CHAPTER 24
HINDI MAPAKALI si Lysander nang sabihin ng organizer sa kanya na dumating na si Jergen habang nakatayo siya sa ibaba ng altar. Pero lampas sampung minuto na ang nagdaan sa nakatakdang oras ng pagsisimula dapat ng kasal nila pero wala pa rin ang asawa.
"Where the heck are you, baby?" he murmured in nervousness. "Don't you dare ditch me."
Mahinang tumawa ang katabi niya—ang best man ng kasal niya. "You are sweating bullets, my man," sabi ni Andrius.
Humugot siya ng malalim na hininga, saka bumaling dito. "Sino ang hindi pagpapawisan?" masama ang mukha niyang tanong. "Wala pa ang asawa ko. Baka kung napaano na 'yon, o baka naman nagbago na ang isip niya at ayaw na niyang magpakasal sa 'kin. Darn! These past few days, she won't even talk to me! Inisip kong baka naglilihi lang siya. Pero paano kung iba pala, paano kung hindi na pala niya ako mahal?"
Napailing-iling si Andrius, saka tinapik ang balikat niya. "She'll come."
"How would you know that? She's now fifteen minutes late!" he hissed in frustration.
Napabuntong-hininga si Andrius, saka inginuso ang mga labi sa direksiyon ng mga kaibigan nilang may mga asawa na. "I'm single, man. Wala akong alam sa nararamdaman mo. But maybe they can chill you, those married lunatics already experienced what you are experiencing right now."
Tama ito. Huminga si Lysander nang malalim, saka tumango. Akmang maglalakad siya para lapitan ang may mga asawa niyang kaibigan nang may pumigil sa kanya. Nilingon niya kung sino 'yon at nagulat nang makita ang organizer na si Tessmarie.
"Huwag kang gagalaw sa puwesto mo." Pinandilatan siya nito. "Nasa labas na ang bride."
Nagliwanag ang buong mukha niya. "Nasa labas na ang baby ko?"
Tumango ito na may munting ngiti sa mga labi. "Yes. Nasa labas na at naghahanda sa pagpasok kaya huwag kang gagalaw."
Mabilis siyang tumango, saka tumayo nang matuwid habang pasulyap-sulyap sa nakasarang pinto ng simbahan.
"Look at you, man," sabi ni Andrius. "Sino'ng mag-aakaala na magseseryoso ka sa isang babae at pakakasalan pa."
Lysander smiled. "You never know, Salazar, baka ikaw na ang sumunod na magpakasal."
Andrius snorted. "Me? Next in line? Nah." Mahina itong tumawa. "It seems that I'm having trouble finding my 'the one.' Unlike you na nasa harap mo lang at walang kahirap-hirap mong nakita agad."
Nanunudyo ang matang binalingan niya si Andrius. "So, you've been looking?"
Nag-iwas ito ng tingin. "I'm looking for that sign that Tyron told me."
Kumunot ang noo niya. "What sign?"
"'Yong isang babae lang iyong nasa isip ko." Napabuntong-hininga ito at napailing-iling. "When that happens, I'll marry her in no time."
Napangiti siya. "Good luck with that, my man."
"Yeah," Andrius grunted. "Fuck."
Mahina siyang natawa na agad din namang nawala nang makitang bumukas ang pinto ng simbahan at sinalubong ng mga mata niya ang napakaganda niyang asawa.
His face softened as he lovingly look at his beautiful Jergen, his wife. His. Finally.
After five years or reigning his feeling, after five fucking years of suppressing his emotions for her, finally, he got her. Finally, she knew that he loved her and that was all that matters to him.
The very core foundation of his life was now walking towards him. God, he loved Jergen so much... so much that it scared him sometimes. Natatakot siya kung ano ang mangyayari sa kanya kapag hindi na siya mahal ng asawa niya, natatakot siyang may umagaw rito, natatakot siyang iwan nito at natatakot siyang hindi ito maging masaya sa piling niya.
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE 14: Lysander Callahan
General FictionShe was his secretary and he was her boss. Plain and simple. No complications. No problem. Nothing. That was Lysander's life before he started desiring his secretary in ways that he couldn't even explain. Siya ang tipo ng tao na walang masyadong pa...