Pagkatapos ng competition na iyon bumalik na sa normal ang lahat, ang schedule nila sa school. Ang hindi lang bumabalik ay ang tibok ng puso nya. Dahil ngayon mas marami ng oras si Slater sa kanya. Mas lalo itong naging attentive sa kanya pero wala pa naman itong ipinagtatapat sa kanya. Ayaw nyang mag assume o umasa na ginagawa nito iyon kasi gusto sya nito o nililigawan na sya nito. Basta masaya lang sya na kasama ito at yun ang importante.
Nang araw na iyon nagkita kita sila ng barkada. Ang barkadang nabuo ng dahil sa ballroom dance na iyon. Magkakasama nanaman sila nila Slater, Wendy, Carlo, Deniesse, Roy, Echo.... maliban kay Divine at Mikkay na may pupuntahan kaya hindi nakasama. Balak nilang mag malling nang araw na iyon.
" Boys kain muna kayo may pupuntahan lang kaming mga girls." paalam ni Wendy kakatapos lamang nilang manood ng sine nun. Magkahawak kamay sila ni Slater habang naglalakad gayun din sina Carlo at Wendy na magkasintahan.
" Bakit san kayo pupunta?" nagtatakang tanong ni Slater na parang ayaw syang pasamahin.
" Nakuh naman Slater, payagan mo na si Tin di pa man kayo masyado ka ng possesive." turan ni Deniesse.
" Sama na lang kami." wika pa ni Slater.
" Hmm.. mapapagod lang kayo. Antayin nyo na lang kami sa food court, o mag ikot-ikot na muna kayo tatawagan na lamang namin kayo pag tapos na kami." paliwanag ni Wendy. Habang sya tahimik lamang na nagpapatianod sa mga kaibigan.
" Tara na Tin, Slater bitawan mo muna ang kamay ni Tintin mo oh." pang aasar na sabi ni Wendy kay Slater.
" Babe take care, tawagin nyo kami pag tapos na kayo.. mag shopping kayo nuh?." wikang tanong ni Carlo.
" Hmm, babe ang dami mong tanong.. o cge na punta na kayo mga boys, pero wag titingin sa mga chicks ha." paalala ni Wendy kay Carlo.
" Take care." bilin ni Slater saka lamang ito bumitaw sa kamay nya. Nginitian nya na lang ito, at nag paalam na.
Habang sinasabayan sina Wendy sa paglalakad, naisip nya bigla yung sinabi ni Wendy na.. possesive masyado si Slater kahit di pa sila at wala naman sinasabi ang binata na kahit ano tungkol sa kanila. Naputol lamang ang kanyang pag mumuni muni ng tanungin sya ni Wendy.
" Kayo na ba?.." tanong ni Wendy.
" Hindi..." simpleng sagot nya at ngitian lamang ito ng tipid.
" Hindi?..." di makapaniwalang turan nito. " Eh, bat super sweet nyo?." pag uusisa pa nito.
" Ahmm.. ewan, hindi ko alam baka ganun lang talaga sya... sweet, i don't know." naguguluhan din sabi nya, tila naman nakaintindi ito.
" Mahal mo na girl?..." si Wendy pa rin, habang si Deniesse ay tahimik lamang na nakikinig sa kanila.
" Ahh.. hindi ko alam.. siguro. Kaya siguro pumapayag ako sa ganito. Masaya ako, dun ako sigurado." naguguluhan at di alam ang sasabihing paliwanag nya sa kaibigan.
" Pareho lang kayo ng sitwasyon nitong katabi ko oh.." anito na ang tinutukoy ay si Deniesse. Napalingon naman agad ito sa kanila.
" Uy mga baklang to, bat naman ako nadamay dyan." nagmamaang-maangan na sabi ni Deniesse. Na ikinatawa na lamang nila.
" Tara na nga shopping na tayo, tas gawin na natin ang surprise natin para sa kanila... bilhan na rin natin si Echo." ani Wendy at pumunta na sila sa kanilang pupuntahan sa loob ng mall. Mag shopping daw sila para sa mga boys. At nag pla-plano ang mga ito ng out of town during weekends.
Ipinag shopping nga nila ang mga boys. Natuwa sya sa ginawa nila pinamilhan nya si Slater, hindi nya alam ganun pala ang feeling pag binibilhan mo ng isang bagay ang taong special sayo. Ang hiling nya lang sana magustuhan nito.Nang tapos na sila mamili napagpasyahang puntahan na ang kinaroroonan ng mga kasama.
