3 THOUSAND: [Yay! Notebook! You're back!]

670 4 0
                                    

Lakad dito... Lakad doon...

Argggggh. Hindi na ako mapakali dito sa kwarto ko. Hindi pa 'ko nagbibihis oh. Nakakainis na. Sana naman kung may nakakita noong notebook ko 'wag na lang kunin. TT_________TT Okaya kapag nakuha, ibalik sa'kin at 'wag buksan kahit anong mangyari. Nandun naman complete details ko eh. Pwede akong tawagan, puntahan dito sa bahay o i-text.

Oh 'di ba? May choice ka pa. -________-

Eeeeeehhh. Tsk, tsk.

Ang confidential kasi nun. Super private. Journal ko 'yun eh. Diary. Listahan ng kung anu-ano. Nakakahiya lang eh. Pero... Gaaaaaaah~ I WANT MY NOTEBOOK FAST AS SOON AS —

*tok tok*

"WHUUUUUT?!!"

Si Miyaki pala. Pinsan ko. "Eh ate, sorry. May nagpapabigay nito sa'yo." Inabot niya sa'kin 'yung notebook ko.

'Yung notebook ko.

WAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!

'Yung notebook ko! *u*

Aish. Nasigawan ko tuloy si Miyaki ng hindi sadya. -_______- "Uy, sorry ha? Naiwanan ko kasi 'to eh. Natakot ako na baka may nakakuha tapos... Hay. Sorry Miyaki."

"Okay lang ate. Sige magbihis ka na. Mabaho ka na ata. Hihi." Sinuntok niya 'kong pabiro. Inamoy ko naman sarili ko. *sniff, sniff* Hindi naman ga'no. =.="

"Hindi naman ah! Haha!"

"Hahaha!" Tumawa din siya. Wew. "Sige na nga ate, aalis na 'ko. Tatawagin na lang kita kapag kakain na."

Pababa na sana siya pero... may nakalimutan akong itanong sakanya.

"Miyaki!"

"Oh?"

"Sino nagbigay sa'yo nito?"

"Eh hindi ko kilala ate eh. Hindi niya din sinabi kung sino siya. Pero lalaki. Naka-hoodie tapos... basta! Hindi na siya nagpakilala eh. Umalis pa agad."

"Ah ganun ba? Sige, salamat."

"Sige ate, manunuod na ako ng Jigoku Shouju ah!" Bumaba na si Miyaki.

'Yung batang 'yun talaga. Napaka-hilig sa anime at K-Pop. Hindi niya naman maintindihan 'yung kanta ng mga intsik. Ay este, koreano pala. Eww. -_______- (A/N: No offense po sa mga mahilig sa K-Pop ^____^) Pa'no niya kaya nae-enjoy 'yun? Hanep.

Hay.. Sino kaya nakahanap nitong notebook na 'to? Waaaaaa. Gusto ko siyang pasalamatan ng bonggang bongga. Natigil na din 'yung pagaalala ko. Akala ko hindi na 'to babalik sa'kin eh. Importante 'tong notebook na 'to sa'kin. *u*

 Pero teka.

 Hindi naman siguro binuklat 'to nung nagsoli 'di ba?

 Wala naman siguro siyang nabasa?!

'Di ba?!

'Di ba?!

HINDI PA PALA TAPOS NIGHTMARE KOOOOOOOOO!

U_________U

*lipat ng page*

*lipat ng page*

*lipat ng page*

*lipat ng page*

*lipat ng page*

*lipat ng page*

*lipat ng page*

*lipat ng page*

Woaaaah.

May cellphone number.

At may pangalan sa taas nung number.

"Hanzen Faminial

0916*******"

A Thousand Years ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon