman na dalawa parang ini-enjoy nalang nila ang company ng isa't isa. They cuddle each other, na parang naging normal na sa kanila. Hahawakan nito ang mga kamay nya habang naglalakad sila sa mall na parang sila. Yayakapin sya nito, tuwing maglalambing ito kahit sa harap ng mga kasama nila. Katulad ngayon, may kanya kanyang locker ang babae at lalaki. Ngunit si Slater di napigilan ang sarili at sinilip muna sya. Lumabas naman sya ng locker room para lapitan ito.
" Oh, mag ayos ka na." aniya rito.
" Parang ikaw nakabihis na ah.." pag puna rin nito sa kanya. Tinawanan nya lamang ito. " I just wanna see you and give you a hug." kalaunan ay sabi nito. At kinabig na sya para yakapin. Medyo mahigpit ang mga yakap nito na para bang wala ng bukas.
" Ah, ah... wait hindi ako makahinga." pagbibirong turan nya rito.
" I'm sorry, i just missed you and pampakalma na rin.. na te-tense ako." paliwanag nito.
" Kaya natin yan!" binigyan nya ito ng halik sa pisngi. Na ikinagulat nito. " Goodluck!" sabi nya ritong nakangiti, saka nag paalam na magbibihis na sya. Samantalang tila nabatubalaning nakahabol ng tingin lang sa kanya si Slater habang na starstruck sa ginawa nya. Nilingon nya ito at tinawanan. " Slater, magbihis ka na!" sigaw nya rito saka lang natauhan at natatawang napapakamot sa ulo.
" Lakas maka high school ng dalawa, oh!" bulaga ni Wendy at Deniesse, nahuli nya ang dalawang sumisilip sa kanila.
" Kayo talaga.." natatawa nalang na sabi nya.
" Uyy.. pag ibig na kaya...' kanta pa ni Wendy.
" Hindi ahh.. we're just friends." aniya. Pero nag uumapaw pa din sa saya ang puso nya ng mga oras na iyon.
" Asus, tong baklang to.. denial?" di naniniwalang wika ni Deniesse.