Natapos na ang sayawan, may inihandang laro ang mga birthday celebrant na si Carlo. Dare sa bawat bisitang naroon. Lahat nag kakatuwaan na habang sya ay pangiti ngiti na nanonood lamang. Unang sumabak sa dare ay si Divine pinag suot nila ng damit pang babae at heels. Si Wendy na pinalagyan ng bigote sa mukha hanggang sa matapos ang laro. Si Seichii na pinagsuot ng brief sa ulo. Halos lahat nagawa ang dare nila, mapa babae o lalaki man. Siya na lang ata ang di pa nabubunot ang pangalan, na ikinapapasalamat nya. Tatawa tawa lang sya ng biglang tawagin ni Carlo ang pangalan nya.
" And last dare goes to..... Tin!!"... kantiyaw ni Carlo habang hawak ang kapirasong papel na kung saan nakasulat ang kanyang pangalan. Sigawan ang mga naroroon lalo na ang mga lalaki.
" Oh my gulay!!" ... saad nya habang papalapit sa kinaroroonan ni Carlo at ng box na pagpipilian ng kanyang gagawing dare.
" Bumunot ka na, bawal ang killjoy dito!!" kantiyaw pa ni Carlo. At ini abot ang box sa kanya. Bumunot na sya. "My gulay.. i hope i could do this." napapapikit habang kinukuha nya ang kapirasong papel na nagsasaad ng dare na gagawin nya.
"Okay this is...it!" nakangiti ngunit kinakabahang sabi nya. Binasa na nya ang nakasulat sa laking gulat nya. "Oh my gulay!!" napapahilamos na at napapakagat labing turan nya.
" Do i really have to do this?".. aniya kay Carlo.
" Why ano ba yan?" tanong ni Carlo at inagaw ang papel sa kanya.
" Woooohhh!!! Well... oh man i could say your the luckiest guy tonight!!" sigaw ni Carlo na nakatingin sa gawi ni Slater. Samantalang si Slater ay nagtatakang nakatingin lang kay Carlo.
" Woohhhh... sabihin na yan.. excited na kami!!".. sigaw ng karamihan.
" Okay Tin! are you ready?.... the dare would be a body shot for Slater at ang gagawa noon ay of course walang iba kundi si Tin!! wooohh!!!" ... sigaw ni Carlo. At nag sigawan na rin ang iba.
Samantalang sya ay di nya alam ang gagawin ng mga oras na yun, lalo na at papalapit na ang game na game na si Slater. Habang papalapit si Slater pinagmasdan nya ito, ngunit binaba nya rin ang tingin ng mataman syang tinitingnan nito. " Fudge anong gagawin ko?"... nagpapanic na sabi nya sa sarili.
" Go, let's do the dare! sinadya mo to..!" nang aarok na sabi ni Slater sa kanya.
" Ang kapal huh!" umiikot ang eyeballs na hindi na nya napigilang sabi. " This is just a dare, okay!!" turan nya pa rito.
" I'm all yours for the taking.." lumapit ito sa kanya na tila nang aakit habang binubulong malapit sa tenga nya ang mga katagang yun.
" Are you guys ready?" ... pambabasag ni Carlo sa tensiyon na namamagitan sa dalawa.
" Pare, sya lang ang iniintay ko." wika ni Slater na umakbay pa talaga sa kanya. Bigla syang naging stiff na tila may kuryenteng tumulay sa buong katawan nya na ikinapitlag nya. Iwinasiwas nya ang braso nito na nakaakbay sa kanya. It makes her uncomfortable habang nakadaiti ang balat nito sa balat nya. Kaya bahagya syang lumayo upang umpisahan na ang dare para matapos na ang pinaka embarassing na moment sa tanang buhay nya.
" What will i do, Carlo? para matapos na to." gamit nya ang tonong usually gina gamit nya tuwing ganitong di sya kumportable. Madalas syang bansagan na "queen of ice" ng mga kaibigan nya sa tuwing may magtatangkang manligaw sa kanya at di nya gusto. At sa ganitong kinalalagyan nyang sitwasyon kelangan nyang hawakan ang defenses nya.
" woaahh! what was that why the sudden change of mode Ms. Ramirez?" nakahalatang sabi ni Carlo.
" let's start!" simpleng tugon nya na bahagya lang ngumiti. " ano ba ang gagawin ko, pano ba ang mechanics?" tanong nya dito.
