31 THOUSAND: [I consider myself as her property]

419 3 0
                                    

[Vin's POV]

*toooooot*

May tumunog na phone.

"Vin, dinala mo ba phone ko? Sa'kin ata 'yun eh." Biglang tanong ni Krizza.

Baka sakanya nga 'yun. Teka, boy friend niya kaya? Pshh. Ayan ka nanaman Vin eh, umaasa. Alam mo namang laging galit at inis sa'yo si Krizza.

Tumango ako. Buti na lang dinala ko. "Eto oh." Sabay abot ko sakanya. Kinuha niya naman agad sa'kin. Mukhang excited siya ah?

"Thanks." Sabi niya. At mga ilang seconds pagkatapos niyang tignan, "Vin, sa'yo ata 'yun?"

Napitlag naman ako. Meron pa palang nagte-text sa'kin? Ah alam ko na. Baka sila Mr. & Mrs. Cassidea. "Ah iche-check ko lang." Tinignan ko na lang 'yung phone ko.

Sa'kin nga 'yun text. 'Yung author kasi eh, papalitan lang ng ringtone 'yung isa sa'min ayaw pa. -__-

FROM: Aysha

MESSAGE:

Can we meet now? Sa dati? ASAP. Please? I just want to talk to you. Thanks. :)

Anak naman ng... Bakit ngayun pa siya magte-text? Nasa ospital pa si Krizza. May sakit. Hindi ko siya pwedeng iwan pero... Hay. Ang hirap naman. Bakit pa kasi ngayun?

"Oh Vin, bakit? Ano nangyare?" Tanong sa'kin bigla ni Krizza.

Kaya mo 'yan Vin. Kaya mo 'yan. Be a guy. "Sorry Krizza, saglit lang ako. May pupuntahan lang ako saglit. Babalik ako agad. Ha?" Kinakabahan ako. Ano kaya sasabihan niya?

Without any doubts, she said, "Ahh.. S-sige. I-ingat k-ka.." Bakit nau-utal utal 'to? Ah alam ko na.

"Natatakot ka nanaman ba?" I asked her frankly.

"Natatakot?" Napatingin siya sa'kin.

Napapabuntong hininga na lang ako. "'Wag ka magalala. Babalik ako agad. Hindi ko hahayaang may masamang mangyari sa'yo Krizza." Tumalikod na 'ko sakanya. Aalis na sana. Pero may nakalimutan akong sabihin. "Hindi ko gagwin ang mga ginawa sa'yo ni Cierro dati." Umalis na 'ko ng kwarto, umaasa na naintindihan niya 'yung sinabi ko.

Oo nga pala, baka makalimutan ko.

Si Ayeena Shafree Gutierrez. Si Aysha.

Ang babaeng papakasalan ko. Pero puputulin ko na ang lahat ngayun. Tinatanong niyo ba kung mahal ko siya? I never did. Childhood friend ko lang naman siya. Pero dahil dun, nagkaroon ang kasunduan ng magulang namin. And I kept everything sa lahat ng naging girl friend ko.

But not now.

Ayoko ng manakit. Maiksi lang ang buhay ko. Mahal ko si Krizza. At 'yun ang ipinaparamdam ko sakanya. Sana nga, nararamdaman niya. Kaya tatapusin ko na lahat ngayun. Whether my parents like it or not. Gusto kong sumaya.

At sasaya lang ako, kay Krizza.

Sakanya lang.

Wala ng iba.

A Thousand Years ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon