Chapter 18

140 1 0
                                    

"Ang ganda..." Namamangha kong saad sa aking sarili nang nakaharap sa salamin. From blonde hair to brown hair. 'Tsaka may bangs na rin ako na bumagay sa hugis ng aking mukha. Yung kilay ko, okay na iyan 'di na kailangan bunutan o i-shave kasi naka-arko na ito. Yung pananamit ko naman ay naging simple na rin. Hindi katulad noon na magarbo at elegante.
"Matagal ka ng maganda, Mina pero lalo kang gumanda. Tingnan mo naman, bagay pala sayo itong simpleng uso na damit. Mapapanganga talaga si Heinz nito at 'di ka niya patutulugin mamaya. If you know what I mean..." nanunuksong saad ni Rose habang tumatawa. Napayuko na lang ako para maitago ang pamumula sa aking mukha dahil para akong nag-blush-on nito kahit wala naman akong make-up sa mukha.
"Ganda mo, ate!" namamanghang bulalas ni Clovie habang nakatunghay sa akin.
Napatawa na lang ako sa tinuran niya, "Thanks."
"Nakakatibo ka po kaso mahal ko si Prince Louie kaya 'di ako pwede maging tibo." Napatawa na lang kami sa sinabi niya. Patay na patay nga 'tong si Clovie kay Louie. Nakangiting napagbuntong-hininga na lang ako. This is it. Pasimula na ng pasimula ang buhay ko bilang Mina, isang simpleng babae not the Mina that they know as a princess. "Are you ready?" huminga muna ako ng hangin bago tumango. "Then, let's go." Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at sumunod kay Tita Rose palabas ng room. "Heinz?" Tawag ni Tita Rose sa pansin ni Heinz. Hindi kasi ako nakikita ni Heinz dito kasi natatakpan ako ng likod nina Tita Rose at Clovie.
"Po? Where's Mi-"
"'Wag masyadong atat, okay? May ipapakilala muna ako sayo." Napakunot-noo akong napatingin kay Tita.
"Po?" mahina kong tanong sa kanya pero kindat lang ang sinagot niya sa akin.
"Heinz meet Ina."
"Ina?" Gulat kong tanong sa kaniya.
"Just go with the flow." Mahina niyang bulong sa aki.
"Ow...hi." Saad ni Heinz habang nakatingin sa akin na parang hindi interesado, "Tita, nasaan na po si Mina?" Nagulat ako sa sunod na tanong ni Heinz. 'Di niya ba ako nakikilala?
"Mmm... She's pretty ba?" Mapanuksong tanong ni Tita kay Heinz.
"Tita, nasaan na ang asawa ko?" Say what? Asawa?
"Asawa?" bakas sa tono ni Tita ang pagkagulat.
"Opo."
"Sino?"
Naiinis na napagbuntong-hininga na lang si Heinz, "Si Almina, si Mina po." He said while rolling his eyes.
"Asawa ka pala niya akala ko kasintahan. Hindi niyo naman ako inimbitahan sa kasal niyo." Bulong ni tita sa akin.
"Po?" iyan lang ang naisagot ko. Kahit ako'y nagulat din.
"Heinz, tinatanong ko kung maganda ba siya?"
"Oo na pero mas maganda ang asawa ko kaya Tita, nasaan na siya?" napahagikhik na lang ako sa sinabi niya 'Di talaga niya ako nakikilala? Seryoso?
"Siya ang asawa mo! 'Di mo nakilala? Mina, lapitan mo na ang asawa mo." Natatawang saad ni Tita sa akin.
Nilapitan ko na lang ang nakatulalang Heinz at niyakap, "Bagay ba?" napangiti ako habang nakatingala sa kanya.
"A... ma...I..."
"Heinz!" I snapped at him dahil nakatulala na lang siya habang nakatingin sa akin.
"A... yes. Yes. Ang ganda mo. S-sobrang ganda." Nahihiyang napangiti siya sa sinabi niya.
I reached his lips and kissed him, "Thank you." And I smiled.
"You're always welcome, my love." Niyakap ko siya ng mahigpit at inamoy ang gamit niyang pabango. Ang bango niya.
"Lovebirds, tapos na ba ang lambingan niyo?" parehas kaming napatawa at bumitaw ni Heinz.
"Thank you, Tita." Pasasalamat ni Heinz habang nakahawak ang kamay niya sa beywang ko.
"No problem. Umuwi na kayo dahil gumagabi na."
"Opo." Lumapit ako kay Tita at bineso-beso siya, "Where's Clovie?"
"Nandun sa baba. Nanonood ng Fashion Show ni Prince Louie."
"A... Okay po, dadaanan na lang po namin siya."
"Sige, hija."
"Thank you po, Tita." Ngumiti lang siya sa akin.
Lumabas na kami sa office at bumaba. Ramdam ko ang mga matang nakamasid sa amin. Lalo na't magkahawak-kamay kami ni Heinz."Clovie?" Tawag ko kay Clovie na seryosong nanonood sa TV habang rumarampa si Louie at yakap niya ang magazine na si Louie ang naka-feature.
"Po?" Lingon niya sa amin pagkatapos ay ibinalik kaagad ang tingin sa TV,
"Uuwi na kami." I said and kissed her cheek.
"Okay po. Ingat po kayo ate at kuya." Nakangiting sagot niya at nanonood ulit. Natatawa na lang ako't napailing sa kaniya. She really loves Louie.
"Let's go, sweetie?"
"Sure." Sagot ko sa kaniya at lumabas na kami sa Boutique. Rinig ko ang mga bulung-bulungan nila habang dumadaan kami sa daan na pauwi sa amin.
"Sino iyan? Prinsesa ba iyan?"
"Hindi siguro. Prinsesa na pupunta rito? Isang himala yata iyan."
"Malay mo naman."
"Hindi yan."
"Malay mo nga lang. Epal nito."
Napailing na lang ako sa pag-uusap nila. Napayakap ako sa sarili ko nang umihip ang malakas na hangin. Parang uulan. Wala pa naman akong dala na kapa. "Hey, use my coat." Saad ni Heinz at isinuot sa akin ang coat niya 'tsaka ako niyakap.
"Thanks. By the way, bakit may dala kang kapa?"
"Napanood ko kasi sa news kanina na uulan kaya nagdala na ako."
"A... okay. 'Di ko napansin iyon, a'?"
"Kasi busy ka sa kakaisip sa hinaharap natin." Saad niya habang tumatawa at inakbayan ako, "Uwi na tayo." Nagsimula na kaming tahakin ang daan pauwi sa bahay ni Heinz. "Gutom ka na ba?" maya-maya'y tanong ni Heinz sa akin habang tinatahak namin ang daan.
"A little."
"May pinapabigay pala sayo si Tita." Huminto muna kami sa paglalakad at inabot niya sa akin ang isang kahon.
"What's this?"
Nagkibit-balikat lang siya, "I don't know. Sabi ni Tita ikaw na ang bahalang alamin yan."
"Okay." Sagot ko at nagsimula ulit kaming maglakad pauwi.

Not So Ordinary FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon