Chapter 22

92 2 0
                                    

"Hon?" tawag sa aking pansin ni Heinz dahil nakatuon ang tingin ko sa palabas sa TV habang nakaupo kami sa sofa rito sa living room.
"Yes?" I answered habang tinitingala siya. Nakayakap kasi ako sa kaniya habang nakaunan ako sa kaniyang dibdib.
"sa susunod na linggo na pala ang kaarawan ko." Saad niya sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
"Hmm… Ano ang gusto ng soon-to-be birthday boy ko?" nakangisi kong tanong sa kaniya.
"I want a baby, hon."
Napangiti na lang ako sa sinabi niya, "Akala ko ba ayaw mo?"
"Of course not. I badly want a baby, a family... with you." Tumingin ako sa kaniya and nakita kong nakatingin din siya sa akin.
"Hmm... a baby? ‘Yan ang gusto mo?"
"Yes…"
Napatawa na lang ako sa sagot niya, "Sure. Siguraduhin mo lang na makakapuntos ka." Ngumiti lang siya habang dala ng ngiting iyon ang katagang Let’s start? Napatawa na lang ako nang pinangko at dinala niya ako sa kwarto.

"Your highness, here's your coconut, the vanilla ice cream and the strawberry.”
Saad ni Heinz habang nilalapag sa mesa ang mga pagkain. Umupo na ako sa pagkakahiga at hinalikan siya ng mabilis sa mga labi.
"Thank you, hon."
"Anything for my wife." Ngumiti siya at hinagkan ang kaliwang kamay ko na kitang kita ang singsing sa aking palasingsingan. Ikinasal kamin ni Heinz no’ng nakaraang buwan sa isang royal priest na isa sa mga godfather ko at mabuti na lang ay pumayag kaagad si Uncle kahit labag sa kalooban niya ang mga desisyon ko kaya naikasal kami ni Heinz gamit ang tunay kong pangalan. Pero nang makita ni Uncle ang kasiyahan sa aking mga mata kapag kasama ko si Heinz, pumayag na rin sa huli at siya na mismo ang gumawa ng paraan para hindi malaman ng mga magulang ko ang pagpapakasal ko sa ibang lalaki at maging legal na pirmahan ng hari’t reyna ang kontrata kaya laking gulat ko ng maaprubahan ito ng walang problema.
"May kailangan pa ba ang asawa ko?" nakataas-kilay na tanong ko sa kaniya.
"Gusto ko lang iparamdam ang pagmamahal ko sa aking asawa."
“Paano kapag sinabi kong sapat na ang lahat ng binibigay mo sa akin?” nakangiting tanong ko sa kaniya.
“Paano kapag sinabi kong gusto ko ulit iparamdam ang pagmamahal ko sa’yo?” nakangiti niya ring saad sa akin.
“Pero bago mo gawin ang gusto nating dalawa ay may importante akong sasabihin sa iyo.”
“Ano iyon? May sakit ka ba? May kailangang gawin kasi puwede akong maghintay hanggang mamaya. Ano, hon, Masama ba ang pakiramdam mo?” bakas sa mukha niya ang pag-aalala.
“Una sa lahat, honey, kumalma ka at walang akong sakit. Pangalawa ay manahimik ka dahil alam kong hindi ka makapaghintay na makasama ako,” napangisi lang siya sa sinabi ko, “pangatlo ay masama ang pakiramdam ko dahil baka nagdadalang-tao ako.” Napatahimik lang siya at nang ilang minute ay nagtatalon-talon na siyang parang batang binigyan ng bagong laruan.
"Woah! Magiging daddy na ako! Yes!" Natatawang napahawak na lang ako sa aking tiyan.
"Hon, baka lang naman."
"I don't care. Punta tayo sa bahay-paanakan na alam ko at may kakilala rin akong pwedeng tumingin sa’yo. Kaibigan ko naman ‘yun." Lahat na lang yata ng tao sa bayan ay kilala siya at mga naging kaibigan niya kaya no’ng kasal namin ay maraming imbitado. Dito lang kasi malapit sa bahay diniraos iyon.
Abot-tengang ngiti ang nakapaskil sa kaniyang mukha ngayon kaya hindi ko mapigilang mahawa sa kaniya, "Okay." Tinapos ko kaagas ang kinakain ko saka na nagbihis at gumayak na kami papuntang bayan.

Not So Ordinary FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon