"Good day po, Tita Roxy." Bati ni Heinz sa may ka-edarang babae dahil nandito na kami sa lugar kung saan kami magpapa-check-up.
"Good day to you too, Heinz and Mina." Bati niya sa amin habang napakunot ang noo ko, "If you're asking kung bakit kita nakilala. Well, as simple as lagi kang kinukuwento sa akin ni Heinz. Your husband really wants an heir kaya a week pagkatapos kayong ikasal ay tambay na iyan dito."
Napatawa na lang kami habang napasimangot naman si Heinz at nakanguso."Bakit po siya naging tambay dito?" Kunot-noo kong tanong sa kaniya.
"Pinagaaralan nya kasi ang cycle ng pagbubuntis at facts tungkol sa mga sanggol o bata.” Nakangiting napailing na lang ako sa kinuwento niya.
"pinag-uusapan niyo ako at rinig na rinig ko pa.” nakasimangot na reklamo ni Heinz sa amin.
"Hindi, a. We're just stating the fact." Napatawa kami sa tinuran ni Heinz na nagkibit-balikat at nanahimik na lang sa gilid.
"Okay, let's start. Mina, higa ka rito." Mahinahong utos niya sa akin at tumalima naman ako at humiga kung saan may machine at monitor sa gilid. She put the jell on my tummy at kinuha yung parang bagay na nilalandas sa tyan ko. Nakikiliti ako kaya di ko mapigilang mapatawa.
"Hey, there it is."
Tita Roxy said while looking at the monitor, "Look."
Muntik na akong mapaiyak ng makita ko ang maliit na buhay sa sinapupunan ko, "Congrats, guys. You’re eight weeks pregnant, Mina and Heinz, magiging daddy ka na." Napangiti na lang ako dahil sa sobrang saya.
Di ko alam kung ano ang gagawin ko sa sobrang saya. Pero si Heinz... "Woah! Magiging daddy na ako!" masayang hiyaw niya habang tumatalon. Napatawa na lang kami ni Tita Roxy.
"Thank you po, tita.” aniya.
"You are always welcome. Sige na, umalis na kayo baka gabihin kayo sa pag-uwi." ani Tita Roxy. Pagkasabi na niyon ay umalis na kami.
"Sa shop tayo ni Tita Claire." suhestiyon niya. See? Kilala niya ang lahat ng tao rito sa bayan.
"Sige." maikli kong sagot.
"Gutom ka na ba?"
Iling lamang ang aking sinagot.
"Hindi pwede. Kailangan na nating kumain. Its pass 12 na."
"Hindi pa naman ako gutom." pagpupumilit ko.
“Love, remember dalawa na kayo."
Napayuko na lang ako sa sinabi niya. Hindi ko man lang iyon naisip.
"I’m sorry. Kain na tayo." pagsuko ko.
"It's okay, love." aniya.
Naglakad na kami papunta sa isang restaurant.
"Pagod na ako, hon." pagrereklamo ko.
"Sige. Uuwi na tayo mayamaya. Magpahinga ka muna rito."
Tumango ako habang umuupo sa bench kung saan una kaming nagkakilala.
Napangiti ako sa alaalang iyon. "Anong ningiti-ngiti ng asawa ko?" kantiyaw niya.
"Naalala ko lang noong una tayong nagkakilala."
"That? Noong nag-ninja moves ka para makatakas?" panunukso niya.
Tinawanan ko na lang siya. "Yes." Inakbayan niya ako at hinilig ko ang aking ulo sa balikat niya.
"We're going to be a parents." komento niya, "Are you ready, love?" nakangisi niyang tanong.
napangiti na rin ako. “Simula no’ng dalawang buwan na nakalipas ay handa na ako.”
BINABASA MO ANG
Not So Ordinary Fairytale
FantasySTARTED: June 22, 2014 FINISHED: June 7, 2017 Sa sobrang tamad kong mag-upload kahit matagal na itong tapos, ayan, umabot ng 3 years. Hahaha! Si Almina a.k.a Princess Mina ay princess ng 'Very Far Away Land' na lumayas dahil gusto nyang maranasan a...