Simula ng mangyari ang scenario na yun sa Villa sa Tagaytay sa kung saan dinaos ang kaarawan ni Carlo nag focus na si Tin sa training nya at pilit kinalimutan ang pangyayaring ilang gabi rin syang hindi pinatulog. Nang umaga ding yun pagkatapos ng pangyayaring yun sa kanila ni Slater, nagpasundo na lamang sya sa kanilang driver at hindi na inantay magising ang mga kaibigan na sina Divine, Mikkay at Carlo pati na rin sa kasintahan nitong si Wendy na naging kasundo na nya mag mula nung party na yun. Nag iwan na lamang sya ng note na mauuna na siyang lumuwas dahil may training pa sya ng araw na iyon. Ngunit palusot na lamang yun para makaiwas na rin sa lalaki na pilit pumapasok sa balintataw nya kahit pilit nyang kinakalimutan ang gwapo ngunit antipatikong lalaki na yun. Tinapos na nya ang pagbabalik tanaw at nag ayos na sya ng sarili. Patungo sya ng araw na yun sa Makati sports Center kung saan idadaos ang kanyang tournament ng araw na yun. 'This is it! Lord give me your guidance." panalangin nya.
" Dad, Mom lets go!" pababa na sya ng hagdan at tinawag nya ang kanyang mga magulang. Tuwing may tournament sya laging nakas suporta sa kanya ang mga ito. Nataon din na nasa bansa ang kanyang ama para makanood sa laro nyang iyon.
" Iha, may mga bisita ka!" nagulat sya sa turan ng ina.
" Sino, Ma? ma le-late na tayo.." pagbaba nya ng hagdan di nya inaasahan ang bubungad sa kanya. Sina Carlo, Wendy, Slater Divine at Mikkay.
" Tinney!" unang bumati sa kanya si Divine, umakap at humalik sa pisngi nya. Agad naman syang nakabawi sa pagka gulat at niyakap at hinalikan na rin sa pisngi ang kaibigan. " Viney, i missed you!" tugon nya rito. " Hi Mikks, beso nya sa kasintahan ni Vine. " Oh Carlo, Wendy! Hello!!.. " beso nya sa mga ito. At ang huli ay si Slater.. na nginitian at tinanguan nya lang ng bahagya. Behave naman ito so far ng mga panahon iyon.
" Ahm Mom, Dad this are my friends.." pakilala nya sa kanyang mga magulang... maliban kay Divine na kilala na ng mga ito ..pinutol na ng kanyang ama ang kanyang mga sasabihin. " Nakilala nanamin sila iha, kanina pa sila actually... kaso di ka nalang nila pinatawag agad dahil alam nilang mahalaga ang oras mo ngayong araw na ito.
" By the way iha, hindi mo nabanggit na kaibigan mo pala itong si Slater.. ang Dad nya ang humawak ng proyekto ng pagpapagawa ng bahay nating ito." kwento ng ama nya.
" I'm sorry Dad, nawala lang sa isip ko." palusot nya na lang na sabi. " So, Mom, Dad... guys shall we go? time is running i really need to be there as early!" pakiuasap nya sa mga ito at sinilip na ang orasan na suot nya.
" Okay let's go!" anang ng Daddy nya..
" Nakuh pag pasensyahan nyo na iyan, ganyan yan pag pressured sya sa game nya. At ganun sya ka professional at ka passionate pag dating sa oras at sa career nya sa tennis.. kaya kami na rin ang natataranta sa batang iyan." paliwanag ng kanyang Mommy sa mga kaibigan.
" Okay lang po.. naiintindihan namin." sagot ni Wendy, na nakapalagayang loob agad ng Mom nya. Lumulan na agad sya sa kanyang kotse. At ang iba naman ay napag pasyahang maki ride nalang sa Daddy nya at yung sa kabilang kotse naman sina Slater, Divine at Mikkay. Binaba nya ang winshield ng kotse at sinenyasan ang Daddy nya. " Take care Dad!" sabi nya sa mga ito. " Take too princess! i love you! galingan mo..." sigaw ng kanyang Daddy. Napapangiti sya habang pinaharurot na ang kanyang sariling sasakyan.