Napa-igik ako sa sakit nang maramdaman ko ang paghihilab sa aking tiyan, “Oh my! Ang s-sakit, Heinz!" iyak ko. “Ang swerte mo dahil l-lalaki ka at h-hindi mo ito- Aray! Mararamdaman!” gigil na paninisi ko.
Ilalabas ko na sa mundo ang anak namin. ‘Di pa namin alam ang gender ng bata at hinayaan na namin iyon para supresa ito.
"Love, k-kaunting tiis na lang-" natatarantang sabi niya sa akin.
"Kaunting tiis? E ayaw pang lumabas ng anak mo! Hei- Aray!" nanlilisik na mga matang sagot ko.
“’Nak, l-lumabas ka na riyan.” aniya.
"Loko! ‘Nak, ‘wag matigas ang ulo, please? Huwag... huwag mong pahirapan si m-mommy." pagmamakaawa ko.
“Sige na, ‘nak. Maawa ka rin sa kamay ni daddy." pangiyak-ngiyak na sabi ni Heinz. Ang higpit kasi ng pagkakahawak ko sa kaniya. Sa sobrang higpit ay halos namuti na.
"I see the head! Come on, Mina. Kaunti ire na lang." Sabi ng matandang babaeng nagpapaanak sa akin. Sa wakas naman ay nagsalita na siya.
Nandito lang kami sa aming bahay. Masyado ng malayo kung pupunta pa kami sa bayan at delikado na ngayon lalo na’t may show si Louie baka makita pa kami.
"Kapag sinabi kong umire ka… ibigay mo ang lahat ng lakas mo sa pag-ire." utos ng komadrona.
"Now, push!" ginawa ko ang sinabi niya at umire. "Another one, push!" Umire ulit ako habang nakahawak nang mahigpit sa kamay ni Heinz. Natatawa na napapaaray ako sa sitwasyon ko. Natatawa dahil sa mukha ni Heinz na nakangiwi at napapaaray dahil sa panganganak.
"Malapit na. Isang ire na lang!" Sa huling ire ko ay binigay ko na lahat ng aking lakas. Kasabay no’n ay ang iyak ng isang sanggol.
Mangiyak-ngiyak akong hinalikan ni Heinz sa labi. “I’m so proud of you.”
“Thanks to you too, Heinz." sabi ko at ngumiti.
"Narito na ang munting prinsepe." ani komadrona.
"Isang prinsipe?" Nakangiti kong tanong.
"Oo. Isang makisig na prinsipe"
"Hmm… mini-Heinz." komento ni Heinz. Ibinigay na sa akin ang anak namin at nagsimula na itong umiyak.
"Nagugutom na iyan." Sagot ng komadrona nang makita niyang hindi ko alam ang gagawin.
"Oh, salamat." Inilihis ko na ang damit na suot at pina-breastfeed ito. Nilingon ko si Heinz na matamang nakatingin sa anak namin. "Hindi ka ba aalis?"
"Why should I?" Kunot-noo niyang tanong.
"I-b-breastfeed ko ang anak natin."
"So nakita ko naman iyan ah? Ako pa nga ang una." aniya.
Kahit kailan talaga ang asawa ko.
"Kamukhang kamukha ko siya. ‘Yung kulay lang ng buhok niya ang nakuha mula sa’yo.” kantiyaw ni Heinz. Hindi ko iyon maipagkakaila. Kamukhang kamukha nga niya ang anak namin. Tama siya. Mini-heinz nga ito. Walang makakapagsabi na hindi niya ito anak.
"What about the eyes?" tanong ko.
Blue-green eyed kasi ang anak namin habang kay Heinz ay blue-gray eyes.
"Ah, buhok at mata niya." napatawa na lang siya sa kaniyang sinabi.
Mayamaya’y pumasok na ang mga kaibigan namin. Sina Tita Rose, Clovy, Tita Roxy, at si Jelo na bestfriend ni Heinz. Siya rin ‘yung tumutulong kay Heinz sa pagtatrabaho.
"Anong pangalan ng baby?” tanong ni Clovie habang nakatingin sa anak namin.
"Hmm... may naisip ka ba, love?" ani Heinz.
Hindi muna ako sumagot at tumingin lang sa kaniya. "Heinz..." Bigkas ko.
"Yes?" curious niyang balik-tanong.
"Heinz... Einz. Got it!"
"Got what, love?” Kunot-noo n’yang tanong.
"Our son's name."
"Really? What is it?"
"Einz."
"Einz?" Kunot-noo n’yang tanong.
"Yes. Einz. From your name Heinz. Little version mo naman siya eh kaya Einz na ang pangalan nya." sabi ko at ngumiti.
Sumang-ayon naman siya sa sinabi ko. "But I want Einz Adrian Heart-Reiford." suhestiyon niya.
"That will do." Tumingin kami sa anak namin. "Welcome to our world, Einz Adrian.”
BINABASA MO ANG
Not So Ordinary Fairytale
FantasySTARTED: June 22, 2014 FINISHED: June 7, 2017 Sa sobrang tamad kong mag-upload kahit matagal na itong tapos, ayan, umabot ng 3 years. Hahaha! Si Almina a.k.a Princess Mina ay princess ng 'Very Far Away Land' na lumayas dahil gusto nyang maranasan a...