4 years later
"Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday, happy birthday, Prince Einz!" sabay sabay kaming kumanta.
Ikaapat na taong kaarawan ng ni Einz at limang taon na rin simula nang umalis ako sa palasyo. At ibig sabihin lang niyon ay tapos na ang oras na pamamalagi ko rito. Pero ipaglalaban ko ang aking pamilya.
"Maraming salamat po!" ani Einz habang karga-karga ito ni Heinz. Napangiti na lang akong nakatingin sa kanila.
I really adore and love my family. Lumapit ako sa kanila at hinagkan ang matambok na pisnge ni Einz at sa mga labi naman ni Heinz. Naramdaman ko kaagad na pumulupot ang braso ni Heinz sa akin.
"I love you, Mina."
"I love you too, Heinz. Forever."
Napangiti na lang siya. Alam niya. Alam niya na wala na akong oras sa piling niya. Napaka-impulsive ng pagdedesisyon ko pero hindi ko na ito mababago pa at hindi ako nagsisisi. Sa limang taong nakasama ko si Heinz ay pinakita niya ang pagmamahal na hindi ko nararanasan.
"Mommy, daddy?" pukaw ni Einz.
"Yes, baby?"
"Gutom na po ako. Kain na tayo, mommy.” natatawang napailing na lang kami ni Heinz.
"Okay, kakain na tayo." ani Heinz.
"Mina! Heinz!" bakas ang kaba sa boses ng sumisigaw.
"Ano iyon, Jelo?" mabilis na tanong ni Heinz. Alam kong kinakabahan na siya pero hindi niya lang pinapakita.
"M-may mga k-kawal!"
Nanigas ako sa kinatatayuan ko. "Heinz?"
"Stay here with Einz." matigas na utos niya at inabot sa akin si Einz.
"Sasama ako, Heinz." matigas kong sabi at hinawakan ang kaniyang kamay. Aangal pa sana siya pero nakita niya ang determinado kong mukha kaya tumango na lang siya. "Mommy, what's happening?"
"I don’t know, baby.” sagot ko. Lumabas na kami sa bahay kasama ng mga kaibigan na pumunta sa kaarawan ni Einz.
Kasama ng mga kawal ay sakay sa karwahe ang aking magulang at si Louie.
"What are you doing here, mom and dad?" tanong ko.
"Dapat ako ang magtanong niyan sa'yo, princess." balik-tanong ni dad sa akin.
"Who's that child and that man, Almina?” curious na tanong ni mommy.
"My husband and my son." malakas na loob kong sagot.
"Ano?" sabay sabay na tanong nilang tatlo.
Pumalibot kaagad sa akin ang braso ni Heinz.
"Hey! No touching on my fiancee!" angal ni Louie.
"I'm not your fiancee and I'll never be your fiancee!" asik ko.
"Almina, stop! Iwan mo ang lalaking iyan at sumama ka sa amin. Ngayon din!"
"Ano? Ilalayo mo ako sa mag-ama ko? Mom, naging nanay ka rin! Magagawa mo ba ito? Dad, ano naman ang mararamdaman mo kung aalis kami ni mommy?" di-makapaniwalang tanong ko.
"Relax, hon." ani Heinz.
"Mommy, ibaba niyo po ako please." paki-usap ni Einz at ibinaba ko kaagad siya.
Nagulat na lang ako nang tumakbo siya palapit sa aking mga magulang at lumuhod.
"Einz!" gulat kong tawag.
BINABASA MO ANG
Not So Ordinary Fairytale
FantasiSTARTED: June 22, 2014 FINISHED: June 7, 2017 Sa sobrang tamad kong mag-upload kahit matagal na itong tapos, ayan, umabot ng 3 years. Hahaha! Si Almina a.k.a Princess Mina ay princess ng 'Very Far Away Land' na lumayas dahil gusto nyang maranasan a...