Chapter 20

87 2 0
                                    

"Wake up!" Bungad sa akin ni Heinz.
"Later! Masakit ang katawan ko. Pass muna ako."
"O’, really?" tumawa lang siya sa turan ko.
"Che! Mamaya na."
"Sige. Sa garden lang ako. Tatapusin ko lang ang pagtatanim." Pagpapaalam niya at hinagkan ako sa mga labi.
"Okay." Inaantok kong saad. Umidlip muna ako ng ilang minuto at tumayo na para magbihis.
Kumuha ako ng t-shirt niya, tutal malaki naman siyang lalaki, at undies at short ko bago ako pumasok sa banyo

Pagkalabas ko ay nakita ko kaagad si Heinz na nagtatanim. Nakatopless pa talaga a? Buti nalang ako lang ang nakakakita kung hindi, may makakaaway talaga ako. ‘Di ko pa naman matuloy-tuloy ang operation ko. Operation one pa lang bagsak na. Sumandal ako sa pader at nagkibit-balikat na nanonood sa kaniya. Nang naramdaman niyang may nakamasid sa kanya ay tumingin siya sa puwesto ko. Napangiti siya pero agad itong nawala ang bumaba ang tingin niya mula sa mukha ko papunta sa suot kong tsinelas. Bakas sa mga mata niya ang nararamdaman niya ngayon, desire on his eyes and Love? Tumayo siya at tinanggal ang gloves na gamit nya at lumapit sa akin.
"Hey there, beautiful." Nakangising saad niya at hinapit ako sa bewang.
"Hello there, handsome." Napatawa na lang ako sa attempt na kalandian namin.
"How's your sleep?" Pinaningkitan ko lang siya ng mata at napangiti. Nang-aasar ka ba?
"O? It was good."
"Good?"
“Yes? Gusto mo i-spelling-in ko pa… G-O-O-”
“Okay, okay, I get it pero next time, hindi lang good ang masasabi mo.” He smirked at me, "Kain na tayo? Alam kong gutom ka na."
"Talaga! Tapos ikaw yung dessert ko."
"Sure. Lasang lupa pa 'to." Napatawa na lang ako sa sagot niya. May landi pala akong tinatago sa katawan. Akalain mo iyon…

Add me on facebook! Look for QueenAntoniette.

Not So Ordinary FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon