"Nandito na tayo." aniya. Hinila niya ang kamay ko at pumasok na kami. "Rose?" Nilibot ko ang tingin sa paligid at nakitang nasa boutique kami. Maraming mga costumer kaya siguro hindi na kami napansin.
"Hey, Heinz. Hinahanap mo si Mudra?" Tanong nang isang babae na may kulay pula na buhok. Nakaramdam ako ng selos kaya lumapit ako kay Heinz at niyakap siya. Iniyakap naman niya paikot ang kaniyang braso sa akin.
"Oh my Gos----"
"Clovie!" tigil ni Heinz sa kanya.
So, her name is Clovie.
"Siya 'yung pri-prinse---"
"Hep! Hinaan mo ang boses mo."
"'Yung prinsesa di ba?" mahina niyang tanong habang nakaturo sa akin. Itinago ko na lang ang mukha ko sa dibdib ni Heinz.
"Halata ba?" Alanganing tanong ni Heinz.
"Yup! Super, Heinz. Look at her hair..." Sabi niya at tiningnan ang buhok ko. "Pang-nobles talaga tsaka yung damit, grabe! Pang-mayaman! Tsaka look at her skin, bagay talaga sa palasyo. Nakakatakot hawakan baka magkasakit kapag hinawakan ka ng mahihirap." sabi ni Clovie kaya napatingin ako sa kaniya.
Heinz sighed and kissed my hair. "Kaya nga kailangan ko kayo e."
"Hep! At bakit po? Wait a minute... may relasyon ba kayong dalawa?"
"Clov, hinaan mo boses mo. Maraming tao."
"Ay! Sorry, sorry. Again, may relasyon ba kayo?" Naniningkit na mata niyang tanong habang tinititigan kami. I just looked at Heinz. Naghihintay siya sa sagot ko kaya tumango na lang ako.
"Oo. May relasyon kami."
"Ayy, sos! Pinapa-inggit niyo pa talaga ako a! Porket 'di kami nagkaganyan ng Prince Louie ko."
"Si Louie?" Gulat kong tanong at bumitiw sa pagkakayakap kay Heinz. Nakayakap na lang sa likod ko si Heinz.
"Opo, mahal na prinsesa." nakangiti niyang sagot.
"Cut the formality, just call me Mina." I smile and reached my hand for a shake hands. Gulat siyang napatingin sa kamay kong nakalahad. "Hey?" Gising ko sa kaniya.
"Sure ka po?"
"Sure of what?"
"Na makipag-shake hands sa akin? 'Di pa po ako nakapag-hand sanitizer e. Wait lang po." Bago pa siya makaalis ay ako na mismo ang humawak sa kamay niya't nakipagkamay. "Nice to meet you, Clovie." ngumiti ako't niyakap siya. Gusto ko na rin kasing magkaroon ng tunay na kaibigan. May naging kaibigan naman ako doon sa palasyo. Pero lahat sila'y nagbabalat-kayo lamang at medyo naiinis na ako sa kanila. At alam kong iba si Clovie sa kanila. Bumitaw na ako sa pagkakayakap kay Clovie at naramdaman kong niyakap ulit ako ni Heinz. "So, ano? Crush mo si Louie?" tanong ko ulit at sumandal sa katawan ni Heinz. Nakatulala lang sa akin si Clovie. "Hey?"
"H-huh? Po?"
"I said, crush mo ba si Louie?" Natatawa kong tanong.
"Actually, sweetie, mali ang tanong mo." Heinz said. Kaya nakakunot-noo akong napatingin sa kanya.
"Eh, ano?"
"Change the word Crush to Mahal." sabi ni Heinz kaya nanlaking mata akong napatingin kay Clovie na namumula na.
"A-ahh. Do you love Louie?" tanong ko.
Namumula siyang tumango at sumagot. "O-opo." Napanganga ako sa sagot niya at mabuti na lang isinara ni Heinz ang bibig ko.
"Kailan pa?"
"Noong bata pa po kami."
"Bata?"
"Opo. May isang araw po kasing pumunta sila rito kasama ang mga magulang niya at tumulong sa mga naulila at isa na po ako roon."
"Tapos, nahulog ka na sa kanya?"
"Hindi pa. Nang inaaway po ako ng bata sa ampunan kasi mala-bruha ang mukha ko noon. Ang panget ko sobra kasi noon e tapos ayun, pinagtanggol niya ako sa mga batang umaaway sa akin tapos sabi niya sa akin na siya ang Knight and Shining Armor ko." Kwento niya. Mahal nga niya si Louie dahil nakikita ko ang mga kinang sa mga mata niya habang kinikwento niya ito.
"Nice love story."
"Kaso wala pang ending e."
"Don't worry. Magkaka-ending ka rin."
We both smiled, "Okay, girls. Pwede na ba akong sumingit?" Mapangtuksong sabi ni Heinz kaya tumango na kami. "Clov, nasaan si Rose?"
"Ah, si mommy? Nandoon sa opisina niya."
"Mommy? Akala ko ay ulila ka?" nagtataka kong tanong.
"Inampon ako ni mommy Rose at inalis niya ako sa ampunan kaya heto, ako 'yung nagsisilbing anak ni mommy."
Tumango na lang ako at ngumiti. Nasaan kaya ang mga magulang niya?
"Thanks. Samahan mo kami."
"Okay."
Umakyat na kami sa hagdan papuntang office ni Rose.
"Mommy?" Tawag ni Clovie habang kumakatok sa pinto.
"Yes, 'nak?"
"Nandito po si Kuya Heinz." sagot niya, "Kuya talaga ang tawag ko kay Kuya Heinz." Napangiti na lang ako sa sinabi niya.
"Sige, papasukin mo siya."
"Actually, mommy, hindi siya nag-iisa."
"Ano?"
"Huwag kang magulat, mommy a?" sabi ni Clovie habang binubuksan nang maliit ang pintuan.
"Kung nakakatakot man 'yan or prank, naku, Clovie itigil mo 'yan. Kukutusan kita." Napatawa na lang kami.
"Tadaaaaaa!" tili ni Clovie habang binubuksan nang malaki ang pinto. "Look, mommy! Nandito 'yung prinsesa!" Isinarado muna niya ang pinto bago kami umupo sa couch. Nakaupo lang 'yung babae na nagngangalang 'Rose' sa swivel chair habang may hawak na Fashion Magazine.
"Alam ko." sagot niya at ngumiti sa amin, "Welcome, Princess." tumayo siya at umikot sa table. Humarap siya sa akin at yumuko.
"A-ahh. Naku po, you don't need to do that. Tawagin niyo na lang po akong Mina."
"Sige. Nice to meet you." sagot niya at inilahad ang kaniyang kamay. Tinanggap ko naman ito at ngumiti sa kaniya.
"So, what brought you here?" Umupo na ako sa tabi ni Heinz at naramdaman ko ang braso niyang nakayakap agad sa akin.
"Kai---"
"Wait, ako na lang ang sasagot sa katanungan ko Heinz." putol niya sa sasabihin ni Heinz. Napahagikhik na lang ako nang makita ko ang mukha ni Heinz. "Gusto mong ibahin ang pananamit ni Mina para hindi siya makilala ng iba, right?" tumango lang kami. "'Yun naman pala e. Come on, Mina. Sisimulan na natin ang make over."
Hinawakan niya ang kamay ko sabay tayo. "Clovie, tulungan mo ako dito."
"Okay po, mommy!"
"At Heinz?" Tigil niya kay Heinz na nakatayo na at lumapit sa akin.
"Po?"
"Bawal kang sumama. Diyan ka lang."
"What? Bakit? Gusto ko---"
"Hep! Susundin mo ba ako o susundin mo ako?"
"Fine. Wala naman akong pagpipilian."
"Diyan ka na lang muna." Sumabat na ako sa pagtatalo nila.
"Sabi ko nga. If you'll need me, I'm here." pagsusuko niya sa akin at hinalikan ako sa mga labi.
Napatigil kami sa ginagawa nang bigla tumikhim si Rose, "Lovebirds, may oras pa mamayang gabi." Napatawa na lang kami at umupo na si Heinz sa couch. "Anyways, just call me Tita Rose."
"Okay po." Sagot ko habang nakangiti at sinundan siya sa pagpasok sa isang kwarto na gagamitin namin.
Pasensiya na talaga kung kay tagal niyong mababasa ang susunod na kabanata. Sadyang, busy lang. :)
BINABASA MO ANG
Not So Ordinary Fairytale
FantasiSTARTED: June 22, 2014 FINISHED: June 7, 2017 Sa sobrang tamad kong mag-upload kahit matagal na itong tapos, ayan, umabot ng 3 years. Hahaha! Si Almina a.k.a Princess Mina ay princess ng 'Very Far Away Land' na lumayas dahil gusto nyang maranasan a...