Isang linggo na simula ng magbalik si Tin, at sa loob ng isang linggo ay wala syang inatupag kundi ang kabi kabilang interviews ng mga sports channel sa bansa guestings at kung ano ano pa. Wala naman syang balak pumasok sa showbusiness kaya naman tinanggihan na nya ang iba pang imbitasyon ng ibang TV stations para mag guest sa programa ng mga ito. Aasikasuhin na muna nya ang paglilipat at pagpa plano ng itatayo nyang negosyo.
Nasa grocery store si Tin ng mga oras na iyon, kasama nya ang Yaya at si Chelsea. Hindi nya kasi pwedeng basta basta bitbitin ang anak ng wala syang kasamang Yaya may pagkamalikot na ito at kailangan talaga ng Yaya para humabol habol rito. Abala sya sa pamimili nang kakailanganin nila ng lumapit ang humahangos na Yaya ni Chelsea.
" Ate Tin... si Chelsea po.." anito na halos di makapag salita dahil sa naghahabol ito ng hininga.
" Anong nangyari kay Chelsea?.." aniya na bigla agad ang pag bangon ng kaba sa dibdib. Tiningnan nya ito hindi nga nito kasama ang bata.
" Ma'am kasi... nasa mga prutasan po kami eh.. ng biglang humiwalay sakin." nauutal na anito.
" Anooo? My God Yaya... bat hindi mo sinundan ng tingin... Oh my God!!!.. Chelsea... Chelsea.. baby!!" aniya natataranta.. hindi nya alam kung saan pupunta.. inisa isa nya ang bawat section at hinanap ang anak. Ngunit wala syang nakita anino ni Chelsea. " My God Baby where are you?... Chelsea.." muling pag tawag nya pinagtitinginan na sya ng mga ibang mamimili na naroon. Lumapit na ang isang guard sa kanya.
" Ma'am may problema po ba?.." tanong agad ng guard.
" Yung baby ko.. nawawala." aniyang gusto ng umiyak sa kaba. Tinanong nito kung ilang taon gulang na ba ang kanyang anak pati kung anong suot ng bata at sinabi nya rito ang impormasyon na hiningi nito.
" Okay Ma'am.. huwag ho kayong mag alala. Hindi naman po makakalabas ang bata dito. Ipapa anunsiyo ko narin ho sa customer service para makatulong." magalang na anito sa kanya. Ngunit hindi sya pwedeng mag antay na lamang doon at tumayo ng walang ginagawa... binilinan nya ang Yaya na huwag umalis sa counter ng customer service para kung sakali na mahanap ang anak ay may mag claim rito. Pumunta sya sa Fruit section kung saan ayon sa Yaya nito ay huling nakita ang bata.
" Chelsea... baby, where are you?.." sapo sapo ang dibdib habang binubusisi ang lugar. halos inabot sya ng isag oras kaka- ikot ngunit hindi nya makita si Chelsea. Narinig na rin nyang nag anunsyo ang CS na kung may nakakita sa bata ayun sa information na binigay ng mga ito... Halos pabalik balik na sya bawat section ng grocery store na iyon.. ngunit hindi nya talaga makita ang anak. Gusto na nyang umiyak. Huminto sya at itinakip ang mga palad sa muka... " God.. help me find my daughter please..." munting dasal na aniya...
Sa kabilang banda si Slater naman ay nasa loob ng grocery store at kasama nya ang asawa ng kapatid nyang si Jessie na si Dara na dati nyang katipan... ito kasi at si Jessie ang nagkatuluyan. Nagdadalang tao na ito at may importanteng gagawin ang asawa nito kaya sya ang napagdiskitahang isama ng babae. Sabagayat wala naman syang importanteng lakad ng araw na iyon kaya, pumayag na rin sya.
" Slater.. doon lang ako sa banda roon ha." paalam ni Dara sa kanya. Tumango lamang sya bilang tugon rito, iniwan sya nito kasama ang cart na puno ng pinamili nito. Nasa pwesto sya ng mga prutas noon.. Habang hinihintay nya ito ay tumingin tingin na rin sya, tinulak nya ang cart patungo sa basket ng prutas. Nasa portion sya ng mga apple, banana ng may makita syang napaka cute na batang babae na akala mo ay manika sa ganda. Mukhang wala itong kasama kaya nilapitan nya ito. Abala ang bata sa pag kagat sa bawat apple na mahawakan nito.. halos apat na apple na ang kinagatan nito.
" Hello angel..!" bati nya sa bata... lumingon lamang ito sa kanya at pinagpatuloy ang pag ngata nito ng apple.
" Angel... where's your Mom, does she know your eating apple without washing it first?" aniyang tanong rito, ngunit hindi pa rin sya nito pinansin. Dumampot sya ng isang apple at pinunasan iyon gamit ang panyo nya na kinuha sa bulsa nya at inabot dito. Saka lamang sya nito pinansin.
