CHAPTER 16

19 2 0
                                    

Where do I begin?

"Where I come from...

"Alam mo kanina pa ako salita ng salita dito,
para ka namang hindi nakikinig."

You say things will be well and fine,

"Mavis? Mavis?!"

Though the world around you is crumbling"

"Hoy Mavis!"

"Ha? Pasensya ka na, ano ulit sinabi mo?"

"Kasi naman, bakit hindi ka pa mag kwento? Lutang din naman isip mo doon. Kanina mo pa rin sino-solo ang Ice Cream. Ano 'te? Isang galon maubos mo? Broken hearted?"

"Sorry na. Hindi naman. Ewan ko ba."

"Magsasalita ka ba tungkol sa nangyari o mag tago ka nalang dito sa bahay ko forever? Puro kantang nakakalungkot pinapakinggan mo! Isang linggo ka ng hindi pumapasok sa trabaho, hindi mo sinasagot ang tawag ng kahit sino! Well, maliban sa boss mo. Yung totoo?!"

Hindi ko siya masagot. Hindi ko rin kasi alam kung bakit ako nagkakaganito. Tapos ko narin naman ang trabaho ko, i-ppresent ko nalang. Buti pumayag si Ms. Rosie na mag leave ako, ang alam niya umuwi akong probinsya dahil emergency. Pero sure ako na hindi naniniwala si JC at mag isang linggo na akong nakikitira kay Alex.

Si Alex Boromeo ay isang kaibigan na nakilala ko noong college. Maganda siya, maputi, sexy, maliit, at blondie ang buhok. Sa ngayon ay isa siyang HR Manger sa isa sa pinakamalaking BPO Company dito sa Pilipinas.

Oo, HR as in Human Resource. Magaling siya sa propesyon niya pero ang hindi alam ng nakakarami may topak din tong si Alex. May pagkabulgar din magsalita, pero mabait at maaalahanin.

"Ano? Lutang ka nanaman? Pasalamat ka wala akong pasok ngayon nasamahan kita, tapos hindi ka naman mag sasalita?"

Naiinis niyang sinabi saakin habang inagaw ang ice cream sa harap ko.

"Kelangan ko ba talagang i-kwento?"

"Oo! Para makapasok ka na ulit. Kelangan nating ayusin yang bumabagabag sayo!"

Yung totoo gusto ko talaga i-kwento. Pero sa dami ng nangyari hindi ko alam kung paano at saan ako magsisimula.

"Saan ba ako magsimula?", tanong ko sakanya habang pasimpleng kinukuha ang Ice Cream sa kamay niya.

"Ops! Tigilan mo na ang kaka-Ice cream mo. Alalahanin mo, ang kalusugan mo ang pundasyon mo sa trabaho mo ngayon. Paano mo makakanta sakanila ang mga kanta kung magkaproblema ka sa lalamunan mo?"

Napayuko ako sa sinabi niya. Tanging sa Ice cream ko  na nga lanng nagagawang tumakas sa realidad.

"Bilis. Kwento na. Kalahating oras na akong nangungulit sayo, sige ka pag ako nagsawa."

"Oo na, oo na. Ganito kasi nangyari.."

-- One week ago --

"Mavis..."

The warmth of his hands.
His breath.
His scent.

"No."

"Huh?"

"Huwag."

Tinaggal ko ang kamay ni Caleb sa mukha ko at agad na tumayo. Kita ko sa mukha niya ang pagkagulat sa sinabi ko.

Alam ko na kung saan ang punta nito, alam na alam ko ang mga ganitong eksena. Ayaw kong mabiktima ulit ng pagkabigo.

"Pasensya ka na, kelangan ko ng umalis."

Somewhat how it Ended is where it all BeganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon