Chapter 11

1K 7 0
                                    

Ito ang unang araw ng practice nila. At tila na e-excite si Tin sa magaganap sa kanila ni Slater. "Na e-excite? san nanggaling yun?" tanong nya sa sarili. Saka naman dumating ang instructors nila at sinimulan na ang kanilang sayaw. Matapos ituro sa dancer ng cha-cha ang mga steps nila, sa kanila naman ni Slater napunta ang focus ng dalawang DI.

" Okay umpisahan natin sa tamang posisyon, tindig at eye to eye contacts ninyo. Gusto ko yung may connection. Ano pa at magaganda at guwapo kayo kung wala naman connection." ani Lyn ang babaeng DI.

At pumwesto na nga sila, huminga muna siya ng malalim bago hinawakan ang kamay ni Slater na nakalahad sa kanya, at ipinatong ang isang kamay sa balikat nito. Habang ito naman ay pwenesto na sa kung saan dapat naka pwesto ang kamay, isa sa bewang at ang isa naman sa kamay nya.

" So ganyan ang magiging pwesto nyo.. so yung paa naman." at itinuro na nito ang magiging steps ng sayaw nila. " Okay yan na muna ang sanayin nyo.. pag nasanay na kayo sa ganyang movements, susunod ko na ituturo ang mas mahirap na part ng samba." dadag pa na sabi nito.

Kanina habang nakatutok pa sa kanila ang instructor mas palagay ang loob nya, ngayon na sila nalang ang naiwan at kinailangan namang ituro nang mga ito ang sayaw nila Carlo at Wendy, nawalan na sya ng focus dahil sa bilis ng tibok ng puso nya habang nalalanghap ang mabangong hininga ng lalaking kaharap nya sa mga oras na yun.

" Relax, okay." masuyong sabi nito sa kanya na ikinagulat nya. Asan na ang lalaking antipatiko at mayabang na wala ng ginawa kundi buwisitin sya. Tiningnan nya ito ng mataman, pero nagbaba din sya ng tingin ng masalubong ang mga titig nito na parang ikakatunaw nya ng mga oras na iyon. Habang nag pra-practice sila unti unting natutunaw ang parang yelong nakapagitan sa kanila. Tumatawa na silang dalawa dahil maya't maya natatapakan nila ang paa ng isa't isa.

" Aray, ayan nanaman oh!" nasaktang sabi ni Tin kay Slater dahil for the nth times natapakan nanaman nito ang paa nya.

" Awww sorry, di ko talaga sinasadya.. damn!" naiinis na sa sariling sabi nito. " 

" No, its okay.. its just that masakit na talaga ang paa ko, tapos tinatapakan mo pa ko." malumanay nyang sabi. Di naman nya makuhang magalit sa lalaki dahil di naman talaga sinasadya nito. At alam nyang pareho talaga silang kaliwa ang paa.

Naiinis na sa sarili si Slater dahil kanina nya pa natatapakan ang paa ng dalaga. Kanina pa sila nag pra-practice at di pa nila na pe-perfect ang simpleng steps na yun. Nahihiya na rin sya dito at nakikita nyang namumula na ang paa na natatapakan nya.

" I'll promise to treat you a foot spa, after this." nasabi na lang nya sa awa sa mga paa nito.

" Hahaha, wala yun.. okay lang naiintindihan ko naman." tumatawang sabi nito. Nagulat sya sa naging reaction nito, ngayon lamang sya kinausap ng dalaga ng ganun. Tumatawa sa kanya, lumalabas ang magaganda nitong ipin sa tuwing tumatawa ito ng ganun. " Gusto kong nakikita palagi ang mga ngiti at tawa mo." banggit nya sa isip.

" Hindi ako nag bibiro, i'll take you to a spa parlor after this damn practice." saad nya pa rito na seryoso ang mukha.

" Seryoso ka ba talaga sa sinasabi mo?... i said its okay! ibabad ko lang to mamaya pag uwi ko sa warm water okay na." nakangiting turan nito sa kanya sa malamyos nitong boses.

" Are you sure, your feet is okay?" pangungulit nya pa rito. Tumango ito bilang tugon at nginitian uli sya.

" Ahm Slater, could we sit down first bago tayo magpatuloy sa practice natin at nauuhaw na rin ako. Break muna, okay?" tanong sa kanya ng dalaga in a sweet voice.

" Oh yeah sure, ako din nauuhaw na ko." at giniya nya na ito papunta sa maliit na mesa na sa baba ng stage na kung saan naroon ang kanilang mga gamit. Sabay silang nakarating sa mesa at nag iisa na lang na mineral water ang nandun. Nagpaubaya na lamang sya sa dalaga. Uminon na ito. Ibinaling nya ang paningin nya sa mga nagsasayaw sa stage.

YOU GOT METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon