39 THOUSAND: [You're my all. Say goodbye, bye]

424 3 0
                                    

Kanina pa 'ko umiiyak dito sa kwarto ko.

Hindi na 'ko nakapasok sa school. At pansamanatala, ayoko na din muna. Sabihin na nga natin na, ayokong mag-absent pero ngayun, hindi ko talaga kaya. Hindi ko kayang pumasko sa school na laging mata ang mata at hindi din nakakafocus sa tinuturo ng mga teacher.

Hindi ko inaasahan na mangyayari 'to. Hindi ko inaasahan na... mamatay siya ng ganito kaaga.

Tinawagan ko agad sila papa kanina at dinala na siya sa ospital pero wala na talaga. Natawagan na din ang pamily niya at mga kaibigan niya. Pero ako, eto pa din. Umiiyak at nagmu-mukmok sa kwarto.

Shit naman kasi eh.

Bakit kasi kailangan mong mamatay ng maaga?!

Ha?!

Paulit-ulit mong sinabi sa'kin na hindi mo 'ko iiwan. Hindi mo 'ko iiwan... Hindi mo 'ko iiwan... Hindi mo 'ko iiwan... Hindi mo 'ko iiwan... Na hindi mo gagayahin si Cierro. Pero ano 'to ha?! Ano 'to?! ANO 'TO VINCEN KEITH GERALDEZ?! Iniwan mo 'ko!!

Pero kahit papa'no, hindi mo pa din ginaya si Cierro. Pinasaya mo 'ko ng sobra. Nirespeto mo ang pagkababae at pagkatao ko. You never played with me. Ang loyal at faithful mo. At tinago mo pa 'yung nararamdaman mo sa'kin, huh?

And take note, hindi ka nga pinatay ni Cierro pero ayan, tignan mo... Hay.

Nakakainis ka. Sana hindi mo na lang kasi sinabi!! Sana hindi ko na lang nalaman... Sana hindi ko na lang narinig 'yun kagabi... Sana hindi na lang kita nakilala para hindi ako nasasaktan ngayon...

Vin, naririnig mo ba 'ko? Nakikita mo ba 'ko ngayun? Kung hindi mo 'ko nakikita, kahit naririnig man lang sana.

Gusto kong mapasalamat kasi napasaya mo 'ko. You've shown me that love is real and that lust can be rejected. Pero alam mo, nagsisisi ako. Dahil huli na ang lahat bago ko nasabi sa'yo.

WALA KA NA VIN. WALA KA NA NUNG SASABIHIN KO SA'YO.

Ni minsan, hindi ko pa naiparamdam sa'yo. Ni minsan, hindi ko man lang naipakita kung gaano ka kaimportante sa'kin. Ni minsan, hindi ko man lang naipramdam kung sino ka ba talaga para sa'kin. Ni minsan, hindi ko man lang sinubukan na iparating sa'yo kung ano 'yung gusto kong sabihin sa'yo.

Lagi na lang kitang sinusungitan. Iniirapan. Lagi na lang kitang inuutusan at lagi akong naiinis sa'yo.

Eh pa'no ngayun? Huli na lahat? Ano pang magagawa 'ko?

Natatakot kasi akong ma-reject eh.

Sinayang ko 'yung mga oras na nandiyan ka lang sa tabi ko. Sinayang ko 'yung oras kagabi. Sinayang ko 'yung oras na akala ko eh ikahihiya ko at hindi ko man lang naisip na baka isang araw, mawala na 'yung taong mahal ko. Mawala ka na.

At dumating na nga 'yung araw na 'yon.

Vin, sorry. Pero ngayun ko lang sasabihin sa'yo 'to, at sana nakikinig ka sa'kin.

Mahal kita Vin. I've always loved you but I never had the guts to say it or even show it. Sana, hindi ka galit sa'kin. 'Di ba sabi mo pa nga kagabi? Sagutin ko 'yung tanong mo kung mahal kita o hindi? Eto na, sinasagot ko na. Pero sorry kung late ha? Basta tandaan mo, mahal kita.

Mahal na mahal kita Vin.

Sana naiparamdam ko sa'yo 'yun.

Sana naiparamdam ko na... mahal kita.

-

** AUTHOR'S NOTE **

Dedicated kay mommy Mhynx! Gusto ko mag-thank you sakanya dahil sa support niy dito! And please do read her stories. She writes good novels. Hihihihi. ^_________^

At ayun, rush update na sunod sunod. Gusto ko kasi matapos 'to before our sportsfest end. At para matapos na din 'to. Gusto ko kasi magbasa ng magbasa kapag natapos ko na 'to. :) Tapos ano. Ano ba 'yun?! Hahaha. Ayun. Masyado bang emotional? May dinadamdam kasi. Joke! Drama ng piling otor na 'to. Hahahahaha. XD O ayun, sana nagustuhan niyo kahit... :\ Yeah. Haha!

Thanks for dropping by! >:D<

A Thousand Years ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon