CHAPTER 5
HER BOSS being so darn stubborn, kahit anong sabi ni Jergen na huwag itong pumunta sa condo niya, pumunta pa rin at hindi nagpapigil. Kaya naman napilitan siyang papasukin ito sa condo niya.
"Sinabi nang huwag kang pumunta rito kasi sisirain mo ang gabi ko," nagpuputok ang butsi na sabi niya habang nakasimangot. "Pasok ka na nga."
Nginitian lang siya ni Lysander, saka pumasok sa bahay niya. At habang naglalakad ito, hinubad nito ang tuxedo na suot, paisa-isang inaalis ang butones ng puting polo, saka walang pag-aalinlangang hinubad 'yon.
Napanganga si Jergen nang makita ang pang-itaas na katawan ng lalaki. Ripped muscles, eight pack abs, V-line. And not to mention his very handsome face.
Dayum, hot.
Itinikom niya ang bibig dahil baka tumulo ang laway niya. Kapagkuwan ay umakto siyang hindi apektado sa hubad nitong pang-itaas na katawan.
"Puwede ba, Boss, magdamit ka nga." Kunwari ay naiinis siya pero ang totoo, ginagahasa na ng mga mata niya ang abs nito.
It wasn't every day that she could see an abs. Live and up close.
Umupo si Lysander sa sofa, saka inilipat ang TV sa Discovery Channel. "Halika rito, Miss Secretary," sabi nito.
Nag-aalangan siyang umupo sa dulo ng mahabang sofa. "Boss, magdamit ka nga. Nakakaasiwa kang tingnan."
She liked seeing his body and abs, pero kung ganito naman ang epekto n'on sa kanya, pass na lang siya. Parang hindi siya mapakali at gusto niyang hawakan 'yon.
Goodness, me!
"Usod ka rito malapit sa 'kin," ulit ni Lysander. "Manood tayo."
"Ayoko nga." Umalis si Jergen sa sala kasi ayaw niya ng tentasyon. Nagtungo siya sa kusina para magtimpla ng gatas.
Milk before bedtime. Nakagawian na niyang uminom ng gatas bago matulog.
Nang matapos siyang magtimpla, hinayaan niya iyong lumamig ng ilang minuto bago niya ininom. Nangangalahati na siya sa pag-inom ng gatas sa baso nang marinig niya ang boses ni Lysander.
"Milk?"
Napatigil siya sa pag-inom, saka bumaling dito. "Bumalik ka ro'n sa sala. Dini-distract mo ako."
Tumaas ang sulok ng mga labi nito. "Why is that?"
"Basta." Inirapan niya ito. "Lumayo ka nga sa 'kin."
Sa halip na makinig, lumapit ito sa kanya, sabay yakap sa baywang niya.
"Lysander!" Muntik na niyang mabitawan ang basong hawak.
He chuckled. "Yeah?"
"H-huwag mo nga akong yakapin." Ang bilis ng tahip ng dibdib niya. "Please, bitawan mo ako." Sa halip na pagalit ay pabulong ang pagkakasabi niya. Walang lakas.
Baka hindi na niya kayang kontrolin ang katawan niya kapag nagpatuloy ito sa ginagawa.
"What if I don't want to?" pabulong namang tanong ni Lysander habang ang mga labi ay humahalik-halik sa tainga niya na naghahatid sa kanya ng kakaibang sensasyon at kiliti. "What if I want more than hugging your waist?
Napalunok si Jergen. Parang nanunuyo ang lalamunan niya dahil sa mga sinasabi ni Lysander at sa uri ng boses na ginagamit nito.
His voice sounded sexy and seductive.
At hindi rin nakakatulong ang walang saplot nitong pang-itaas na mas nakaka-distract sa kanya.
"Lysander—"
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE 14: Lysander Callahan
Narrativa generaleShe was his secretary and he was her boss. Plain and simple. No complications. No problem. Nothing. That was Lysander's life before he started desiring his secretary in ways that he couldn't even explain. Siya ang tipo ng tao na walang masyadong pa...