Chapter 18

1.4K 11 7
                                    

Araw ng Linggo na iyon, simula ng mag sipag asawa ang mga barkada ni Slater na sina Carlo, Wendy, Echo, Deniesse, Roy at Cassey ay nakaugalian na nilang magkaron tuwing linggo ng get together, sa kanila sya na lamang ang binata pa. Lagi na nga lang sya tampulan ng tukso at para bang may inaantay daw sya. May inaatay nga ba sya?... tanong din nya sa isip. Winaglit nya ang naiisip na iyon. Busy sya ngayon sa pag luto ng barbeque sa bakuran ng bahay nina Wendy at Carlo, ninong sya ng panganay na anak ng mga ito, na si Cha-cha ang napaka ganda nyang inaanak na mag dadalawang taon na next month. Sya na lang ang nag presentang mag luto sa labas ng bahay ng mag asawang Wendy at Carlo habang ang iba naman ay may kanya kanyang ginagawa. Minsan naiinggit na sya sa mga kasama na may sariling pamilya, kasi hanggang ngayon di pa nya uli nakikita ang babaeng gusto nya. Sa loob ng dalawang taon ibinuhos nya ang buong atensyon nya sa kompanya ng kanyang ama, nakapasa sya sa board exam just last year at sya na ngayon ang namamahala sa kompanya ng kanya ama. Kahit na busy ang kanyang schedule may oras pa rin sya sa mga kaibigan. Sina Divine at Mikkay naman ay nasa isang trip ngayon kaya hindi nakasama. Si Deniesse na nagdadalang tao ngayon ay kakasal lamang kay Echo na syang nakatuluyan nito. 

" Slater!!!... Slateeerrrr!!.." naputol ang kanyang pag babalik tanaw ng tawagin sya ng mga sigaw ng kasama. 

" Whaaat?..." ganting sigaw nya sa mga ito na nasa loob ng bahay habang sya naman ay patuloy sa pagpa-paypay ng nilulutong chicken barbeque sa labas.

" Slateerr comeee!!!.. bilisan mo...!!! " habang tumitili si Wendy at Deniesse.

" Masusunog niluluto ko...!!!" pasigaw nyang sabi sa mga ito.

" Iwanan mo muna yan..dali mas importante to..!!!" sigaw pa ng mga ito.

" Cge teka ano ba yan.." curious nyang sabi sa mga ito. Naabutan nya ang mga ito na seryosong nanonood sa television. " Ano ba yang pinagkakaguluhan nyo?.." tanong nya sa mga ito.

" Si Tin... live interview nya with Diane Zubriga." si Wendy habang tinutukoy ang tanyag na sports news anchor ng bansa.

" Asan wala naman.. ay nakuh maiwan ko na kayo. Kwentuhan nyo na lang ako masusunog yung barbeque." aniya sa mga ito, nagkunwari syang di interesado. 

" Ano ka ba Slater, hayaan mo muna yun. Minsan lang to, from what I had heard Tin never entertain reporters.. first ever interview nya to." si Deniesse.

" Hindi ako interesado..." aniya. Aalis na sana sya ng magsimula na ang interview, ayaw nya sanang tingnan maski ang mukha nito sa screen ng television ngunit may tila humihila sa kanya na makinood sa mga ito.

" Ohh di daw interesado!! wwooohh... ayyiie!!.." pang aalaska ng mga ito. "Hon, si Tin ang ganda!!!.." sabi ni Wendy sa asawa nito.

" Oh my... Tin is super Hot!!.." ana man ni Carlo.

" Lol, pare...!!" wika naman ni Echo kay Carlo. Tahimik lang sya na nakikinood sa mga ito. 

" Sshhh... wag kayo maingay di natin maririnig." ani Wendy. Saka naman nag umpisa ang interview.

" We're glad na pinagbigyan mo kami, na mainterview ka Ms. Tin..." anang anchor.

" Thank You, my pleasure.." ana man ni Tin at ngumiti. Napaka ganda nito, wala naman ito gaanong pinagbago maliban sa medyo tan ang kulay nito na mas lalong ikinaganda nito, ganun pa rin ito simple, pretty even without make up.. Mas na enhance ang body built nito sa paglipas ng 2 taon. Inumpisahan na ng interviewer ang mga tanong, regarding sa sports.. kung pano nagsimula at naging tanyag na manlalaro ng bansa na sinagot naman ng dalaga. 

" Okay we're going down to your personal life Ms. Tin, if you don't mind?..." tanong ng anchor matapos itanong ang bagay tungkol sa laro nito.

" No, i don"t mind.. go on please." wika naman ni Tin.

YOU GOT METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon